Kung pagtutuunan ng pansing mabuti at iko cross references ang mga salitang SALITA NG DIYOS at ang PANGINOON YESHUA (O HESUKRISTO) mula sa Lumang Tipan hanggang sa Apocalipsis makikita na tumutukoy ang dalawang ito sa dalawang "BEING" o PERSONA at hindi sa IISA LAMANG gaya ng karaniwang pang unawa o kaalaman.
---------------------------------------------------------------------
ANG SALITA NG DIYOS ay PERSONA at SIYA AY ANG PANGINOONG NG MGA HUKBO (THE LORD OF HOSTS o ADONAY SABAOTH o YHWH SABAOTH) na siyang nakipagtipan kay Haring David na nangako at gumawa para kay David ng pagpapasuko sa kanyang mga kaaway.
I CRONICA 17:3ff "At nangyari, nang gabing yaon, na ang Salita ng Dios ay dumating kay Nathan na sinasabi,
Ikaw ay yumaon at saysayin mo kay David na aking lingkod,
Ganito ang sabi ng Panginoon, ....Panginoon ng mga Hukbo,....
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kita'y kinuha sa pasabsaban, sa pagsunod sa mga tupa upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayang Israel:.....at aking pasusukuin ang lahat mong mga kaaway.
Take note: Ito din ang pangako ng Diyos sa P. Yeshua at ito din ang sinasalaysay ng mga Apostoles
Dito sa salaysay na ito sa aklat ng Cronica, maliwanag na ang SALITA NG DIYOS ay sumasakay Haring David at SIYA ang nagpasuko sa mga kaaway nito at ginawang HARI at PANGULO si Haring DAvid ng Bayan ng Diyos - ang Israel.
Ang SALITA NG DIYOS AT SI HARING DAVID AY MAGKAIBA AT DALAWANG PERSONA.
Ang mga sumusunod na katotohanan ang mauunawaan sa aklat ng Cronica:
- Ang Salita ng Diyos ay ang nagma may-ari sa Israel
- Ang Salita ng Diyos ay ang AMA at Hari ng Israel
- Ang Salita ng Diyos ay ang Diyos ng Israel
- Ang Salita ng Diyos ay ang Panginoon ng mga Hukbo (Warriors/Celestial Army)
- Ang Salita ng Diyos sa kanyang pangalang Hebreo ay ang YHWH SABAOTH O ADONAY SABAOTH (Alleluia!) Siya ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.
Nagdamdam noon si YHWH sapagkat lumalabas na tinatanggihan siya ng mga Israelita na maging kanilang Hari gayong siya naman ay sumasakanila (tumatahan) sa pamamagitan ng Kaban ng Tipan (na noon ay nasa TENT pa).
Gayon pa man, inutusan pa din ni YHWH si propeta Samuel at sa pamamagitan niya ay humirang ng Hari at ito nga ay si SAUL.
Naghari si Saul, kasunod ay si David, sumunod ay si Solomon. Nahati ang kaharian sa dalawa at nag hati din ang dalawang anak ni Solomon.
----------------------------------------
Punta tayo sa Aklat ng Gawa ng mga Apostoles, sa tagpo na ang P. Yeshua ay naka akyat na sa langit. Noong pag-akyat sa langit ng P.YESHUA, napakita sa mga Apostoles ang dalawang anghel, GAWA 1:9-11
At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.
10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit;
11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? Itong si Yeshua, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.
SI YESHUA (Hesus) ay PAPARITONG GAYA RIN NG INYONG NAKITANG PAGPAROON NIYA SA LANGIT. PAANO? KAGAYA NG KANYANG PAG AKYAT - NAKASAKAY SA ALAPAAP (ULAP)
At ito din ang sinasabi ni Apostol Juan sa Apocalipsis 1:5
At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;
6 At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.
7 Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.
SIYA (YESHUA) AY PUMAPARITONG NASASA MGA ALAPAAP (ULAP).
