Saturday, December 17, 2011

ANG PATRIYARKA NG APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH



AMP,

Ang salitang Patriyarka ay isang titulo, posisyon, at karangalan na ipinapatungkol sa AMA at PINUNO ng isang kalipunan ng tao na may sistema, patakaran at mga alituntunin o batas na pinaiiral, napapailalim sa isang pananaw at misyon.

Ang Patriyarka ay tulad sa isang upuan o trono o luklukan.At dahil isang trono ng kapangyarihan at karangalan isa lamang ang maaaring makaupo o makaluklok dito at iyon ay walang iba kundi ang isang hinirang o pinili mula sa karamihan sa pamamagitan ng itinalagang sistema ng pagpili at paghirang o kaya ay nang pagtatalaga o paghirang ng kahalili ng aalis na kasalukuyang Patriyarka.


Sa ating kasalukuyang panahon, 1992 - 2011 AD, ang ating Patriyarka ay walang iba kundi ang minamahal at iginagalang ng Simbahang Apostolic Catholic Church, Dr. Florentino Teruel, anak ng nag iisang Matriyarka at Pundadora ng Simbahan Sta Maria Virginia.


Si Dr Florentino Teruel ay ang Patriyarka at darating ang panahon sa kalooban ng Mahal na Ingkong ang katungkolan, karangalan, mga karapatan ng pagiging Patriyarka ay kanyang isasalin, ililipat sa hihiranging kahalili niya. Sa pamamagitan nito, ang kaisahan at katatagan ng Simbahan ay mapananatili at maiingatan hanggang sa mga susunod na salin lahi.


Cathedral of the Most Holy Trinity at Sacrifice Valley


Shrine of Ina Poon Bato,  along EDSA

Ang Apostolic Catholic Church ay ang tangi at nag-iisang Simbahan na dalawa ang Krus na nagpapahiwatig na sa Simbahang ito pinag-iisa at nagkakaisa ang dalawang tradisyon, East and West, ng Simbahan ng Panginoong Hesukristo - ang ONE HOLY CATHOLIC and APOSTOLIC CHURCH.




ANG PATRIYARKA ANG EHE O AXIS AT SENTRO

Ang Patriyarka ang sentro at ehe o axis ng Simbahan ng Mahal na Ingkong sa lupa - ang Simbahang naglalakbay, ang Apostolic Catholic Church. Ang axis o ehe ay paris ng gulong ng bisekleta na kung saan ang mga rayos ay nakakonekta at ang axis naman sa batalya ng bisekleta. Paris din ng araw na siyang axis o sentro ng mga planetas. Ang Patriyarka bilang  visible head ay ang visible axis of unity ng simbahan sa lupa.




Axis sapagkat siya ang siguradong koneksyon ng Simbahan at ng mga tinatakan sa MANDATO ng tagapag-tatag nito - si Dr Florentine Teruel, Sta Maria Virginia at Mahal na Ingkong.

Ang Mandato ng Patriyarka ay buhat at mula sa Mahal na Ingkong at Sta Maria Virginia. Hindi ito ginawa sa kanino mang iba. 



Ang Patriyarka ay isang institusyon na dapat ingatan, ipagtanggol at ipagsanggalang. Ito ay mananatili hanggang sa katapusan ng mga panahon hanggang sa pagbabagong anyo ng langit at ng lupa, iyan ay pangakong binitawan ng Mahal na Ingkong sa atin sa labi man ng Sta Maria Virginia o ng Patriyarka.

Nitong nagdaang mga araw, may umuupasala at umaatake sa institusyong ito at sa kasalukuyang nakaupo sa karangalang ito. Binabato at tangkang dungisan ang pagiging Patriyarka at ang pagkatao o personalidad ni Apo Juan Bautista (Dr Florentino Teruel). Ang pagtatanggol sa Patriyarka ay isa sa mga katungkolan ng bawat hinirang at kasapi ng Simbahan. Ang pagtatanggol na ito ay hindi lamang ngayon kundi sa lahat ng panahon mag-iba iba man ang maupo at mahalal na Patriyarka.

Ang mga uupo sa katungkolan ng pagiging Patriyarka ay darating at aalis, mapapalitan subalit ang luklukang ito ay mananatili maging ang lahat ng karangalan at karapatan.








Thursday, December 15, 2011

CONTRA HATOR Ikatlo Bahagi: BABAE ANG ESPOSA HINDI LALAKI

AMP!



Mahaba ang email ng di ko masasabing kapatid natin sapagkat kung siya ay kapatid natin igagalang din niya ang tinawag pa niyang Papang. Mahaba ang email niya at binura ko ang maraming mga salita niya na wala sa hulog at puro below the belt. Dun tayo sa issue na mas mahalaga at may pakinabang ngayon at sa mga darating na panahon.

Sinagot ko ang kanyang email sa email address na binigay niya pero di nakarating ang sagot ko dahil ang email address na gamit niya ay doubtful domain.





