Sino ang mas mahabagin, maunawain, mapagbigay at mahabang pasensya? Ang kabataan ba, ang magulang ba, o ang lolo at lola?
Nang ikaw ay bata pa may mga bagay na gusto mong makuha at pag di mo agad nakuha ay susubukan sa pag iyak. Ang gusto mo ay iyo ang sa iyo at ang kanila ay iyo pa din.
Nang ikaw ay naging magulang ang isusubo mo ay ibibigay pa sa anak. Ang iyong pagsisikap ay para sa kanila. At dinidisiplina mo ang iyong mga anak. Subalit sa bahay nadun ang lolo at lola na makakarinig ng iyak ng apo. Posible pang sawayin ng nuno ang anak na pumapalo sa apo. Ikaw naman ganun lamang pinapalo agad ang bata.
Ang apo ay tatakbo sa lolo at sa lola. Ang nuno ay aaluin ang apo. Ang apo yayakap sa lolo o sa lola. Kahit madumi o may ginawang mali kahit pa nakabasag ng pinggan o nasirang gamit ang apo, sa lola o sa lolo ay walang anoman iyon. Ang mas importante sa kanila ay ang kanilang apo. Pwede mong sabihin kunsintidor ang lolo at lola pero hindi iyon ang rason talaga. Ang talagang rason bakit sila ganun ay dahil nauunawaan nila na ang lahat ng bagay ay lumilipas at nagdaraan lamang.
Sa lolo at sa lola ay may mas matanda pa, ito ang Impo at ang Ingkong. Kung ang lolo at lola ay maunawain, mapagmahal, may mahabang pasensya mas lalo at higit ang Impo at ang Ingkong.
Kung ganito ang lolo at lola nyo pag sila yumao labis kang malulungkot at talagang nawalan. Mas hinahanap mo lolo at lola mo. At kung buhay pa at nakasama mo pa ang Impo at Ingkong mo, mas lalo ang pananabik mo.
Ang Ingkong ay hindi isang kibot na pagkakamali mo bilang tao ay may latigo agad na hahaplit sa iyo. Hindi siya walang kaalaman sa motibasyon na para mapasunod ka ay babantaan ka ng kaparusahan at iba pang pananakot. He never loses ways to encourage and inspire his great grandchildren, yes great grandchildren and not just grandchildren or children.
Ingkong is the great grandfather. Kaya he is the most wise, the most understanding, great patience, forgiving, the most loving father.
Sa kaharian ng tunay na Ingkong ito ay isang angkan, isang pamilya, hindi isang penal colony o bilangguan. Hindi pulis na anytime huhulihin ka at ikukulong at hindi mambabatas na bawat galaw monay binabasa kung nakakasunod ka sa batas niya.
Isang angkan na naghahari hindi takot sa Diyos kundi pag ibig sa Diyos. Hindi takot sa Ingkong kundi pagmamahal at paglalambing.
Na ang magkakapatid ay nag uunawaan hindi nagpupulisan at nagsusumbongan, nagmamalasakitan, nagtutulongan, nagbibigayan.
Ang simbahan ay isang angkan, isang lahi at liping marangal. Hindi isang lipi na pinaghaharian ng takot, pananakot, paghahari-harian ng ilan.
Isang simbahan na may mapagpalayang pananampalataya at hindi pananampalatayang nang aalipin. Simbahang may totoong puso at hindi mapang usig.
Iniwan ang Romanong simbahan huwag nang maging gaya ng iniwang kaugalian ng Romano.
Ang simbahan ay isang angkan, isang pamilya, isang lahi at liping marangal hindi isang kulongan o bilangguan ng mga taong isinasarado ang isip at mata na kapag nakabasag ng plato ay may hagupit agad ng parusa at karma.
Ito ang aspeto at aral kung bakit Ingkong ang akmang tawag sa Diyos. Isang Diyos na maunawain mahabagin mapagpatawad at mapagmahal. Pinaka mapagmahal sa lahat.
Diyos na lumikha sa tao ayon sa kanyang wangis
At hindi siya Diyos na nilikha ng tao sa wangis ng tao.
Huwag ninyong gawing ugali ninyo ang Diyos.
At hindi siya Diyos na nilikha ng tao sa wangis ng tao.
Huwag ninyong gawing ugali ninyo ang Diyos.