Saturday, September 3, 2011

ANG LIHIM NA PANUKALA NG DIYOS


Ave Maria Purissima!


Sinasabi sa aklat ni propeta Isaias "Makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking PANUKALA." Isaias 53:10

Dito sa mga propesiyang ito ay binabanggit na ng Amang Yahweh na Siya ay mayroong PANUKALA at ang tinutukoy niyang 'KANYA at NIYA' na magiging dahilan upang matupad ang PANUKALA ay natupad sa ating Panginoong Hesukristo. (Isaias 53:11-12; 50:4-7; Mateo 26:47-75;27:1-56 et al)

Ipinahayag ni Apostol Pablo sa mga taga Efeso kung ano ang PANUKALA na tinutukoy ng Diyos sa bibig ng Propeta Isaias, " Binigyan niya tayo ng karunungan at kabatiran upang lubos nating maunawaan ang kanyang lihim na panukala na isasakatuparan sa pamamagita ni Cristo pagdating ng takdang panahon. Ang panukalang ito ay PAG-ISAHIN KAY CRISTO ANG LAHAT NG NASA LANGIT AT NASA LUPA." Efeso 1:7-10

Alalaon baga ang PANUKALANG INILIHIM (Efeso 3:9) AY WALANG IBA KUNDI ANG PAGSASANIB NG TAGA LANGIT AT NG MGA TAGA LUPA. AT ITO AY MAGAGANAP SA TAKDANG PANAHON.

IBIG SABIHIN ITO AY HINDI PA NANGYARI NOONG PANAHON NG MGA APOSTOLES.

Ipinaliwanag din ni San Pablo kung paano magaganap ang panukalang ito at ito ay magaganap sa pamamagitan ng SIMBAHAN, "UPANG SA PAMAMAGITAN NG IGLESYA AY MAIPAKILALA NGAYON SA MGA PINUNO AT MGA MAYKAPANGYARIHAN DOON SA KALANGITAN ANG WALANG HANGGANG KARUNONGAN NG DIYOS NA NAHAHAYAG SA IBAT IBANG PARAAN." Efeso 3:10-11

Alalaon baga ang LIHIM NA PANUKALA AY MAGAGANAP SA PAMAMAGITAN NG SIMBAHAN SA TAKDANG PANAHON.

Sa pamamagitan ng Simbahan. Napakalaki at napakahalaga ng gampanin ng Simbahan sa pagsasakatuparan ng Diyos ng Kanyang lihim na panukala. Ang isang simbahan ay kalipunan ng tao, may hirarkiya, may pamunuan. Ang isang simbahan ay mayroong kinikilalang Ama o Patriyarka, may kinikilalang Ina o Matriyarka bilang dalawang pangunahing karakter ng lipunang Simbahan.

Ang isang simbahan ay may kaparian na itinalaga ang tagapag-tatag upang mangasiwa sa pagkakaloob ng mga banal na sakramento sa mga napapasakop dito - ibig sabihin ay mga tao. Ang kaparian ay mula sa karaniwang mga hindi-pangkaraniwang tao (mga tinatakan) na iniangat ng antas at kalagayang espiritwal upang maging mga overseer o tagapamahala at tagapangasiwa sa "bayang inihanda ni Juan Bautista para sa Diyos" Lucas 1:17

Simbahan sapagkat doon magkakasama-sama sa  kanyang bubong ang magkakaibang lahi, ugali, kultura, kulay, talino at kaalamang taglay, at mga karanasan. Sa puntong iyon ay napag iisa ang maraming tao sa iisa at parehong pananampalataya, kilos, gawain at pananaw. 

Ang simbahan ay ang ARKO NI NOE na kung saan magkakasama at nagkakabunggoan ng siko ang mabuti at malinis na hayop sa mga marumi at masamang hayop o sa madaling salita, nagkakasama ang Leon at ang mga tupa sa iisang ARKO. Sa labas ng ARKO na ito o ng Simbahang ito ay ang mapanganib na lakas ng hangin at alon ng baha at ang mga nasawi o napahamak dahil hindi nakinig sa pangangaral ni Noe. Sa Simbahang ito iisa lamang ang may hawak ng Timon at Manobela o Giya paris ng sa ARKO; sa ARKO si NOE ang may tangan, sa Simbahan Patriyarka ang may hawak. Hindi ang pagtalon sa tubig sa labas ang kaligtasan kung hindi masunod ang iyong kalooban sa kung saan mo ibig dalhin ang Arko sapagkat hindi naman ikaw ang may hawak ng manobela - ikaw paris ng iba ay pasahero lamang ng Arko, Pasahero ngunit may tungkulin na iniatang ang kapitan.

Walang kaligtasan sa labas ng ARKO NG MAHAL NA INGKONG. Iisa ang Kapitan ng ARKO ng ESPIRITU SANTO walang iba kundi ang Patriyarka tayong lahat ay mga pasahero o sakay lamang na may mga gaganaping tungkulin pero nakatitiyak hindi tayo ang may tungkuling i-maniobra ang arko. Ang ARKONG IYAN AY DILI IBA KUNDI ANG SIMBAHANG APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH.

Ang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH ay ang nag-iisang simbahan natayo sa bundok  paris ng ARKO ni NOE na nag-iisang itinayo niya sa tuktok ng bundok. Nililibak at pinagtatawanan ng mga tao si Noe sapagkat gumawa ng bangka sa tuktok ng bundok gayong walang tubig at napakataas. GAyon din naman, ang Arkong APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH na natayo bundok ay nililibak at pinagtatawanan ng tao sapagkat paanong sa bundok manggagaling ang isang simbahan gayong marami nang simbahan sa ibaba at patag. Hindi nila naunawa na ang bundok ang matitirang mataas na lugar sa huling panahon kung saan sisindihan ng Diyos ang ilaw ng kabanalan upang tumanglaw sa mga nalulunod ng baha ng kasalanan at kawalan ng Diyos.

Nang ang simbahan ay pumalaot sa kapatagan ito ay nangangahulugan na ang baha ng pagkakasala at paglapastangan sa Diyos ay lubha nang mataas kung kaya lumayag na ang simbahan sa ibat ibang panig ng mundo - ang mga tumalon at ayaw pasakop sa Simbahan ay pawang masasama at masasakit na salita na lamang ang kanilang magagawa sapagkat sila sa malamang ay mapag iwanan ng bangka - maiiwang titimbol timbol sa pirasong putol ng lulutang lutang na kalat at layak sa tubig baha. Hindi kailanman maisasakay ng mga nasa bangka ang sinomang ayaw mag-abot ng kamay at ayaw kumapit sa SALBABIDANG ibinibigay. Ang mga tinatakan sa pasimulat pasimula ay sinasabi ng MAHAL NA INGKONG na "KAYO MGA ANAK ANG SALBABIDA NG INYONG BANSA, SALBABIDA NG INYONG MUNDO" Paano kung ang mismong salbabida ay hindi ibig dumugtong sa bangka - anong kaligtasan ang maibibigay niya sa tao. At paano kung salbabidang butas at wala nang espiritu - paano makapagliligtas ng buhay at kaluluwa ng tao?

ituloy natin...

SINO ANG MGA NASA LANGIT NA IPAGKAKAISA SA MGA NASA LUPA AT SINO NAMAN ANG MGA NASA LUPA?

