Tuesday, October 3, 2017

PASKO NG OKTUBRE

Ang pagsilang ng Panginoong Hesus o ang EMMANUEL ay naging tanda ng paghahati ng daigdig sa kanyang panahon, ang LUMANG PANAHON at ang BAGONG PANAHON. Ang lumang panahon ay tinawag na BEFORE CHRIST o BC at magmula naman sa kanyang pagsilang hanggang ngayon ay tinawag na A.D. o Anno Domini o Year of the Lord.

Tuwing ika-22 -23 ng Oktubre taon taon, ipinagdiriwang ng mga APO o mga tinatakan ang kapistahan ng pagsilang ng P. Hesukristo na tinatawag natin na SENIOR NOEMI. Ipinakikilala natin na ganitong buwan at araw talaga isinilang ang P. Hesus at hindi talaga sa Disyembre 25.

Mayroong dalawang sistema ng kalendaryong umiiral ngayon na ginagamit ng mga tao sa ibat ibang bansa. Ang tinatawag na LUNAR CALENDAR na ang batayan ay ang LUNA o buwan sa kalangitan - mas maikli ang araw dito kumpara sa SOLAR CALENDAR na ang batayan ay ang SOL o araw sa kalangitan.

Bago ipinatupad ng Simbahang Romano ang kilala ngayon na GREGORIAN CALENDAR ang sinusunod ng simbahan noon at maraming partes ng kristiyano at mga gobyerno ay LUNAR na binubuo lamang ng may 10 buwan.

Ang Sampung Buwan sa kalendaryong LUNAR ay ang sumusunod:
1 -JANUARY
2- FEBRUARY
3- MARCH
4- APRIL
5- MAY
6- JUNE
7- SEPTEMBER - SEPTA ay PITO
8- OCTOBER - OCTO o WALO
9- NOVEMBER - ika - SIYAM
10- DECEMBER - dahil ang DECE o DECI ang ibig sabihin ay IKA-SAMPU

Nang singitan ng 2 buwan nang gawing SOLAR nagkaroon ng pagbabago
1 -january
2- february
3- march
4- april
5- may
6- june
7- JULY - JULIUS CESAR
8- AUGUST - AUGUSTUS CESAR
9- SEPTEMBER
10- OCTOBER
11- NOVEMBER
12 - DECEMBER

Bakit mas tumpak ang Oktubre 23 bilang kapanganakan ng P.Hesukristo at hindi ang ika-12 buwan na Disyembre, ito ay dahil sa ang buwan ng Disyembre ay WINTER at napakalamig para sa mga pastol ang magpastol ng gayong gabi sa ilang, tamang tama lamang ang buwan ng Oktubre dahil ang panahon ay aliwalas, hindi mainit at hindi din malamig - marami kayong mababasa sa mga reliable na sources bakit hindi December ang tunay na kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.


VIVA SENOR NOEMI, VIVA VIVA...

May dalawang umiiral na kalendaryo sa mundo. Ang una ay ang LUNAR o bilang ng araw ayon sa Buwan (new moon, full moon etc) at ang ikalawa ay ang pagbilang ng araw ayon sa Araw o SOLAR.

Ang gamit ng mga Israelita/Hebreo ay LUNAR at maging ang mga Muslim ang gamit pa din nila hanggang ngayon ay LUNAR. Mas maikli o kakaunti ang mga araw na bumubuo sa isang month ng LUNAR calendar; may 28 days, may 29 days at may 30 days.

Ang SOLAR calendar naman ay naglalaro lang sa 30 days at 31 days at pagkaminsan ay mayroon tayong 28 or 29 days ng Pebrero.

Ang ginagamit na kalendaryo nang panahon bago sumilang ang P. HEsukristo ay LUNAR, at ang Jerusalem noon ay sakop at isang kolonya ng Imperio Romano. LUNAR din ang gamit ng Romano subalit ang katawagan ay base sa lengwahe nila na LATIN.

Ang salitang JANUA sa inglis ay GATE kaya ito ang umpisa ng Year o taon. nasusundan ito ng mga pangalan ng months na may Latin / Roman meaning din. Sa mga month na walang ibang kahulugan ginamit nila ang roman numerical system at tawag. Halimbawa, October from OCTA which means EIGHT 8th. November from Nova which means 9th at ang December from DECA o Deci which means tenth 10th.

Ngayon kung ire reckon mo, ang ika-8th month which is October ngayon ay actually pang 10 sa kalendaryo at hindi pang-walo. At ang November na pang -9 ay nasa pang 11 at ang December which is pang 10 ay nasa pang labindalawa sa kalendaryo. Nangangahulugan na matagal nang ginagamit ang mga tawag sa month na iyan kaya hindi na inalis o pinalitan nang ito ay umusad. Nagsingit ng 2 names at 2 months somewhere sa kalendaryo nang ito ay gawing SOLAR nang time ni Pope Gregory.

From LUNAR calendar na siyang ginagamit ng mga unang kristiyano at magpahanggang ngayon ay gamit ng ilang Orthodox Christians sa pagdetermine nila ng kanilang EASTER SUNDAY -> ay NAGING SOLAR calendar at isinaayos ni Papa Gregorio kaya tinawag na Gregorian Calendar kumpara mo sa Lunar calendar ng muslim na kung tawagin ay Hijri calendar.

So umusad ang petsang December 25 na dati ay pang-10 sa kalendaryo naging pang 12. Itinapat ito o natapat naman ang pag-usad na ito sa pagsilang ng Paganong celebrasyon ng pagsilang din ng anak ng araw na si mithra. At ito ang contestation ng mga fundamentalista at mga sekta galit sa katoliko. Ang cenelebrate daw ng katoliko sa dec 25 ay pagsilang hindi ni kristo kundi ng pagano diyos.

Ginawa ng Romano simbahan na PUT INTO PLACE, REPLACE ang personalidad na icineselebrate sa petsa na iyan para unti unti mabura at malimot sa isip ng tao ang paganong diyos at ipalit ang tunay na Diyos. Kung baga, sinabayan ang petsa at tinalo ng kristinismo ang paganong celebrasyon.

Ang October 23 ay mas tumpak na petsa ng pagsilang ng Cristo kumpara sa Dec 25 na snow at winter na sa Israel na kung saan sinasabi na hindi na makapag papastol ang mga pastol dahil nag yeyelo na sa labas at napakaginaw. Ang petsa Oct 23 ay di mainit at di malamig dahil ito ay season ng pagpasok ng winter - tamang lamig lamang at ito ang panahon ng tumawag ng Census ang Romano.