Tuesday, April 18, 2017

PANIMULANG PAG AARAL

Ang purpose talaga ng imahen, larawan ay bilang PRELIMINARY WAY TO TEACH how man is saved by the sacrifice of Christ, dahil noong araw, panahon ng Kastila, madali na matuto ang katutubo sa mga litrato, rebulto, dahil sa language gap - kastila sila di marunong ng tagalog o dialekto, ang katutubo di marunong ng kastila - sa rebulto porma, anyo, at ayos - nag kakaintindihan sila.
Ngayon, marunong at alam mo na , umakyat ka na sa sunod na level - ito ay ang pag galang at pag alala sa pangalan ng Diyos ng Biblia at itaas ito higit sa lahat ng larawan o rebulto sa inyong altar.
Ang nag utos gumawa ng ukit na anghel ay Diyos at ito ay hindi ipinag utos na sambahin o luhuran - ang sentro nito ang dapat galangin, ito iyong Luklukan ng Awa kung saan nakikipagtagpo ang Diyos.
Ang nag utos na gumawa ng tansong ahas ay Diyos - ang sabi ay tingnan huwag yukuan, paglingkuran o sambahin o hingan ng tulong. Tingnan lamang.
Tanong ko sa inyo para palaisipan, sino naman ang nag utos gumawa ng rebulto ni ganitong santo o santa? Diyos din ba?
So 100% tao ang may utos nito o may gusto para saan at bakit? Para maturuan ang mga katutubo na nasa misyon. Visual and learning aid HINDI OBJECT OF WORSHIP OR OBJECT OF RESPECT MORE THAN THE TRUE GOD.
Pansinin ninyo pag mahal na araw, sa mga prusisyon may sequence o pagkaka sunod sunod ang mga imahen, umpisa kay San Pedro hanggang sa pagdakip sa Hetsemani
Susundan ng mga imahen o scenario ng pagpapasan ng krus hanggang sa ang huling karosa ay ang SAnto Entiero.
Sa pamamgitan ng parada ng imaheno rebulto ng santo - ang mga nakakakita ay parang nanonood ng palabas o pelikula dahil iyon ay pagsasadula ng kwento ng Pasyon ng Cristo.
Sa pamamagitan niyon - kahit hindi nakapag aral o marunong bumasa o sumulat (hindi nakabasa ng Bibliya) ay may pagkakataong maunawaan ang kasaysayan.
Pero AGAIN hindi dapat sa imahen o sa rebulto mauwi ang pananampalataya -