Sa panalangin ay itinuro ng Panginoong Hesus sa mga alagad ang mga salitang "AMA NAMIN, SUMASALANGIT KA.." ibig sabihin ang DIYOS na tinatawag ni Hesus na AMA ay nasa langit, at ang Amang yaon ay ESPIRITU sapagkat tulad ng kanyang winika ANG DIYOS AY ESPIRITU (Juan 4:24).

Sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol ay natanaw ng diyakonong si Esteban ang ating P.Hesus na nakaupo sa kanan ng Ama (Gawa 7:55)

Sa aklat ng 2 Hari 2:11 isinasalaysay kung paanong tinangay ng karwaheng apoy na hila ng mga kabayong apoy si Propeta Elias at iniakyat sa langit sa pamamagitan ng ipo-ipo.

Sa sulat ni San Pablo sa mga taga Hebreo kanyang niliwanag kung ano ang mga nasa langit, at ito ay walang iba kundi ang HERUSALEM na kinaroroonan ng di mabilang na mga anghel, ng mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos, kay Hesus na tagapamagitan ng bagong tipan..." Hebreo 12:22-24

Ibig sabihin ang mga nasa langit ay ang DIYOS AT AMA katabi ang Panginoong Hesukristo, ang mga anghel, si Propeta Elias, at mga espiritu ng mga banal na tao. Sa mga banal na tao ay pangunahin ang mga banal ng Bagong Tipan walang iba kundi ang Mahal na Inang Birhen, mga Apostoles, mga alagad, at mga martir ng Kristiyanismo."

Yaon ang mga taga langit na ipapanaog, sa kabuoan ay tinatawag na MAKALANGIT NA HERUSALEM O HERUSALEM SA KALANGITAN." Ang Herusalem sa langit ay ESPIRITWAL at ang bumubuo dito ay pawang mga banal na Espiritu sa liwanag at tanglaw ng Amang Diyos Espiritu Santo. Tinawag kong Amang Diyos Espiritu Santo sapagkat siya namang katotohanan na ang Diyos at Ama ay Espiritu, at ang Espiritu ay Banal at Diyos.


SINO ANG MGA TAGA LUPA O SANLIBUTAN KUNG KANINO AT SAAN IPAGKAKAISA O ISASANIB ANG MGA TAGA LANGIT?

Sa halaman ni Hetsemani, ang Panginoon ay nagpapawis ng dugo sa matinding hapis at kalungkotan, ang kanyang idinadalangin sa Ama ay "Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. kaya Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan. Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila'y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita...Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila ay sa iyo..." Juan 17:1-26

Ibig sabihin ang mga taga langit ay hinihiling ng P.Hesus na ipagkaisa sa kanyang mga alagad hindi sa lahat ng tao kundi doon lamang sa hinirang ng Ama na mapapunta sa kawan ng Anak.

KAILAN AT MAY PALATANDAAN BA KUNG MAGAGANAP NA ANG TINUTUKOY NA TAKDANG PANAHON NG PAGSASANIB NA ITO?

Sa aklat ng Pahayag o Apocalipsis 10:7
kapag hinipan ng ika-pitong anghel ang kanyang trumpeta, ISASAGAWA NA NG DIYOS ANG LIHIM NIYANG PANUKALA gaya ng ipinahayag niya sa mga propeta na kanyang lingkod."

Sa Apocalipsis 11:15 - 19; 12:1
Nang hipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may malalakas na tinig buhat sa langit na nagwika, "Ang paghahari sa sanlibutan ay inilipat na sa ating Panginoon at sa kanyang Mesias. Maghahari siya magpakailanman... NABUKSAN ANG TEMPLO NG DIYOS SA LANGIT, AT NAKITA ANG KABAN NG TIPAN...kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: ISANG BABAENG NARARAMTAN NG ARAW AT NAKATUNGTONG SA BUWAN AT ANG ULO NIYA'Y MAY KORONANG BINUBUO NG LABINDALAWANG BITUIN" 
So, ang palatandaang ibinigay ng Diyos ay ang ikapitong anghel na iihip ng ikapitong trompeta subalit paano nating malalaman kung nakaihip na ang anghel gayong di naman natin ito nakikita o naririnig? May kasunod na tanda at pangyayari kung makaihip na ang anghel at ito ay walang iba kundi ang BABAENG NARARAMTAN NG ARAW NA NAKATUNGTONG SA BUWAN AT MAY KORONANG LABINDALAWANG BITUIN.

Sinong babae yaon? May iba pa ba kundi ang Mahal na Inang Birhen Maria? Ang Mahal na Inang Birhen ang ginawang tanda ng Diyos sa huling panahon kaparis noong una na Siya din ang ginawang tanda sa pagdating ng Panginoong Hesukristo sa lupa noong sabihing "Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki!" Mateo 1:23; Isaias 7:14

Gayon din naman, isang babae din ang gagawing tanda ng Diyos sa  kanyang huling kaganapan bilang Espiritu Santo. Siya, bilang Espiritu ng Ama at ng Anak ay  iisa at pareho ang layunin - ang makapiling ang tao sa kanyang kaharian. Upang maipagsama sa kanyang kaharian na kung saan may kasalan ay kanyang bibihisan ng puting damit pangkasal ang kanyang mga hihirangin.

Napakita na ang babaeng nararamtan ng araw. Ang pangyayaring ito ay naganap noong 1917 sa Cova Da Iria Fatima Portugal na kung tagurian ng mga komunista, mason at mga atheista sa kanilang mga pahayagan ay ang " THE WOMAN CLOTHED WITH THE SUN".

ANG PAGSILANG NI STA MARIA VIRGINIA

Makalipas ang may ilang taon, 1922, December 30 - Isinilang ang isang sanggol na babae na pinangalanang Virginia o sa kabuoan ay Virginia Penaflor Leonson sa may Hermosa Bataan Pilipinas. Itinakda ng Ama sa langit na maging isang nababakurang hardin kung saan Niya ipupunla, pagdating ng araw, ang mga binhi ng mga isisilang na mamamayan ng Bagong Herusalem sa lupa.

ANG DRAGONG PULA
Sa kasunod na taon, 1918, ang Dragong Pula ay napakita sa mundo sa anyo ng Komunista. Ang Dragon ay ang matandang ahas sa paraiso na tumukso kay Eba. Ngayon, paris ng sinabi ng Ama, "Ikaw ahas at ang Babae ay maglalaban, binhi mo at binhi Niya ay laging mag-aaway. Siya ang yuyurak sa ulo mong iyan at ang sakong niya ay iyong aabangan." Genesis 3:15

Ang Dragon ay ang komunista na inilunsad ng prinsipyo ni Karl MARX at ng kanyang aklat na DAS KAPITAL, sinakop nitong ideolohiyang ito ang RUSSIA at CHINA at iba pang bansa. Sila ang may hawak ng karit at maso. Kung kaya nga maraming tao ang nasasawi bumabaha ng dugo sa lansangan at dinidilig ng luha at pighati ang maraming kaluluwa sapagkat yaon nga at dili iba ang karit ng kapaitan ng kaparusahan sa mundong hindi kumilala at sumunod sa aral ng Santo Ebanghelyo. Itinataas ng Komunista ang tao bilang sentro ng buhay at ng lahat ng bagay at ibinababa naman ang Diyos mula sa kanyang trono upang lapastanganin at yurakan sa lupa.

Sa kabilang banda ay ang prinsipyo ng Magnificat ng mahal na Inang Birhen Maria o MARY na ang sentro ng mundo at ng tao ay dapat ay Diyos at si Kristo. Na luwalhatiin ang Diyos sa kanyang maringal na trono.