Sa Whois look-up FOR SALE and domain na www.titoloco.com that is as of today 15 Dec 2011. Utos niya ay ipadala sa papang at papang ang gusto nyang sumagot? Saan sasagot anong email address. Again, one way ticket ito na communication. Gusto na siya lang pakinggan ayaw niya makarinig ng reply wari ba ay alam na niya eka ang sagot di na kailangan. Iyon naman pala bakit kailangan pa nila magtanong kung alam na din lang ang sagot. Ibig sabihin walang paghahangad sa pagkakaisa sa kung ano ang tama at wasto. Sino ang bulag at nabubulagan?

Isa isahin natin ang mga sinabi niya:

1. PAPANG... tinawag pa niyang Papang, bakit pa? Gayon ba ang isang tunay na anak sa kanyang ama? Kayo na ang magsabi. Ipinagagalang sa atin ng Panginoong Diyos at ipinatitik pa niya sa  bato ang Sampung Utos na mahalin at igalang natin ang ating ama sa lupa, kung gayon ipinagagalang ang ama sa laman, gaano pa kaya ang paggalang na ibig ng Diyos sa ama sa espiritwal. Si San Pablo ay napatatawag na ama sa mga inianak niya sa pananampalataya. Ang totoo di nila  Papang ang Papang dahil kung papang nila siya kahit kapirasong paggalang mayroon dapat.

2. TANGGAP NAMIN ANG ACC. O iyon naman pala sana makapagmisa na din sa tindahan ang ACC at sa mga distritong sakop nila. 

3. PAPANG DIUMANO ANG DI TANGGAP NG MGA TAO. Di totoo, buti pang sabihin at mas tama Di nila tanggap ang Papang, huwag silang mangatawan sa maraming tao. Yan ang mas wasto. Sila ang ayaw tumanggap sa Papang. Di tanggap nang mga matandang apo na naging obispo na pangunahan sila ng bata.

4. ANG PAPANG ANG PEKE AT DI ANG OBISPO NILA. Paano nangyari? Ang mga unang naging obispo at pari ay mula sa karaniwang mga tinatakan lamang. Inordinahan sila ng Patriyarka bilang pari at pagkalipas ng isa o dalawang taon ay kinonsagrang maging Obispo. Mula sa karaniwan sila ay itinaas ng Patriyarka at ng Simbahang ACC. Mula doon, sila ay nakilala at iginalang, tinanghal at halos pinapanginoon ng mga Apo. Tumatanggap ng mga regalo at salapi buhat sa mga Apo na hindi nila dinaranas noong sila ay hindi naman pari at obispo. Napamahal at minahal nila ang kanilang estado bilang pari at obispo, ayaw nila itong mawala sa kanila. Kahit noon pang kasama natin ang Mama may pangkat na ang mga unang obispo na hindi sumasang ayon at pasaway na talaga sa Patriyarka. Nang lumisan ang Mama, ang pumipigil sa kanila ay wala na, nag deklara na sila ng pag-suway, isa isa nagtalikuran sa Patriyarka at sa Simbahan, nagsipag hubad ng banal na kasuotang niyakap at hinalikan ng Sta Virginia. Saan ngayon nila nilagay mga benditadong damit na iyon? Nasaan? Ano ipinalit nila sa mga damit na iyon - bumili sila ng ibang damit, damit pang Romano.

Papang daw ang peke sabi niya at obispo nila ang totoo. Ano ba paksa dito. Ang pagiging pari ng Mahal na Ingkong na sabi niya peke ang Papang at tunay ang obispo nila? E di baga nga Patriyarka ng ACC ang ang orden at gumawang pari at obispo sa kanila o e kung ganun peke din obispo nila dahil sa Papang sila kumuha ng kapangyarihan. AT kung tunay ang Papang at binawi ang kapangyarihan nila sino ngayon ang peke at di totoo? Sino ngayon ang walang kapangyarihan na at di totoong pari at obispo?

Ngayon pano sila naging totoo kung inalis na sa kanila ng Patriyarka ng ACC ang mandato - iyon lumapit sila sa amerkanong obispo na sa balita ay peke din at tiwalag sa Romano. So anong kapangyarihan at mandato nakuha nila doon? Wala din. Teka, alam po ba ang mandato na sinasabi natin dito?