Pareho at nagkakaisa ang salita ng dalawang anghel na nakasulat sa Aklat ng Gawa at ang patotoo ni Juan, ayon na din sa pahayag sa kanya ng anghel din, na kung paanong umakyat sa langit ang P. Yeshua ay gayon ding paraan siya papanaog sa lupa.
Ngayon, BASAHIN AT TINGNAN naman natin ang nasa APOCALIPSIS 19:11-16
11 At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.
12 At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.
13 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. (SALITA NG DIYOS)
14 At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay.
15 At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.
16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.
ANG SALITA NG DIYOS AY ANG HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.
ANG PANGINOONG YESHUA NAMAN AYON KAY SAN JUAN AY PANGULO NG MGA HARI SA LUPA (APOC 1:5) KAPARIS NI HARING DAVID NA PANGULO AT HARI (1 CRONICA 17)
Hindi ba't nasusulat na IBIBIGAY SA KANYA NG DIYOS ANG UPUAN O TRONO NG KANYANG AMANG SI DAVID AT SIYA AY TATAWAGING ANAK NG KATAASTAASAN. LUCAS 1:32-33
Pasusukuin ng Diyos sa kanyang paanan ang mga kaaway at ang kahulihulihang lilipulin ay ang kamatayan.
Tanong: Ang P. Yeshua ba at ang SALITA NG DIYOS ay IISA AT PAREHO? Ayon sa turo ng Simbahang Katoliko, ang Salita ng Diyos at ang P. Yeshua ay IISA AT PAREHO na pinagbabatayan ay ang JUAN 1:1 ff na sa pasimula ay naroon na ang SALITA kasama ng Diyos, at ang SALITA AY DIYOS. Nagkatawang tao (incarnation) ang SALITA at siya ay nakita ng mga tao.
Ipinakikita din sa aklat ni Propeta Daniel 7:9- 13 at nakasulat ang sumusunod na propesiya. Ipinapakita dito na mayroong TAO na nakasakay sa alapaap na lalapit sa Matanda sa Araw (ATTIC YOMIN) at bibigyan nito ng kapangyarihan, kaluwalhatian at kaharian ang Tao na nakasakay sa ulap. Mauunawaan na ANAK NG TAO na nakasakay sa ulap ay walang iba kundi ang P. Yeshua na sa kanya ay ibibigay ng ATTIC YOMIN ang kapangyarihan, kaluwalhatian.
Ito ay mas akma, tumpak at lapat sa pahayag mismo ng P. Yeshua na ang Mesiyas ay kailangang magbata ng hirap hanggang sa kamatayan, at magkagayon, ay ibibigay sa kanya ng AMA ang paghahari sa angkan ni David. Lucas 22:44-47
Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa kasama pa ninyo ako na dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin...kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesiyas at muling mabuhay sa ikatlong araw.
Lalapat din ito sa isinasaad sa Aklat ng Gawa 2:22-26 na ang sabi "Itong si Yeshua, ay ginawang Cristo o Mesiyas ng Diyos."
Ganito ang nakasulat:
Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Yeshua na taga Nazareth ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya...26 KAYA'T DAPAT MALAMAN NG BUONG ISRAEL NA ITONG SI YESHUA NA IPINAKO NINYO SA KRUS - ANG GINAWA NG DIYOS NA PANGINOON AT CRISTO.
Sa aklat ni Propeta Daniel 7:9 ay nakita ni Propeta Daniel ang paglapit ng ANAK NG TAO para tanggapin ang paghahari at kapangyarihan mula sa AMA.
9: Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay, at isa na matanda sa mga araw (ATTIC YOMIN) ay nakaupo: ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy.
...
13 Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng ANAK NG TAO, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya.
14 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.
Aakma ito sa pahayag sa ebanghelyo ni San Mateo 28:18
At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, DATA EST MIHI POTESTATIS IN COELI ET IN TERRA. Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
At matapos nito ay umakyat na sa langit ang P. YEshua at lumuklok sa kanan ng AMA.