MARY VERSUS MARX
Magkatunggali ang dalawa; MARY VERSUS MARX. Ang Mahal na Ina, marY ay may Y sa dulo alalaon baga ay sagisag ni Yahweh; si marX ay X sa dulo ibig sabihin ay ekis, wala, hindi kasama, at kamalian. Kay MARX at sa mga Komunista paris ng kanyang sinabi "THE CHURCH IS THE OPIUM OF THE PEOPLE". Ang simbahan daw ay opio o droga ng tao. Ang simbahan daw ang umaapi, bumubusabos sa tao, simbahan daw ang sumisira sa tao. Ang simbahan kailanman ay sa Diyos at ito ay banal. Ang mga taong nasa loob nito na napasasakop sa ideolohiya ni Satanas ang tunay na opio ng tao. Sila ang mga anay, bukbok at kalawang. Sila ang cancer ng sambayanan ng Diyos.

MGA KOMUNISTANG PARI
Noong 1930, ayon kay Gng Bella Dodd, isang converted na sekretarya ng Komunista, ay pinapasok ng matataas na opisyal ng komunista ang may 1000 kabataan sa seminaryo romano katoliko para mag-pari. At noong taong 1960s sa pagbubukas hanggang sa matapos ang Vatican II marami sa kanila ang naging mga obispo at kardinal na. Taglay ang misyon na sirain ang simbahan ni Kristo pinakialaman nila ang mga banal na kasangkapan, aral, at disiplina ng Simbahan. Dahil doon nagkaroon ng malaking pagkalito o confusion sa loob ng Romano Katoliko sa Vaticano. Nag-tunggalian ang mga obispo laban sa kapwa obispo, kardinal laban sa kardinal, pari laban sa pari, layko sa kapwa lakyo, katoliko laban sa katoliko.

VATICAN II AT PAGLUKLOK NI SATANAS SA VATICANO
At noon ngang 1968-1969 iniluklok si Satanas sa isang altar sa Vaticano, inakyat ni Satanas ang altar ng Diyos. Ang Espiritu Santo na siyang kaluwalhatian ni Yahweh ay umalis at iniwan yaon, naghanap ng matutungtongan ang paa sa malawak na baha ng kasalanan at kalapastanganan. Natagpuan niya ang isang bata sa nagninilay sa may seminaryo, si Florentino Teruel. Lumapag siya at napasa anyong matandang pulubi. Siya ang Mahal na Ingkong.

Winika ni Papa Pablo VI na ang usok ni Satanas ay umabot sa tabernakulo ng simbahan, taon 1972. Magmula nang makita ang pagpasok ng usok at si Satanas di pa ulit nakita kung lumabas na siya. Dahil doon, patuloy na sinisira ni Satanas ang kaparian ng Romano, eskandalo dito at eskandalo doon. Nagsisipagsarang seminaryo, nabebentang mga katedral at simbahan para lamang maipambayad sa mga ginahasa at inabusong mga kabataan, at mga kababaihan ng mga paring isinuko kay Satanas ang isip at kalooban. Hindi kailanman maigigiba ni Satanas ang Romano Katoliko subalit maigigiba niya panigurado ang mga kaparian nito.

DOUBTFUL KUNG MAY NAGIGING TOTOONG PARI AT OBISPO PA SA SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO
1968/1969 pasimula ng pagpapatupad ng bagong rito o ritwal ng ordinasyon ng pari at konsagrasyon ng obispo, at ng sta misa. Magpasimula noon alanganin na o doubtful kung tinatanggap pa ng mga paring romano at obispong romano ang mandato at mga kapangyarihan ng Simbahan. Sa bihis at anyo ay pari sila subalit sa espiritwal ay wala nang nakatitiyak. Nasa kanila ang mga edipisyo at mga gusali at simbahang malalaki ngunit wala sa kanila ang Espiritu Santo. Inalis at wala na sa kanila ang kapangyarihang magpatawad ng kasalanan - sabi na lang nila iyon. Sa mga tunay at tapat na sumasampaltaya sa Katawan at Dugo ng P.Hesukristo na hindi pa nakakakilala sa Mahal na Ingkong tinatanggap pa din nila ang Presensya, Dibinidad at Kabanalan ng P.HEsus sa eukaristiya sa kamay ng paring romano bilang pagtanaw ng Diyos sa kanila; Subalit sa karaniwan wala na silang tinatanggap kundi pirasong apa na lamang. Sa mga tinatakan na nakaka alam na may kapariang nakadestino sa kanilang lugar at may idinadaos na Sta Misa ay hindi dumadalo at sa halip ay sa kaparian ng Romano nagtutungo - wala na silang tinatanggap doon kundi pirasong apa na din lamang; Apa o wafer kasama ng kahatulan ng mahal na Ingkong.

MAGSITAKAS KAYO PATUNGO SA KABUNDOKAN
Sa puntong iyan kung bakit itinatag ng Diyos Espiritu Santo ang kanyang simbahan, sapagkat paris ng kanyang winika noon sa mga apostoles "Kung nakikita ninyo na nagaganap na ang mga iyan, at makita ninyo na nasa dakong kabanal banalan ang hindi dapat na roon ay MAGSITAKAS KAYO SA KABUNDOKAN" Sa bundok pinatutungo ng P.Hesus ang mga tao sapagkat kung paanong isinisigaw ni Noe sa mga tao noong araw, magsiakyat kayo sa bundok nadoon ang ARKO ng inyong kaligtasan, gayon din sa panahong ito - pinaakyat tayo ng Mahal na Ingkong sa kanyang bundok dahil nadoon ang kanyang Simbahan. Ang Simbahan sa ibabaw ng bundok na ang ilaw ay hindi maitatago.

WALANG IBANG SIMBAHAN SA LUPANG BANAL KUNDI APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Simbahan sapagkat doon papag-isahin ng Diyos ang mga taong kanyang ililigtas, masama man o mabuti, basta susunod at makikinig sa kanyang mensahe. Walang ibang Simbahan sa lupang banal kundi ang simbahang nariyan na buhay pa ang Sta MAria Virginia, ang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH. Ang simbahang pinuno at pinuspos ng Mahal na Ingkong ng pagpapala at mga propesiya. Ang Simbahang ito ang bagong bayan ng Diyos - ang Bagong Herusalem. Ang Simbahang ito ang katuparan at tutupad ng LIHIM NA PANUKALA NG DIYOS.

Noon pa man, ang Mahal na Ingkong sa katauhan ng Banal na Luklukan, kung sa lupang banal ang ganapan, SIYA AY NASA KATEDRAL at wala sa tindahan o sa bahay bahay lamang. Itinalaga Niya ang Katedral upang maging banal na dako ng Kanyang pagganap.

Komento at Aral mula sa ating Banal na Patriyarka:

AMP. DAKILA AT PINAGPALANG ALAGAD NG DAKILANG DIYOS. LUWALHATI SA DIYOS AT PAPURI SA IYO. SA APOKALIPSIS, SA KORTE NG DIYOS AY MAY ISANG PULAHAN DRAGON, MAY PITONG ULO AT SAMPUNG SUNGAY. ANG DRAGON AY SI SATANAS; PULAHAN DAHIL NAIS AT DULOT NITO AY KAGULUHAN AT KAMATAYAN. 7 ULO NA KUMAKATAWAN SA 7 KULTO O SAMAHAN.