MANDATO:
  • Mandato mula sa mga Apostoles ng Panginoong Hesukristo: Apostolic Line of Succession, apostolic tradition ang tinutukoy natin dito, na mula sa panahon ng mga apostoles hanggang sa kasalukuyang panahon ang unbroken chain of authority ay isinasalin salin sa pagpuputong ng kamay at pagpapahid ng langis. Ito ay puwede naman nilang makuha talaga kung kokonekta at papasakop sila sa sinomang Obispo o Patriyarka na nagtataglay nito.
  • Mandato ng Mahal na Ingkong sa pamamagitan ng Sta Maria Virginia, at mandato ng Sta Virginia mismo: Ito ay makukuha lamang mismo sa  pamamagitan ng pagpo proklama mismo ng Sta Virginia, at ng Mahal na Ingkong mismo sa labi ng Sta Virginia. ITO AY HINDI NA NILA MAKUKUHA AT HINDI SILA MAGKAKAROON. Bakit? Dahil ang kasunod na pagpapakitang pisikal ng Banal na Luklukan ay pagparito na ng Mahal na Ingkong bilang buong buong Kristo - paghuhukom na iyon.
Itinatag ang ACC-OMHS ay 1992. Magmula noon hanggang 2005 iyan at bukod tanging iyan ang Simbahan, Kaparian at Patriyarkang kinikilala at ibinabantayog ng Sta Virginia. Sa mga kamay nila tumatanggap ng katawan at dugo ang Banal na Luklukan. Sa mga kamay nila nagsisipagmano ang Banal na Luklukan.

Kailan nagkaroon ng CMHT, ng pseudo FISVKK cult, ng COMBI, ng MECC ? After May 2005, natayo at nabuo sila WALA AT DI NA NATIN KASAMANG PISIKAL ANG BANAL NA LUKLUKAN. 

After a year, 2006, may FISVKK-CMHT, tapos mula sa kanila humiwalay si COMBI, sumunod ang MECC at ngayon 2011 ay grupo ni Gng Zenaida. May kanya kanyang aral. Wala na diumanong tatakan at wala na diumanong gagamitin - kung ano ang rason at umalis sila sa ACC at sa Patriyarka iyon din ang rason na ginagawan nila ngayon - may tatakan sila, may luklukan sila, may sariling simbahan daw at may sariling papang na, may sarili na ding mamang. Sino mamang nila ngayon natural kung sino ang ginagamit diumano ng Sta Virginia - kagulo nare.

Kita nyo na, sino sumira ng pag kakaisa, sino ang walang pagsunod, sino ang walang pagpapakababa? Sino ang nagpasimula ng pagtalikod at paghiwalay sa Simbahan, di baga yaong mga nagtayo niyang mga samahan na iyan?



NGAYON KUNG SIGURISTA KANG TAO - KANINO AT SAAN KA? KUNG SAAN KO KAYO INIWAN DOON KO KAYO BABALIKAN. Wika ng Sta Virginia. Saan ba tayo iniwan? Di baga sa Patriyarka at sa ACC, sa mga kaparian niya OMHS.

Noong winika ng MNI na pag binunot ko na ang Santwaryo kong buhay, sa BANAL NA SAKRAMENTO NA LAMANG NINYO AKO MAKIKITA AT MAKAKAUSAP. BANAL NA SAKRAMENTO o SANTISSIMO SAKRAMENTO SA ALTAR sa mga sakramento ng simbahan. Sino ba ang nagkakaloob at gumaganap para maipagkaloob ang Sakramento di baga mga pari? Sinong pari ngayon? Sinong Simbahan? Sino tinutukoy ng Mahal na Ingkong na doon na lamang natin siya makaka daupan palad?


Sa kaparian sa simbahan niya sa sakramento niya na lamang natin siya makakadaupang palad. Sa lahat ng nagkakaloob ng ganap na Sakramento mataas sa lahat ang kaganapan ng Patriyarka kumpara sa mga pari at obispo.

Sino ngayon ang tunay at sino ang nagpapanggap? Obispo nyo kanyo ang totoo? Usisain nyo kasi at ipatalakay ninyo iyan sa paraang objective at hindi personal. Ipa enumerate ninyo ang mga palatandaan ng tunay at may mandatong kaparian at obispo. Walang maraming usapan. SUBOK LANG!

5. BAKIT DI DAW GINAGAMIT NG AMA, NG SENIOR NOEMI, MAMA MARY atbp ang PATRIYARKA. Di talaga gagamitin dahil ang karangalan ng lahat na iyan ay sa Banal na Luklukan. Sa pasimula pa man, MNI lamang ang gumamit sa katauhan ni Apo Juan.

6. BIBLIYA DAW ANG  BASEHAN, SABI DOON BABAE ANG ESPOSA AT HINDI LALAKE. Kailan ba winika ng Mahal na Ingkong sa labi ng Patriyarka na sinasabi niya na Esposo o Esposa niya ang Patriyarka, meron ba? Bibliya ang basehan, are basahin ninyo at unawain:

Basahin ang sumusunod na paliwanag: Ang Luklukan ng Espiritu Santo at ang Anghel ng Silangan.
  1. An other Angel of the Apocalypse
  2. The Testament of the Holy Spirit to St Maria Virginia and the Patriarch at 
  3. Pagbabasbas pagkatapos ng Banal na Luklukan : may dalawang yugto ang pagtatatak ng Diyos, una ay ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng Esposa (Apoc 3:12) pero bago iyan ay tinipan niya muna ang Anghel ng Philadelphia. Ikalawa ay ang pagtatatak ng Diyos sa pamamagitan ng isa pang Anghel mula sa Silangan, ang Anghel ng Philadelphia (Apoc 7). Di siya luklukan pero siya ay Anghel na may pansulat. May tanong pa ba?