----------------------------------------
Ang P. Yeshua ay ang Hari ng lahat ng hari sa lupa at ang SALITA NG DIYOS naman ay ang HARI NG LAHAT NG HARI, PANGINOON NG LAHAT NG PANGINOON. Ito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan
Nasusulat, sasakupin ng P.Yeshua ang lahat at ipapailalim naman niya sa AMA (YHWH SABAOTH) nang sa gayon, ang paghahari ng AMA ay sumasa lahat at nasa lahat. Ang P.Yeshua bilang Anak ng Tao na isinilang ng Mahal na Inang Birhen ay iba sa persona ng Verbo ng Diyos bagaman direkta nating masasabi at maituturing na sila ay NAGKAKAISA sa buong panahon ng kaganapan ng P. Yeshua sa lupa.
Maliwanag na inihahayag ng P. Yeshua na iba siya at iba ang AMA lalo nang sabihin niya sa maraming pagkakataon ang relasyon niya at ng Ama. Ang AMA AY SUMASA AKIN AKO AY SUMASA AMA. THE FATHER IS WITHIN ME AND I AM IN THE FATHER.
Ang Espiritu ng Diyos ay pumanaog sa P. Yeshua noong siya ay binyagan sa ilog ng Jordan at ang Espiritung iyon na sumasakanya ang nagpapatotoo na sumasakanya ang Diyos.
Walang anomang masama ang nagawa o nagtagumpay sa P. Yeshua sa buong panahon na sumasakanya ang Espiritu ng Diyos. Walang sinomang tao ang makapanakit sa kanya o saktan siya o gawan siya ng masama. Naganap lamang ang simula ng dakilang paghiwalay ng Espiritu ng Diyos matapos ang Huling Hapunan, doon sa Hardin ni Gethsemani.
Matapos ang marubdob na panalangin na ipinagpawis at luha niya ng tikatik ng dugo, iyon ang ikalawang pagkakataon na may humawak sa P.YEshua. Ang unang humawak sa kanya ay iyong babaeng inaagasan ng dugo na gumaling. Ngayon naman sa ikalawang pagkakataon, ang humawak sa kanya ay iyong alagad na magiging dahilan ng pag-agos ng dugo ng Cristo.
"ANO ANG MAGAGAWA NG TAO KUNG NASA AKIN ANG DIYOS" ito ay makahulugang salita na kung nasa sa isang tao ang proteksyon at pag iingat ng Diyos gaya ng sinasabi sa Salmo 91 - walang makakalapit na masama sa pinapatnubayan at iniingatan ni YHWH.
Subalit sa pagkakataong iyon, upang maganap ng kadiliman ang kanilang layunin, iniurong ng Diyos ang kanyang pag iingat sa P. Yeshua. Dito na may dumapong kamao sa mukha ng P.Yeshua. Dito na may bumalatay na dura at kalanghaga sa kanyang balat. Dito na mayroong naka tadyak, sampal, suntok at hampas sa mahal na katawan.
Dito na siya nadapa sa lupa at sa ibang pagkakataon ay ginamit pang tuntungan o tulay ng mga sundalong Romano ang kanyang likuran. Hanggang sa kanyang pagpasan at pagpapako sa krus, oo hanggang sa kanyang kamatayan sa krus. Kung kaya nadito ang paliwanag bakit siya tumatangis sa krus ng AMA KO AMA KO BAKIT MO AKO PINABAYAAN (INIWAN)!
Tutumpak ito ngayon sa winika ni San Pedro sa mga Israelita na ITONG SI HESUS NA INYONG IPINAKO SA KRUS AY BINUHAY NG DIYOS! Sapagkat nang ikatlong araw ay muling pumasok ang Espiritu ng Diyos sa kanya at siya ay ibinangon mula sa libingan.
Note: Hindi ko tinalakay dito ang kalikasan ng P. Yeshua, siya ay nananatiling Anak ng Diyos at Anak ng Tao. Diyos na totoo at Taong totoo. Inianak ng Ama at hindi nilikha.