7 NAGPAPANGGAP NA SIMBAHAN NA KUNWARI AY BANAL AT DAAN NG KALIGTASAN; GINAGAMIT ANG PANGALAN NG MNI, INANG BIRHEN MARIA AT SANTA MARIA VIRGINIA (MARIA VIRGINIA LEONZON). LAHAT SILA AY DATING MGA KASAPI NG ACC, PERO, NGAYON AY HINAHAMAK AT PILIT NA DINUDUROG ANG TUNAY NA BANAL NA SIMBAHANG PINAGMULAN.

SAMPUNG SUNGAY AY ANG SAMPUNG UTOS MULA SA AMANG DIYOS NA SI YAHWEH NA BUONG KALAPASTANGAN AT PAG-IIMBOT NA GINAGAWA NG 7 SAMAHAN NA ITO UPANG DURUGIN ANG ITINAYO NG MNI AT SILA ANG MAMAYAGPAG. MARAMI NA RIN SILANG NAPAPANIWALA DALA NG KAKULANGAN SA PAG-AARAL, PAGNINILAY AT PANANAMPALATAYA. MAG-INGAT TAYO.



    • AMP. DAKILA AT PINAGPALANG ALAGAD NG DAKILANG DIYOS. LUWALHATI SA DIYOS AT PAPURI SA IYO. SA APOKALIPSIS, SA KORTE NG DIYOS AY MAY ISANG PULAHAN DRAGON, MAY PITONG ULO AT SAMPUNG SUNGAY. ANG DARGON AY SI SATANAS; PULAHAN DAHIL NAIS AT DULOT NITO AY KAGULUHAN AT KAMATAYAN. 7 ULO NA KUMAKATAWAN SA 7 KULTO O SAMAHAN.
      Hunyo 28 nang 2:32 AM ·  ·  5 katao



    • ‎7 NAGPAPANGGAP NA SIMBAHAN NA KUNWARI AY BANAL AT DAAN NG KALIGTASAN; GINAGAMIT ANG PANGALAN NG MNI, INANG BIRHEN MARIA AT SANTA MARIA VIRGINIA (MARIA VIRGINIA LEONZON). LAHAT SILA AY DATING MGA KASAPI NG ACC, PERO, NGAYON AY HINAHAMAK AT PILIT NA DINUDUROG ANG TUNAY NA BANAL NA SIMBAHANG PINAGMULAN.
      Hunyo 28 nang 2:37 AM ·  ·  5 katao

    •  SAMPUNG SUNGAY AY ANG SAMPUNG UTOS MULA SA AMANG DIYOS NA SI YAHWEH NA BUONG KALAPASTANGAN AT PAG-IIMBOT NA GINAGAWA NG 7 SAMAHAN NA ITO UPANG DURUGIN ANG ITINAYO NG MNI AT SILA ANG MAMAYAGPAG. MARAMI NA RIN SILANG NAPAPANIWALA DALA NG KAKULANGAN SA PAG-AARAL, PAGNINILAY AT PANANAMPALATAYA. MAG-INGAT TAYO.
      Hunyo 28 nang 2:42 AM ·  ·  6 katao



IISA LAMANG ANG INYONG AMA - MGA TINATAKAN NG DIYOS ESPIRITU SANTO





Ave Maria Purissima!

Sumulat si San Pablo sa mga kristiyano na nasa Corinto nang ganitong pangungusap:
"Sapagkat maging 10,000 man ang inyong guro tungkol sa pamumuhay Kristiyano, IISA LAMANG ANG INYONG AMA. SAPAGKAT KAYO'Y NAGING ANAK KO SA PANANAMPALATAYA KAY CRISTO JESUS sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinangaral ko sa inyo..." I CORINTO 4:15

Sa gayon ding diwa, IISA LAMANG ang AMA ng mga tinatakan pagdating sa pananampalataya sa Mahal na Ingkong sapagkat sa pamamagitan niya ay ipinanganak o isinilang ang mga tinatakan sa pananampalataya at pagtawag sa Diyos Espiritu Santo bilang Mahal na Ingkong. IISA LAMANG ANG AMA O PATRIYARKA ng mga isinilang sa pananampalatayang ito walang iba kundi ang UNANG PINAGPAKITAAN AT PINAGPAHAYAGAN ng Mahal na INGKONG, ang banal na Patriyarka Juan Florentino.

Sa pangyayari nitong nakaraan na  may mga hindi kumilala sa Patriyarka bilang kanilang Ama sa pananampalataya, ang ilan sa kanila ay mismong mga karaniwang apo na minarapat lamang o pinapaging dapat sapagkat kung hindi ginawang gayon ay hindi nga magiging pari o obispo ng Apostolic Catholic Church. Sila ay tahasang sumuway sa utos ng kanilang ulo at Ama at hindi lamang pagsuway kundi direktang pag-laban at walang katuwirang paninira. Dahil doon sila ay inalisan ng kapangyarihan o mandato, paris ng sangang binali at pinutol sa puno, walang grasya at walang biyayang dumadaloy - lumalabas na ang mga gawaing dating ginagawa paris ng misa at iba pa ay naging palabas o drama na lamang.

Ipinalagay nila at isiniksik sa kanilang puso at isipan na ang PAtriyarka ay walang karapatan sa maraming bagay ukol sa pananampalataya at simbahan o samahang itinatag ng Mahal na Ingkong sa pamamagitan ng Banal na Luklukan Sta Maria Virginia na ina at dugo ng Patriyarka.

Hindi nila naunawa ang sinabi ni San Pablo - NA TAPAT ANG DIYOS AT TINUTUPAD ANG MGA PANGAKO NIYA SA MGA PATRIYARKA (Roma 15:8) Ang Patriyarka, noong bata pa, sa Seminaryo ay KINAUSAP AT TINIPAN NG DIYOS ESPIRITU SANTO na anya SA KANYA AT SA LAHI NIYA MAGMUMULA ANG MAMAMAYAN NG BAGONG HERUSALEM.

Iyan ay sumpa at pangako ng Diyos sa Patriyarka. Sa paanong paraan magaganap na ang Patriyarka ang magsisilang ng mga mamamayan ng Bagong Herusalem? Sa kaparaanang Espiritwal. Ang mga isisilang ng Binyag ng Espiritu Santo, sa tubig, apoy at espiritu ay magiging mga anak niya. Siya ay si Juan Bautista ang tinukoy ni Anghel Gabriel sa Lucas 1:17 na "maghahanda ng isang bayan para sa Panginoon"

Ang Simbahan ang tinutukoy na isang bayan para sa Panginoon, para sa INGKONG. Ang bayang iyan, ang Simbahang iyan ay walang ba kundi ang Bagong Bayan ng Diyos - ang Bagong Herusalem. Kung kaya nga, ang nakapaloob sa simbahang iyan ay kabilang at kasama sa Bayan ng Diyos. Ito ay walang iba kundi ang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH. Ito ang Arko o bangka ng kaligtasan. Noong naglalakbay sa dagat sakay ng bangka ang binihag na si Apostol Pablo, hinampas sila ng malalaking alon at unos sa karagatan. Nagsalita si San Pablo ng ganito " KAPAG HINDI NANATILI SA BARKO ANG MGA TAONG ITO, HINDI KAYO MAKALILIGTAS" Gawa 27:31