7. HUWAG DAW IBIDA NG PATRIYARKA ANG KANYANG MGA NAGAWA DAHIL PERA LAMANG TALAGA INTENSYON NIYA.  Okay, good. Ano ba nagawa na nila sa pagpapakilala sa buong mundo tungkol sa kaganapan ng ikatlong Persona ng Santissima Trinidad? Ano na ba nagawa nila para maitanghal na ang  mga tinatakan ay hindi kulto kundi isang Samahan at Organisasyong legal na may karangalan at dapat pagpitaganan? Ano na ba nagawa ninyo?
  • Kasama ng Mama, itinatag ng Papang ang Sacrifice Valley Kilusang Katoliko na later on ay naging First International Sacrifice Valley Kilusang Katoliko. Isinama dito ang Cursillo, ang Block Rosary Convention at iba pa naging FISVKK Incorporated. - Bagaman kilusang Katoliko at pang relihiyon walang sariling kaparian at simbahan ang mga tinatakan, Romanong Pari ng Diocese ng Bataan ang nagpupunta para mag-misa at magbigay ng Sakramento sa mga tao. Dumating sa punto na gusto ipa turn-over sa kanila ang management ng FISVKK Inc pero di ito pinayagan ng MNI at ng pamunuan. Nagpalabas ng kautusan ang Obispo ng Bataan na huwag komunyunan ang mga Apo at ang sulat ay nakarating din sa iba pang mga Obispo at mga Simbahang Romano sa Luzon at ibang probinsya. Binansagang KULTO ANG MGA APO AT ANG MNI, tinawag pang mga Anti-Cristo. Inatasan ng MNI si Apo Juan na gumawa ng paraan sa pag-sang ayon at bendisyon naman ng Banal na Luklukan. 1992 natatag ang FISV- Apostolic Catholic Church o FISVACC nagkaroon ng unang batch ng mga pari at obispo sa ordeng OMHS. Ang FISVACC ay hindi dapat pailalim sa FISVKK bagaman ito ang unang samahan, sapagkat ang FISVKK ay LAYKONG SAMAHAN at ang FISVACC ay isang SIMBAHAN. Hindi kailanman nangyari na maging sa Romano na mataas pa ang LAYKO  sa KAPARIAN, o ang samahan ng tao sa SIMBAHAN.
  • Bagaman may simbahan na ang mga tinatakan, hindi pa din lubos na tinatanggap ng Romano at ng marami pa ding tao ang kaganapan ng Mahal na Ingkong - kulto pa din ang tawag nila. Para ipakilala ng Patriyarka na ang mga tinatakan ay may karangalan bagaman mahihirap at walang aral ang karamihan tayo ay hindi kulto at hindi mga anti Cristo. Nagsumite at tinanggap ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) ang ACC na doon, nakakasalamuha ng Patriyarka ang mga lider ng ibat ibang sekta, denominasyon at ang mga Obispo ng Romano - ang CBCP.
  • May boses na, maitataas na ng mga tinatakan ang kanilang mga noo, hindi na maaring tuya-tuyain, pitik pitikin ang mga kaparian na humahayo sa mga balwarte ng Romano. Hindi na kulangot at libag ang mga tinatakan. Nang akusahan na Killer Kulto ang Sacrifice Valley na ipinalabas sa segment ni Korina Sanchez - may braso nang malakas at tinig ang mga tinatakan sa pamamagitan ng Simbahan at Patriyarka.
  • Itinatag din ng Patriyarka ang Seminaryo, at bilang Doctor of Philosophy o Ph D na siyang isang requirement para kilalanin ng pamahalaan ang isang paaralan, naitayo ang kolehiyo sa Sacrifice Valley at sa kamaynilaan. 
  • Sa pamamagitan ng Patriyarka, nakilala sa ibat ibang panig ng bansa at sa ibang  bansa ang kaganapan ng Mahal na Ingkong, binigyan ng parangal ng maraming samahang civico ang Banal na Luklukan bilang Ulirang Ina. Walang award na ibibigay sa Patriyarka na hindi din bibigyan ang Inang sa kanya ay nagsilang. 
  • Lumaganap sa Amerika, sa UK, sa Canada, sa Japan, sa Hongkong, sa Cambodia at sa marami pang bansa ang pagkilala sa Mahal na Ingkong at sa ACC, sa Sacrifice Valley.
  • Marami pang iba, walang sapat na lugar dito para salaysayin lahat ng kabutihan para ipakilala ang MNI at Sacrifice Valley ng ating Patriyarka.
NAGAWA BA IYAN NG MGA LIDER NINYO? ANO NAGAWA MO ANO NAGAWA NINYO NA MAGANDA AT IKAGAGANDA NG LUPANG BANAL? DI IYAN SINASABI SA INYONG MGA TAGASUNOD LAMANG NG INYONG MGA LIDER SAPAGKAT PAG NALAMAN NINYO IYAN AT NAPATUNAYANG KATOTOHANAN - TAPOS NA ANG KANILANG MALIGAYANG ARAW. SUBOK LANG, ITANONG NYO...

