ANIMASOLA
Sa aking pagsasaliksik ang salitang ANIMASOLA ay tumutukoy sa pag-aanyong tao ng LOGOS o ng VERBO. Pag-aanyong tao ng SALITA na kung saan ang walang anyong ESPIRITU ay nagkaroon ng anyo, hugis, timbang at sukat ( image, form, weight and size).
Sa sinaunang mga kasulatan na hindi kasama sa Canon ng Bibliya at hindi itinuturo ng simbahan, maging ng Romano, pero batid ng sinaunang mga tinatakan na may salitang ganito: ANG DI DUMAAN SA ANAK KONG BIRHEN AY DI MAKAKARATING SA AKIN. ANG ANAK AY ANG VERBO/SALITA O ANG LOGOS- ANG ANIMASOLA.
Dito nagkaroon ng maling akala ang marami, na ang isip pag nakakita ng salitang BIRHEN ay BABAE ITO at pag BIRHEN ito ay ANG MAHAL NA INANG BIRHEN MARIA.
Ang pagiging birhen ay katangian ng sinoman, tao man o hayop, o kahit na anong bagay na malinis at dalisay na hindi nalahiran ng kahit na anong dumi, sekswal man o pisikal o emosyonal o mental. Ang pagiging birhen ay ang pagiging imakulada. ITO AY KATANGIAN at hindi pag-aari at partikular ng sinoman.
Ang wika ng P. Hesukristo, WALANG MAKAKARATING SA AMA NANG HINDI DADAAN SA AKIN ( HINDI SA PAMAMAGITAN NIYA)
Ang ANIMASOLA sa kanyang orihinal na idea o konsepto o anyo o ayos ay nasa FEMALE GENDER dahil siya ay may katangiang LUMIKHA, GUMAWA, MAG SILANG ng maraming bagay. Siya ang tagalikha at sa pamamagitan niya ay nalikha ang lahat - alalaon baga ay isinisilang niya. Ang GENDER sa antas at level na ito ng spiritwal ay hindi sekswal kundi ideal. Ideal, meaning ito ay prinsipyo at konsepto or abstraction.
Tumanyag ang salitang ANIMASOLA dahil sa panalanging VIRGINIA na gaya ng sinabi ko na noon pa, ang VIRGINIA ang buod o summary ng pananampalataya sa MNI at pumapasok na din diyan ang misteryo ng kaganapan ng SMV at ng Sma Trinidad.
Ang aral na ito ay masasabi kong matayog, sa mga dati nang tinatakan, kung magbabalik aral kayo at pagninilayan, madali na ninyo itong makukuha.
Gaya na din na ang WISDOM sa salin ng bibliya sa English ay nasa female gender dahil SOPHIA sa Griego ay babae din, pero pag tinagalog mo bilang KARUNUNGAN ay walang kasarian. Mahalaga na balikan ang mga sitas sa Bibliya na bumabanggit sa Karunungan at iugnay sa rebelasyon o aral ng P. YEshua at ng mga Apostoles - doon ay mauunawaan na ang KARUNONGAN NG DIYOS, ANG ANIMASOLA, ANG VERBO, ANG LOGOS, ANG WISDOM O SOPHIA ay walang iba kundi ang P. YESHUA HA MASHIACH ( Yeshua ang Mesyas o Cristo);