Tumalon at iniwan ng mga taong ito na tinawag ng Mahal na Ingkong na hathor ang barkong Apostolic Catholic Church at gumawa ng sariling  bangka. Upang maging kakaiba ay gumawa at lumikha ng sariling aral na wala sa aral ng Simbahang Katoliko o ni sa mga mensahe ng Mahal na Ingkong sa labi man ng Banal na Luklukan. Upang madugtongan ang kapangyarihan at mandatong naputol at nawala umugnay sila sa ibang pagkukunan ng kapangyarihan. Ang taong kinuhanan ay hindi kumikilala sa Mahal na Ingkong ni sa Banal na Luklukan kaparis ng pangyayari noong araw ni San Pablo, tanong niya:

"Kung minsan, ang isa sa inyo'y may reklamo laban sa kanyang kapatid. MAGSASAKDAL BA SIYA SA MGA HUKOM NA PAGANO, SA HALIP NNA IPAUBAYA SA MGA HINIRANG NG DIYOS ANG PAG-AAYOS NG USAPIN NILA? HINDI BA NINYO ALAM NA ANG MGA HINIRANG NG DIYOS ANG HAHATOL SA SANLIBUTAN.... KUNG KAYO AY MAY USAPIN, IDUDULOG PA BA NINYO ITO SA MGA TAONG HINDI KINIKILALA NG IGLESIA? MAHIYA HIYA NAMAN KAYO.." I Corinto 6:1-6

Ang Patriyarka ng Espiritu Santo ay di naiiba sa Patriyarka Abraham. Ang Nunong Abraham ay pinangakuan ng Amang Diyos na sa kanya magmumula ang maraming bansa na paris ng bituin sa kalangitan. Gayon din ang wika sa Patriyarka Juan Florentino ng Mahal na Ingkong - sa iyo at sa lahi mo magmumula ang mamamayan ng bagong Herusalem, at mula sa silangan hanggang kanluran ay ihahayag ang kadakilaan at aral ng Espiritu Santo.

Ang tipan ay may pangako at bendisyon. Ang PAtriyarka paris ng Nunong Abraham ay tumanggap din ng pangako ng pag-iingat at bendisyon "KALASAG MO AKO, KITA'Y IINGATAN." at ng winika kay Nunong Jacob sa kanilang tipanan sa Betel " SA PAMAMAGITAN MO AT NG IYONG LAHI, PAGPAPALAIN ANG LAHAT NG  BANSA. TANDAAN MO, SUSUBAYBAYAN KITA AT IPAGTATANGGOL SAAN KA MAN MAGPUNTA AT IBABALIK KITA SA LUPAING ITO, HINDI KITA HIHIWALAYAN HANGGANG SA MATUPAD ANG LAHAT NG SINABI KO SA IYO." Genesis 28:14-16

Si JUAN BAUTISTA, PROPETA ELIAS AT ANG PATRIYARKA JUAN FLORENTINO


SI JUAN BAUTISTA AY SI PROPETA ELIAS (Mateo 17:9-13, Lucas 7:24-28))

Si Propeta Elias ay isa sa mga dakilang propeta noong araw. Ang mga bantog at nakatalang himala ni Propeta Elias ay ang mga sumusunod:

MGA HIMALA NI PROPETA ELIAS
  1. Ang pagpapahinto ng ulan sa loob ng 3 taon at ang pagpapaulan
Si Elias ay isang propetang taga-Tisbe sa Gilead. a Sinabi niya kay Ahab, "Saksi si Yahweh, ang buhay na Diyos ng Israel na aking pinaglilingkuran, hindi uulan, ni hindi magkakahamog sa mga darating na taon hangga't hindi ko sinasabi." I Hari 17:1, Santiago 5:17
2. Pagpaparami ng pagkain at langis
Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh, "Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang biyuda na magpapakain sa iyo roon."  Pumunta nga siya roon, at nang papasok na siya ng pintuan ng lunsod, nakita niya ang biyuda na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae, "Maaari po bang makiinom?" Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin, "Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kapirasong tinapay."

Sumagot ang babae, "Saksi si Yahweh, ang inyong buhay na Diyos Ãƒt na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay."

Sinabi sa kanya ni Elias, "Huwag kang mag-alala. Pumunta ka na at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang maliit na tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo. Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel:

"Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan."

Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at hindi naubos ang pagkain ni Elias at ng mag-ina sa loob ng maraming araw. Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.  1 Hari 17:14
3. Binuhay ni Elias ang Anak ng Biyuda 
Hindi nagtagal at nagkasakit ang anak ng biyuda. Lumubha ang sakit ng bata hanggang sa ito'y mamatay. Kaya't sinabi ng babae kay Elias, "Anong ikinagagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Naparito ba kayo upang ako'y sumbatan sa aking mga kasalanan at patayin ang aking anak?"

"Akin na ang bata," sabi ni Elias. At kinuha niya ang bata, ipinanhik sa itaas, sa silid na kanyang tinutuluyan. Inilagay niya ang bata sa kanyang higaan at nanalangin, "Yahweh, aking Diyos, ito ba ang inyong igaganti sa babaing nagmagandangloob sa akin?" Tatlong beses siyang dumapa sa bata at nanalangin ng ganito: "Yahweh, aking Diyos, hinihiling ko pong muli ninyong buhayin ang batang ito." Dininig ni Yahweh ang dalangin ni Elias at muling nabuhay ang bata.

Inakay ni Elias ang bata, at ibinalik sa kanyang ina saka sinabing, "Narito ang anak mo, buhay na siya."
At sumagot ang babae, "Tiyak ko na ngayon na kayo nga ay isang lingkod ng Diyos, at nagsasalita si Yahweh sa pamamagitan ninyo." 1 Hari 17:22
4. Ang pagpapakilala na ang Diyos ng Israel ay ang tunay na Diyos na dapat sambahin at paglingkuran
Nang ikatlo na ng hapon na siyang oras ng paghahandog, tumayo si Elias sa harap ng altar at nanalangin, "Yahweh, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, patunayan po ninyo ngayon na talagang kayo ang Diyos ng Israel, at ako ay inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito sapagkat ito ang inyong utos. Pakinggan po ninyo ako, Yahweh, upang malaman ng bayang ito na kayo lang ang Diyos at nais ninyo silang magbalik-loob."

Noon di'y nagpababa ng apoy si Yahweh at tinupok ang handog, ang kahoy at ang mga bato at lupa sa paligid. Pati ang tubig sa kanal ay natuyo. Nang makita ng mga tao ang nangyari, nagpatirapa sila at sumigaw, "Si Yahweh ang Diyos! Si Yahweh lang ang Diyos!" 1 Hari 18:38
5. Pagpuksa sa mga kapitan at mga tauhan sa pamamagitan ng apoy
Sumagot si Elias, "Kung ako nga'y lingkod ng Diyos, umulan sana ng apoy at sunugin ka, pati ang iyong limampung kawal." Umulan nga ng apoy at nasunog ang opisyal at ang mga kawal nito. 2 Hari 1:10
6. Ang ulan
Sinabi ni Elias kay Ahab, "Lumakad ka na! Maaari ka nang kumain at uminom. Naririnig ko na ang pagbuhos ng ulan."  Samantalang si Ahab ay kumakain at umiinom, umakyat si Elias sa taluktok ng Bundok Carmel at sumubsob sa lupa. Sinabi niya sa kanyang utusan,

 "Umakyat ka at tanawin mo ang dagat." Umakyat nga ang utusan at tumanaw sa dagat. "Wala po akong makitang anuman," wika ng utusan.