Tingnan ang mga Pagpapakilala ng banal na Patriyarka at ng ACC sa kaganapan ng Mahal na Ingkong



8. PAPANIWALAIN SIYA NA GINAGAMIT NG INGKONG ANG PAPANG SAKA SIYA LULUHOD AT HAHALIK SA  TALAMPAKAN NG PAPANG.  Ang taong ito akala mo makakadagdag sa karangalang panlupa o panglangit ng Patriyarka kung humalik siya sa talampakan ng Ama ng Simbahan. Sobrang tayog ng lipad mo bata sino at ano ka ba? Mapabilang ka man at magbalik sa ACC di ka karagdagan sa karangalan ng simbahan ni ng Patriyarka. Manapa ay magbalik loob ka at magsisi matutuwa pa lahat ng anghel sa kalangitan. Tayog ng lipad mo wari ba ay mataas ka pa sa Patriyarka, tinawag mo pang Papang wala kang galang. Wika mo ay maging professional - professional ka ba at alam mo ba ang pagigign professional.  Ano na ba ang narating mo sa edukasyon sa lupa, sa edukasyon sa langit? Ano ba ang pagiging professional. Sagutin mo din ang mga tanong ko gamitin mo tunay mong email at doon ako sasagot, kung pekeng email ibibigay mo, dito sa blog ko mababasa mo sagot ko.

Sabi mo padala ko sa Papang at ayaw mo ako sumagot, gusto mo siya sumagot pero peke email mo. Isa pa may FB account naman siya bat di mo pa doon ideretso, bakit? Sumagot ang inaakusahan nyo para makarating sa inyo ang side niya ano ginawa ninyo BINURA NYO...So, hindi kayo after na marinig naman mula sa mga inaakusahan nyo ang kanilang panig - dun kayo lamang sa nagliligaw sa inyo - sa mga lider at pinuno ninyo na ayaw kayong mawala sapagkat kung magkakagayon - katapusan na ng kanilang tinatamasang  estado.


Tuesday, December 13, 2011

CONTRA HATOR Ikalawa Bahagi - Wala nang Ibang Gagamitin ang Mahal na Ingkong

CONTRA HATOR SERIES

AMP



AMP,

Ang nasa itaas na larawan ay screens capture ng pag-uusap sa FB. Ito ay nagpapakita ng ESTADO o LAGAY ng isip at kalooban ng mga kapatid nating iniligaw ng mga nagsihiwalay at nagsipagtayo ng sariling kanila na hindi kilala at walang mandato at pagkilala ng Banal na Luklukan bago pa man siya kuhanin sa ating piling ng Mahal na Ingkong.

Sabi ng ilan, ipagdasal na lamang sila at para magkaroon ng kapayapaan ay hayaan na lamang. Sa ganang aking sarili, walang totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanyang magulang at tahanan kung kanyang hahayaan na duran ng kalanghaga, murahin tungayawin, pukolin at hagisan ng maruruming bagay  ng mga taong hindi naman iba sapagkat dati rati sila ay kasamang kumakain sa iisang hapag.

Sino sa inyo ang sinasaktan ang magulang at binabato ng dumi at tae ng tao ang sariling bahay ang hindi kikibo at luluhod na lang para magdasal sa mga gumagawa niyon. Kung sa atin gawin manapa ay ipagdasal madali pang gawin pero kung sa mahal mo at minamahalaga kaya mo ba? Matitiis mo ang sa iyo pero kaya mo bang tiisin ang kalapastangan ginagawa sa magulang mo? 

MANINDIGAN SA TUNAY NA SIMBAHANG TATAG NG MAHAL NA INGKONG

Paumanhin po pinalaki ako ng aking magulang at tinuruan ng Mahal na Ingkong na pagmalasakitan niya ang kanyang hinirang at kanyang simbahan. Winika niya noon sa bibig mismo ng Sta Virginia na MANINDIGAN TAYO SA SIMBAHAN NIYA na tulongan natin at suportahan ang kanyang kaparian OMHS. Noong winika iyan may CMHT na ba, may COMBI na ba, may MECC na ba? FISVKK OO MERON PERO ITO AY HINDI SIMBAHAN ITO AY LAYKONG ORGANISASYON AT SA KATOTOHANAN TATAG PA DIN ITO NI APO JUAN AT STA VIRGINIA-  HINDI NINYO. 