"Pitong beses mo pang gawin ang sinabi ko," utos ni Elias. Sa ikapitong pagtanaw, napasigaw ang utusan, "May nakikita po akong ulap kasinlaki ng palad na tumataas mula sa dagat."

"Magmadali ka!" sabi ni Elias. "Sabihin mo kay Ahab na ihanda ang kanyang karwahe at umuwi na agad. Baka siya'y hindi makaalis dahil sa ulan."

Hindi nagtagal at nagdilim ang langit sa kapal ng ulap, lumakas ang hangin at biglang bumuhos ang malakas na ulan.   1 Hari 18:41
7. Ang paghati ng ilog jordan 
Sinabi muli ni Elias kay Eliseo, "Maiwan ka na rito sapagkat pinapapunta ako ni Yahweh sa Jordan."

Ngunit sinabi niya, "Saksi si Yahweh, ang Diyos na buhay, hanggang buhay ka, hindi ako hihiwalay sa iyo." At nagpatuloy sila ng paglakad. Sinundan sila ng limampung propeta at sila'y tinanaw sa di-kalayuan nang sila'y tumigil sa tabi ng Ilog Jordan. Hinubad ni Elias ang kanyang balabal at inihampas sa tubig. Nahawi ang tubig at sila'y tumawid sa tuyong lupa. 2 Hari 2:8

ANG PAGSILANG NI JUAN AT SINO SI JUAN
Si Juan ay una at kahuli-hulihang anak na lalaki ng pinsan ng Mahal na Birhen Maria na si Elisabeth, asawa ng saserdote sa templo na si Zacarias. Napakita muna at nag-anunsyo kay Sta Elisabeth si Arkanghel Gabriel na siya ay magsisilang ng sanggol na lalaki at pagkatapos pa lamang ng anim na buwan ay saka napakita ang anghel sa Mahal na Birhen Maria. Sa sinapupunan pa lamang ay pinuspos na at pinabanal ng Espiritu ng Diyos si Juan. Ang pangalang Juan na nangangahulugang "Biyaya at Galing sa Diyos" ay pangalang sinabi ng anghel kay Zacarias na ipapangalan sa bata sa sandaling ito ay isilang. Sasakay Juan ang espiritu at kapangyarihan ni Propeta Elias upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail. Sa gayon ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.( Lucas 1:17).

Nang isilang si Juan, tumungo doon sa kaburolan ng Juda ang Mahal na Birhen upang makapaglingkod sa kanyang pinsang si Elisabeth. At doon sa tahanan ni Juan inawit ng Mahal na Ina ang kanyang MAGNIFICAT. (Lucas 1:39)

Noong ipinapapupugot at ipinapapatay ni Haring Herodes ang lahat ng bagong silang na sanggol at mga batang dalawang taon pababa, itinakas ni Sta Elisabeth ang kanyang anak na si Juan upang makaligtas ayon na din sa patnubay ng anghel ng Panginoon. Mag-ina lamang ang tumakas sapagkat si Zacarias na saserdote ay naglilingkod noon sa templo ng iyon ay nangyayari. At dahil batid ng mga tao at ng mga Romano na may anak si Zacarias at ito ay may mahimalang pangyayari pinaghinalaan na ang anak niya ay ang Mesias na tinutukoy ni Herodes na dinalaw ng 3 pantas. Ikinaila at ipinaglihim ni Zacarias ang kanyang mag-ina upang makaligtas at dahil doon siya ay pinatay ng mga sundalo mismo sa altar ng sakripisyo sa templo ng Herusalem. Gayon din ang pangyayari sa banal na Mag-anak. Inutusan ng Anghel Gabriel si San Jose na itakas papuntang Ehipto ang kanyang mag-ina.

Dumating ang takdang panahon, nangaral si Juan at nagbibinyag sa tubig sa may ilog ng Jordan kung kaya tinawag siyang Bautista - Juan Bautista. Tulad niya ay umaatungal na leon sa ilang. Sumisigaw siya sa mga tao at makasal anan na "tuwirin ang liko-likong landas at patagin ang bako-bakong daan upang makaraan ang Panginoon Diyos". Nagbinyag siya sa tubig tanda ng paghuhugas ng kasalanan. Marcos 1:1-8

ANG SALITA NI JUAN TUNGKOL SA DARATING NA KASUNOD NIYANG MAGBIBINYAG SA ESPIRITU AT SA APOY
Noong mga panahon iyon, tinatanong si Juan ng mga tao kung siya ba ang Mesiyas o tagapagligtas ng Israel (tagapagligtas o tagapag palaya mula sa pagka alipin ng Imperyo Romano paris ng mga hukom at Macabbeo noong araw alalaon baga ang inaasahan nilang Mesyas ay isang Political Messiah isang Andres Bonifacio na mag-aaklas laban sa mga Kastila).

Sinagot sila ni Juan na siya ay hindi ang Mesyas kundi siya ay ang tinig na sumisigaw sa ilang. Dinagdag pa niya " binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng pagsisisi ninyo't pagtalikod sa kasalanan; NGUNIT ANG DUMARATING NA KASUNOD KO ANG MAGBABAUTISMO SA INYO SA ESPIRITU SANTO AT SA APOY. SIYA'Y MAKAPANGYARIHAN KAYSA AKIN, HINDI AKO KARAPAT DAPAT KAHIT TAGADALA NG KANYANG PANYAPAK..."

Ang tinutukoy ni Juan ay ang P.Hesukristo (Juan 1:15-27). Ang P. Hesus ang tinutukoy niya na magbibinyag sa Espiritu Santo at sa apoy SUBALIT NOONG PANAHONG IYON HINDI NAGBINYAG ANG PANGINOON HESUS SINOMAN. Ang kanyang mga alagad ang nagbibinyag noon Juan 4: 1-2 "Nabalitaan ng mga Pariseo na lalong marami ang nahihikayat at nababautismuhan ni Jesus kaysa kay Juan. (NGUNIT ANG TOTOO'Y HINDI SI HESUS ANG NAGBABAUTISMO, KUNDI ANG KANYANG MGA ALAGAD). Dito ay naglagay pa ng NOTE o pananda ang sumulat ng ebanghelyo upang ipaunawa na ang tinutukoy na BINYAG SA ESPIRITU AT APOY ay hindi pa mangyayari noon kundi sa hinaharap pa.

KINAKAILANGANG SIYA AY MAGING DAKILA AT AKO NAMAN AY MAGING MABABA Juan 3:30
Nang mabalitaan ng mga alagad ni Juan na ang pangkat ng P.Hesus ay nagbabautismo din sa ibang dako ay lumapit sila kay Juan, pinagsabihan sila ni Juan na "Kayo na rin ang makapag papatunay na sinabi kong HINDI AKO ANG CRISTO; sugo lamang akong mauuna sa kanya...Kinakailangang siya ay maging dakila at ako nama'y mababa."

SI HERODES, HERODIAS,SALOME AT ANG PAGKAKULONG AT KAMATAYAN NI JUAN (Marcos 6:14-29)
Sa pangangaral ni Juan wala siyang kinasisindakan o pinangingimian sinoman maging si Haring Herodes, na anak ng matandang Herodes na nagpapatay sa mga sanggol noon, ay hindi nakaligtas sa mabagsik na salita ni Juan, " Hindi matuwid na kunin ninyo ang asawa ng inyong kapatid." Masakit sa tainga ng nagsasamang taksil at maitim ang budhi ang mga aral na ito ni Juan kaya siya ipinakulong.