Winika ng Mahal na Ingkong LAHAT NG SIMBAHAN SA LUPA AY MAGIGIBA NGUNIT ANG SIMBAHAN NIYANG APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH AY MANANATILI NA ANG WATAWAT AY NAGWAWAGAYWAY NAMAMAYAGPAG. Noong winiwika niya iyan, nakaluhod sa harapan niya ang mga kaparian, mga obispo ng ACC- OMHS. Sa palibot ng mga malalaking SOUND SYSTEM SPEAKER sa Katedral nag-ipon ipon ang mga may WALK-MAN at CASSETTE RECORDER para irecord ang mga mensahe ng Mahal na Ingkong sa bibig ng Sta Virginia. Hindi lamang iisang tao at hindi lamang iisang kaparian ang may record niyan - marami.Bukod pa sa mga iyan may mga tinatakan na may kaya sa buhay at may sariling mga Video Camera Recorder na VHS tapes, yun iba betamax pa. May Paraclete Herald pa tayo noong araw 1992, 1993 onwards, at manunulat pa diyan ang mga kaparian.

Ginawa noon ang pelikulang INGKONG:ALPHA AT OMEGA, buhay at kasama natin ang Sta Virginia, idinokumento sa motion picture ang mahahalagang yugto at pasimula ng pag ganap ng Mahal na Ingkong, una sa Papang ikalawa sa Mamang. Ipinalabas ito sa mga sinehan bagaman kinontra ng Romano Katoliko na pumabor sa pelikula ni Donita Rose na Divine Mercy - ipinalabas pa din ito sa big screen sa Sacrifice Valley - at ngayon ay matatagpuan niyon sa FB Video ko, Apo Almiro de Alexandria ang buong pelikula.

May mali ba sa pelikula? May mali ba sa pasimula ng kaganapan ng Ingkong sa Papang at sa Mamang na ipinakita sa pelikula - BAKIT HINDI PINABAGO NG MAHAL NA INGKONG, BAKIT DI PINABAGO NG STA VIRGINIA?

ANO BA ANG TOTOO

Sa mga taong TOTOONG NAGHAHANAP NG KATOTOHANAN, ang mga nabanggit ko sa itaas ang hindi mapasisinungalingan na ebidensya na walang ibang simbahan, walang ibang patriyarka, walang ibang orden ng kaparian at madre ang Mahal na Ingkong at Sta Virginia maliban sa APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH at OMHS.

Ano pa ang makikita sa mga pictures, sa mga recorded tapes, sa mga videos: Mga kaparian at obispo na ngayon ay lider at tagapag tatag ng CMHT, COMBI, MECC atbp na ang DATING MGA BIHIS AT SUOT AY OMHS NA Vestments. Mga kalalakihan na MINARAPAT LAMANG ng Mahal na Ingkong at may pahintulot para ordinahan at konsagrahin na pari at obispo ng Patriyarka Juan Florentino. Mga dati ay wala naman at karaniwang APO itinaas ginawang obispo at pari, iginalang at minahal ng mga tinatakan, tiningala at pinipitaganan. Sumikat at nakilala na wari ay naging pari at obispo sa sariling pagsisikap. Nakalimot sa kamay na sa kanila ay nagpakain. Itinaas ang mga paa at balak sipain at tanggalin ang mga karapatan ng  PAtriyarka. TAMA BA ITO?

Hinubad ng mga taong ito ang kanilang kasuotang benditado ng Mahal na Ingkong at Sta Virginia at nagbihis sila ng kasuotang hindi kilala.May usapin na pang mga tinatakan at hinirang ng Espiritu Santo dumulog sa hindi naniniwala sa Mahal na Ingkong at hindi kumikilala sa Sta Virginia para humingi ng payo at karapatan na maging pari ng kanilang sariling tatag na grupo.

NAgsipaghubad na ng damit pari, itiniwalag at inekskomunikado ng Simbahan, pero bumili ng damit sa labas at nagbihis dahil ang ibig ay manatili pa ding tinatawag na Father at Bishop gayong sa katotohanan wala nang karapatan at karaniwang tao na lamang. Minahal na labis ang karangalan ng pagiging pari at obispo para mas mainam gumawa anya tayo ng sarili nating simbahan.

E IYON NAMAN PALA, SIMBAHAN AT SIMBAHAN DIN LANG SA SIMBAHAN PANG TATAG KUNG KAILAN WALA NA ANG STA VIRGINIA DUN KA PA SUMAMA. ANO ANG KATIYAKAN MO? WALA. SINO NAGKUMPIRMA NA ANG CMHT, COMBI, MECC, FISVKK ANG SIMBAHAN NG MAHAL NA INGKONG AT STA VIRGINIA? SINO MEROON BA? KAYO KAYO LANG.

PERA PERA DAW

Lagi binabanggit PERA PERA sa ACC, PERA PERA ang Patriyarka. Marahil labis ninyong mahal ang inyong pera kaya di nyo mabitawan kaya mula 2005- 2009 na kayo ang gumagamit sa Sacrifice Valley hindi ninyo binayaran ang Amilyar. Salamat sa PERA PERA galing sa mga pagsisikap ng ACC at ng PAtriyarka na kahit mga personal na ari-arian ginagamit mabayaran lamang ang Amilyar ng Sacrifice Valley. Ano ang Amilyar? Buwis ng lupa na ibabayad sa Gobyerno.