Si Herodes ay kinuhang maging asawa niya si Herodias. Si Herodias naman ay ang asawa nii Felipe na kapatid naman ni Herodes. Si Herodes ang nagpahuli at nagpakulong kay Juan. Si Herodias naman ay may anak na babae na maganda at mahusay sumayaw - siya ay si Salome.

SAMANTALANG NAKAKULONG SI JUAN
Nang si Juan ay nakakulong nag-utos siya sa kanyang mga alagad na pumaroon sa P.Hesus upang tanungin kung siya na ba ang kanilang hinihintay o may darating pa. Nakausap ng P.Hesus ang mga alagad ni  Juan at ipinasabi na "sabihin nyo kay Juan, nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling ang may ketong, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita."Marcos 7:22-23

PUGOTAN NG ULO SI JUAN AT ILAGAY SA PINGGAN
Sa isang okasyon sa palasyo ng Haring Herodes habang naroon ang mga maringal niyang bisita, hinandugan ni Salome ng sayaw na mapang-akit itong si Herodes at mga bisita. Lubos na nabighani at nasiyahan sa sayaw ng dalaga ang balakyot na Herodes. Tinawag niya at inalok ang dalaga bilang katuwaan ng "Hingin mo sa akin ang anumang ibig mo at ibibigay ko sa iyo at kahit kalahati ng aking kaharian kung ito ay iyong hihilingin." 

Dumulog si Salome sa kanyang inang walanghiya at itinanong ng bata kung ano ang hihilingin sa ama-amahang palalo. Ang winika ni Herodias sa anak ay isang pangyayaring dapat matandaan ng sinomang babasa nitong aking tala "Ang ibig ko'y ang ulo ni Juan Bautista, ngayon din, sa isang pinggan." Marcos 6:24-28 Gayon nga ang nangyari, iniutos ni Herodes sa mga kawal na pugotan si Juan at dalhin sa kanya na nakalagay sa isang pinggan ang kanyang ulo. Matapos niyon ay kinuha at inilibing ng mga alagad ni Juan ang kanyang bangkay.

SI JUAN BAUTISTA NGAYON

Sa kalendaryo ng simbahan, ipinanganak si Juan Bautista ika-24 ng Hunyo, sa araw ding ito ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng kaisa-isang Patriyarka ng Simbahang Apostolic Catholic Church, Juan Florentino Teruel.

Sa ikatlong kaganapan ng Iisang Diyos, ang Diyos bilang Espiritu Santo na nagpakita, nagpakilala, nakipag-tipan sa batang si Florentino nang siya ay nasa 18taon gulang pa lamang noon sa San Jose Major Seminary ng Ateneo De Manila University 1968/69. Napakilala sa kanya ang nagkatawang-tao na Espiritu Santo sa anyo ng isang matandang ermitanyo na matapos ay napakita na sa kanyang tunay na anyo, walang iba kundi ang ang muling nabuhay na P.Hesukristo subalit hindi napatawag sa pangalang Hesus kundi sa pangalang INGKONG. Ito ay sa kadahilanang ang pagpapakita ng P.Hesus sa kaninoman ay sa ikalawang pagparito pa niya sa paghuhukom at hindi pa sa ngayon. Yaon ang hiwaga at lihim ng sinabi ng P.Hesus na babala sa mga alagad niya "Kung may magsabi sa inyo na nadoon ang Kristo wag kayong pumunta wag kayong maniwala, na nadoon sa mga silid huwag kayong pumaroon sapagkat yaon ang mga bulaan propeta at mga sinungaling."

FLORENTINO
Dapat sana ay sa bandang hulihan ito kasunod ng JUAN subalit dahil mas mahaba ang aral ng pangalang JUAN. Ang pangalang Florentino ay hango at mula sa isang lugar sa Italya, ang Florence. Ang Florence at ang mga Florentino o mga mamamayan ng Florence ang nagsalba sa ekonomiya ng Europa noong Dark Ages. Doon sa Florence ginawa at nabantog ang salaping ginto - ang florints. Ang Patron ng Florence Italy ay walang iba kundi si San Juan Bautista. Ang kaganapan ng mga florentino ay ang iangat at isalba ang ekonomiya at pananalapi ng tao samantalang nagdarahop dahil sa maling sistema ng ekonomiya at pamahalaan. Ang Dark Ages ay ang panahon sa kasaysayan na kung saan ang moralidad, ang pananampaltaya at ibat ibang uri ng kagulohan ay laganap sa buong Europa. Ang Patriyarka bilang isang Florentino ay gayon din ang papel na gaganapin sa ating bayan - o sa bayan ng Diyos, ang Simbahan. 

JUAN
Ilang mahahalagang yugto ng kasaysayan ni Juan Bautista ang ating babalik tanawin sa pag-susuri ng kaganapan ng Patriyarka bilang si Juan Bautista (at Propeta Elias).

Napakita at nakipag-tipan ang Diyos Espiritu Santo na napatawag sa pangalang INGKONG sa Patriyarka noong mga huling taon ng dekada 60. Sumakanya ang Mahal na Ingkong at sa loob ng may mahigit kumulang dalawang taon ay ginamit siya hanggang sa hirangin ng Mahal na Ingkong ang kanyang magiging Esposa, ang matiising ina ng Patriyarka.

Sa pasimula't simula ang Patriarka at ang kanyang butihing Ina ang naging magkasama sa pagbubungkal ng lupang tataniman ng mga binhing magmumula sa langit, silang dalawa ang naghanda ng magiging banal na lupa - ang Sacrifice Valley. Ayon sa mga matandang apo, ang papang noon ay makikitang nagtatanim ng kamote at mga halaman sa lupang banal.

Sa loob ng humigit kumulang dalawang taon ay ipinaghanda ng batang si Florentino ng daraanan ang Mahal na Ingkong hanggang sa ganap na magpakilala na ang Mahal na Ingkong sa katauhan na ng Banal na Luklukan. At paris ni San Juan Baustista at ng Panginoong Hesus - habang nakikilala at bumabantog agn P.Hesus si Juan Bautista naman ay lumalagay at nalalagay sa background. Yan ang isa mga hiwaga ng kaganapan kung bakit sa buong panahon halos ng pagganap ng Mahal na Ingkong sa katauhan ng Sta Maria Virginia, ang Patriyarka ay halos di makita at hindi umaagaw ng atensyon. Ito marahil ang dahilan kung bakit tila alienated o wari'y naninibago ang ilang mga tinatakan sa pagganap at kaganapan ng Banal na PAtriyarka ngayong di na natin kasama physically ang Banal na Luklukan. Hindi sila sanay o hindi nasanay na makita na ginagamit ng Mahal na Ingkong ang Patriyarka paris noong unang siya ay gamitin bilang paghahanda sa Banal na Luklukan.

HINDI SIYA ANG ESPOSA AT LUKLUKAN NG MAHAL NA INGKONG
Katulad ni San Juan Bautista, HINDI AKO ANG CRISTO; sugo lamang akong mauuna sa kanya... Kinakailangang siya ay maging dakila at ako nama'y mababa." , winiwika naman ng Patriyarka maging sa pasimula pa man, HINDI AKO ANG BANAL NA LUKLUKAN AT ESPOSA, sugo lamang akong mauuna sa Kanya - ang pintuang pinasukan ng Mahal na Ingkong at pintuang lalabasan Niya. Hindi kailanman inangkin ng PAtriyarka na siya ang Banal na Luklukan o Esposa manapa ay inuulit ulit niya at ng Mahal na Ingkong "SA BATANG ITO AKO NAGPASIMULA SA BATA RING ITO AKO MAGTATAPOS".

IPAGHAHANDA NIYA NG BAYAN ANG DIYOS: ANG SIMBAHAN
At may isang napakahalagang hula na binanggit si ARkanghel Gabriel kay Zacarias patungkol kay San Juan Bautista, ito ay ang "Sasakay Juan ang espiritu at kapangyarihan ni Propeta Elias upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail. Sa gayon ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon." Yaon ang wika, IPAGHAHANDA NI JUAN BAUTISTA NG ISANG BAYAN ANG PANGINOON.

Sa salitang ito, binibigyang liwanag ng Anghel Gabriel na si Juan ay magiging daan upang magkaroon ng isang bayan ang Panginoon. Bakit hindi ba't ang Israel ang Bayan ng Panginoon at ang Herusalem ang kanyang banal na lunsod? Ano ang isang bayang tinutukoy? BAYAN NG PANGINOON, walang iba kundi ang SIMBAHAN. Ang kalipunan at pamayanan ng mga sasampalataya sa kaganapan ng Mahal na Ingkong. Ito yaong winika ng Mahal na Ingkong sa kanya noong siya ay nasa Seminaryo, "SA IYO AT SA LAHI MO MAGMUMULA ANG MAMAMAYAN NG BAGONG HERUSALEM". At dahil sa kanya magmumula at dahil siya ang naghanda siya ngayon ang PAtriyarka at pang-ulo at pangunahin sa Simbahan na iyon, ang Bayan ng Panginoon.

ANG MGA MAKABAGONG HERODES, HERODIAS AT SALOME

Ngayon, may mga makabagong Herodes, Herodias at Salome. Kung ang Sta Maria Virginia ay larawan ng isang tapat na asawa o esposa ng Espiritu Santo, si Herodias naman ang kabaligtaran. Kung ang Mahal na Ingkong ang larawan ng isang tapat na kasuyo at Esposo si Herodes naman ang kabaligtaran. Kung si Juan naman ang larawan ng tapat at maliwanag ang isip sa katuwiran at banal na pamumuhay. Kung si Juan ay larawan ng payak at kontinenteng pamumuhay si Salome naman ang kabaligtaran.

Ang makabagong mga Salome ay ang mga tinatakan ng Mahal na Ingkong sa pamamagitan ng Sta Maria Virginia na nakatagpo ng panibagong Ina o Mamang sa katauhan ni Herodias. Sa halip na magsisunod sa huling habilin ng Sta Maria Virginia patungkol sa Simbahan at sa kaganapan sa lupang banal ay nagpakalasing sa emosyon at nagsayaw at naaliw si Herodes at sila ay tinanong "Ano anya ibig ninyo?" . Dali daling nagsidulog sa kanilang bagong Ina o Mama na si Herodias at ang tinanggap na utos at hiling "PUGOTAN NG ULO SI JUAN BAUTISTA" 

Yaon ang ibig ng mga makabagong Herodias o mapagpanggap na diumano ay luklukan at inkarnasyon ng Sta Maria Virginia - ang pugotan at alisin ang ulo  ni Juan Bautista, ang ulo ng Simbahan, alisin ang Patriyarka. Ikinulong ni Herodes, dili iba't si Satanas, ang isip ng mga makabagong Salome sa paniniwalang dapat ay patahimikin si Juan, ang Patriyarka - ikulong at pagka kuwan sa isang bigwas ay mawala at maputol sa pagiging ulo at ama ng simbahan at bayan ng Panginooon.

Gusto ng mga taong ito na ALISIN ANG PATRIYARKA, PUGOTIN ANG ULO SA PAMAMAHALA SA SIMBAHAN, PUTULIN ANG KAGANAPAN.

Mapuputol ba? Mapupugot ba? Ngayon ay espiritwal nang kaganapan, hindi na maaari ang simatara o espada ng pinakamabagsik na kawal ni Herodes para mapugot ang ulo ni Juan dahil ang espiritu ay walang laman walang buto paano nga mapuputol?

ANG TAGTUYOT SA SACRIFICE VALLEY
Ang sagisag ni Juan Bautista ay tubig, ang Florentino ay ekonomiya -noong ipanaog ng Mahal na Ingkong ang ganapan mula sa Lupang Banal patungo sa EDSA, winika Niya " matutuyo ang Sacrifice Valley" at yaon nga ang naganap - economically and financially bumagsak ang Sacrifice Valley sapagkat dumalang at wala na halos nag-siakyat ng mga tinatakan. Hindi na halos kumikita ang mga karinderya, mga tindahan ng halamang gamot, mga tricycle atbp. Naging malungkot at wari ay abandonadong tanawin ang Sacrifice Valley.

ANG APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Bilang nagtataglay ng espiritu ni Propeta Elias, itinutuwid ng Patriyarka ang mga maling paniniwala ng tao patungkol sa pagsamba sa Diyos, sa katungkolan ng tao bilang katoliko at mananampalataya. Itinutuwid niya ang mga mali at baluktot na aral na naging dahilan upang ang lupang hinirang at iniibig ng Santissima Trinidad ay maging busabos at mahirap.

Mga aral at turo ng kolonyalismong Kastila at Romanong prayle na sa halip na mag-angat ng kalagayan at antas ng dignidad at karangalan at kabuhayan ng mga pilipino ay naging kabaligtaran. Bansa tayong tinatawag na Perlas ng Silangan, bansa tayong tinatawag na nag iisang kristiyanong bansa sa buong Asia subalit bansa tayong pinakamahirap sa lahat samantalang ang mga prayleng Romano at ang mga prayle sa Roma ay nagsisipag saya sa pawis dugo at hirap ng mga limos at donasyon ng tao. Kung tunay na nasa mga pilipino ang tunay na pananampalataya sa Diyos sa anong dahilan at wari ay hindi iniibig ng Diyos ang bansang Hinirang - bakit ang mukha ng kahirapan ay nariyan. 

Ang Apostolic Catholic Church sa pangunguna ng Patriyarka ay isa lamang sa bangkang sumusugba sa malalakas na along nililikha ng malalaking simbahang iba at samut sari ang aral, tunggalian at banggaan na hindi talaga layon ang pagkakaisa ng hiwa-hiwalay at pira pirasong bansa. Pira pirasong isla pira pirasong pangarap sa matagal na panahon ng Katolisismong Romano bakit magpahanggang ngayon subsob pa din sa kahirapan at kawalang ng pag-asa ang maraming pilipino?

Ang simbahang tatag ng Mahal na Ingkong, bayang inihanda ni Juan Bautista ay ang Lunsod na nakatayo sa ibabaw ng bundok na hindi maitatago hindi maikukubli. Paris ni Propeta Elias at mga propeta ni Baal - sa Simbahang Apostolic Catholic Church na lamang katotohanang pumapanaog ang Apoy ng Diyos upang sunugin ang alay - alalaon baga ay katanggap tanggap sa Diyos ang sakripisyo.

Tanging sa kamay na lamang ng mga abang pari ng Apostolic Catholic Church katotohanang nagaganap ang pagpanaog ng Espiritu Santo para pabanalin ang Alak at Tinapay sa oras ng konsagrasyon sa Sta Misa. Purihin ang Mahal na Ingkong.

to be continue....