Pera Pera sabi ninyo, ihinto na din sana ninyo ang basket sa inyong misa (kuno), mga donasyon ay ihinto, magtanim kayo ng sarili ninyong palay at trigo para makagawa ng sariling tinapay at di na bumili. Magtanim ng sariling ubasan na gagawing alak dahil lahat ng iyan kailangan ng pambili, ng pera. Humabi na din ng gagawing damit para di na din bumili. Pera pera - hindi kasalanan ang magkaroon ng pera at maghanap buhay para kumita ng pera. Ang masama at kasalanan ay mahalin ang pera na sukdolang di mo maibigay sa simbahan at sa Diyos para magpatuloy ang kanyang kaganapan.

Sumagot sa FB Posting ang Patriyarka, di pa nagtatagal ng ilang minuto, binura na ng admin ng group.  Sumagot ang binabatikos para ihayag at ipagtanggol ang kanyang side binura. One side lang ba? Paano makapaninimbang kung ang isang parte lang ang lalagyan mo ng bigat at timbang, pano ang balanse.


At mula sa pagiging Open access ay ginawang Secret ang group page. Bakit ililihim? Di ba mainam at commendable na mabasa ng mga tao ng mga tinatakan ang katuwiran ng magkabilang panig at mula doon ay magkaroon ng sariling isip at pagpapasya kung ano ang tama ano ang matuwid ano ang wasto. Ito ay talakayan at pag aaral hindi kagalitan o diskusyong walang pupuntahan. Kung tunay nating hanap ang matuwid at katotohanan - magpalitan tayo ng katuwiran. Tanggapin at pulutin ang matuwid at tama, iwaksi kung kailangan at ibaba ang kalooban at tanggapin ang kamalian. Iyan ang diwa ng malayang talakayan.





WALANG IBANG GAGAMITIN

Dati, may isang grupo lamang ang mga obispo na sadyang ayaw nang pasakop sa ACC at sa Patriyarka. Nagsama sama at naging FISVKK-CMHT. Sa anong kadahilanan, di ko alam, may humiwalay at nagkaroon ng COMBI, sunod humiwalay ang isa pa nagkaroon ng MECC, sunod sa FISVKK ay nag split at nabukod ang CMHT. Sa mga nabanggit bukod sa CMHT, ang COMBI, MECC, at FISVKK may tatakan. Kala ba wala nang gagamitin, wala nang tatakan? Ang COMBI mayroong Apo Adelaida, sa MECC mayroong batang babae o dalagita, sa FISVKK nagpuputong kung ano civil name iyon din daw ang tatak. KALA BA WALA NA TATAKAN, WALA NANG GAGAMITIN? KUNG NAGPUPUTONG KAYO SINO GUMAGAMIT SA INYO PARA MAGKAROON NG BANAL ANG TAONG PINUTUNGAN NYO? DI BAGA LUMALABAS NA PALABAS AT DRAMA LANG YAN.

Kaya lumapit para matatakan at magkaroon ng banal galing sa langit. Inaralan nyo ng kung paano magalit sa ACC at sa PAtriyarka dahil iyon ang kailangan nila malaman para lumayo sila sa ACC at sa Patriyarka HINDI BA? Dahil kung ang kabutihan ng ACC ng OMHS at ng Patriyarka  ang malalaman nila NATURAL di na sila sasama sa inyo hindi ba?



Kailangang diligan ng kasinungalingan at hinabing kwento ang itinanim na galit at inggit sa puso at kalooban ng mga tao para makapanatili sila sa grupo ninyo.Binatikos ninyo ang Simbahan ng Mahal na Ingkong, may sumagot at nangatuwiran inalis ninyo at binura at itinira ninyo ay ang sarili ninyong mga salita O di ba lumalabas na talagang ayaw nyo malaman ng tao ang kaliwa at kanan ng issue.
Pero hanggang kailan masusustinihan ng gayong sistema ang pananampalataya? INGKONG ay pag-ibig lagi nyong wika pero mabanggit lang na kayo ay napasasakop sa hindi dapat sumakop at di dapat mangulo sa inyo nagliliyab na kalooban nyo.

Di baga totoo hindi naman ang Ingkong at Mama ipinagtatanggol nyo dahil wala naman kayong kalaban sa paniniwalang iyan. Ang ipinagtatanggol ninyo ay ang mga lider at pinuno at ang kultong kanilang binuo para maipagpatuloy ang kanilang estado bilang pari at obispo para manatili silang pinagmamanuhan ninyo, pinu poon at pinapanginoon? Iyon ang ipinagtatanggol ninyo pero kayo ipinagtatanggol ba nila? Ginagamit lamang kayong mga pawns sa laro ng chess, mga pain. Pag isipan nyong mabuti. Asan kayo ngayon? Ang tindahan ay hindi Simbahan. Ayun ang simbahan dun gumaganap ang MNI hindi sa tindahan? Di ba ninyo iyon naiisip? 

Umaakyat kayo ng lupang banal sa tindahan lamang kayo pupunta samantalang nariyan ang Katedral.
Di kayo makapasok sapagkat ayaw nyo pang ibaba ang inyong kalooban, ayaw pa ninyong pasakop sa dapat na sumakop sa inyo paris ng inyong mga pinuno nag rebelde sila at ayaw pasakop sa simbahan at sa Patriyarka. Sa banal na kasulatan sino ba ang ayaw pasakop sa simbahan ni Kristo at ni Kristo? Sino ang ayaw pasakop sa kalooban ng Diyos? Sino? Saliksikin nyo?

Sino sa banal na kasulatan ang nag-aakyat manaog sa langit pero ayaw pasakop sa Diyos? Paris ngayon, akyat manaog sa lupang banal pero ayaw pasakop sa Simbahan at sa MNI. Kalooban ng MNI na gawing Patriyarka at Ama ng mga tinatakan si Apo Juan, kalooban din iyan ng Mama Sta Virginia. Kung hindi kalooban noon pa man dapat wala nang ACC wala ng Patriyarka at sa pasimula at pasimula minensahe na ng MNI na di totoo ang ACC at ang PAtriyarka galing sa labi ng Sta Virginia.

Sa inyo Mama lamang sinununod ninyo pero ang totoo di nyo sinusunod dahil may sariling paliwanag ang inyong mga lider at iyon ang sinusunod ninyo - paliwanag na nagpadilim sa inyong isipan na di nyo napapansin advantage nila lamang ang sa kanila para manatili silang pari at obispo ninyo no more no less. Hindi na nila kayang bumalik sa pagiging karaniwang apo o tinatakan. Nasarapan na sila sa kanilang hiram na karangalan. Natural magagalit kayo sa mga sinabi ko pero iyan ang katotohanan na ayaw nilang sagutin sa inyo.

Sa totoo, ang mga pinuno ninyo ang dahilan ng pagkakalayo layo ng mga tinatakan na pilit pinagbubuklod ng Sta Virginia at MNI. Bakit? Kung di iyan ginawa nila, walang post na ganito sa blog ko, at walang sagutan sa FB. Dapat sana masaya at masigla ang ganapan sa Edsa man o sa SV.

Mula din sa grupong nadoon sa Sacrifice Valley, lumitaw ang grupo ni G. Zenaida na nagsasabi na LAHAT AY DI TOTOO AT SIYA LANG. KALA BA WALA NA? ANO YAN?

Sa mga nabanggit, noong kasama pa natin ang Banal na Luklukan, si Adelaida ba kinumpirma ng Mahal na Ingkong na totoo nyang ginagamit? Ang batang babae ba ng MECC kinumpirma na ginagamit? Si Zenaida ba kinumpirma na ginagamit? Sinabi ng Mahal na INGKONG wala nang ibang gagamitin dahil nakikita na niya buhay at kasama pa ang Banal na Luklukan MAY MGA IMPOSTOR NA.

COMBI - Adelaida

MECC- Ashley Domingo

Zenaida

Ang Patriyarka ba o si Apo Juan ay impostor? Sabi ninyo OO kung gayon hindi din ninyo pinaniniwalaan na ang Mahal na Ingkong ay nasa Sta Virginia. Sapagkat saksi lahat ng mga tumiwalag na pari at obispo na nagsipagtayo ng kani kanilang kulto na si Apo Juan ay inaatasan na gumanap bilang kahalili ng Banal na Luklukan sapagkat sa iisang katotohan  SI JUAN AY ISANG KATIPAN NG MAHAL NA INGKONG. 

Sta Maria Virginia inililipat ang Koronang Tinik sa Patriyarka upang siya ang gumanap ng Pagpapasan ng Krus sa Kalbaryo, Sacrifice Valley


May kinonsulta ba ang Mahal na Ingkong o ang Sta Virginia sa sinomang pari o obispo o madre kung maaari niyang gamitin sa Pasan o Pagta tatak ang Patriyarka? Meron ba? Nabubuhay pa mang kasama natin ang Sta Virginia kung may dinaramdam at mahina ang katawang lupa ang Patriyarka ang ginagamit ng Mahal na Ingkong para mag mensahe at magtatak. At totoo na winika ng Mahal na Ingkong sa bibig mismo ng Patriaryka na walang ibang gagamitin at maging ang Patriyarka ay hindi karapat dapat. 

Ang Mahal na Ingkong sa Patriyarka bilang Anghel ng Silangan na may pantatak ng Diyos na Buhay (Apocalipsis 7)

Mag-isip kayo, kung ang Patriarka na dugo at laman ng Banal na Luklukan, ulo at fundador ng Simbahan, katipan ng Mahal na Ingkong, kasama na sa pasimula pa sa kaganapan ng Mahal na Ingkong ay hindi karapat dapat GAGASINO NA NGAYON SILA ADELAIDA, ANG BATA NG MECC, SI ZENAIDA, MGA EXCOMMUNICATED NA OBISPO AT PARI O KUNG SINO PA MAN? MAG-ISIP KAYO!

Itutuloy....