Thursday, October 1, 2009

PANALANGIN SA PANAHON NG KALAMIDAD NG LUPANG HINIRANG

AVE MARIA PURISSIMA SIN PECADO CON SU VIDA

Mahal naming INGKONG, sinasamba, pinupuri, at niluluwalhati ka po naming iyong mga tinatakan at hinirang. Mahabag po kayo at maawa sa aming iyong mga anak, patawarin mo po ang aming mga pagkakasala laban sa iyong kabutihan. Ipatawad mo po ang aming mga pag-suway, kalabisan, at mga pagkukulang. Ikinahihiya po namin ang aming mga kasalanan sa isip, sa salita, at sa gawa.

Masdan mo po ang iyong Lupang Hinirang, ang bansang Maharlika, ang Pilipinas kabi-kabila ang hagupit ng trahedya at kahirapan. Nababatid po namin ito ay dala ng aming mga kasalanan at karumihan kung kaya malayang nakakapag labas masok ang kaaway. Ang lahat ng ganitong pangyayari ay hindi po magaganap kung wala mong pahintulot mula sa inyo. Mahabag po kayo at maawa hindi lamang sa aming mga luklukan kundi lalo at higit na sa marami naming kababayan na lubog na sa kahirapan.

Nagpapasalamat po kami, nagpupuri at lumuluwalhati sa iyong bagong pangalan, MAHAL NA INGKONG, na tulad ng Diyos Ama at Anak ay mayroong tangi at personal na pangalan, gayon din naman ikaw o Diyos Espiritu Santo.

Mahal naming Ingkong, lakarin nyo po ang aming mga lansangan, pumasok po kayo sa bawat tahanan, masdan po ninyo ang aming mga mukha at kalagayan. Wala pong laman ang aming hapag kainan, tuyo na po ang aming mga lalagyang-tubig, mahina at nanlalambot po ang aming mga tuhod, hinahampas po ng hangin ang aming mga bahay, ang ilan ay naibagsak na at nawasak. Nakakikilabot ang bagsak at ingay ng malakas na buhos ng ulan, umuugong ang nakapangingilabot na hangin, madilim ang himpapawid, sa araw man o sa hatinggabi ay wala kaming liwanag na masumpongan. May paparating po na bagong mga unos na nagbabantang magwasak ng labis sa natitira pang pag-asa at kabuhayang mayroon kami.

Mahal naming Ingkong, maawa po kayo at mahabag. Iunat po ninyo ang iyong kamay sa pamamagitan ng iyong mga kaparian sa pangunguna ng aming banal na Patriyarka, gamit ang kapangyarihang tinaglay ninyo noong nabubuhay kayo bilang aming P.Hesukristo kasama ng kanyang mga alagad. Pahinain nyo po at wasakin, durugin ang mga bagyo at lahat ng kalamidad na papasok sa aming bayan sa kapangyarihan at sa karangalan ng iyong pangalan, MAHAL NA INGKONG.

O Santa Maria Virginia, aming Mama, ipanalangin mo po kami at ipamagitan sa Mahal na Ingkong at sa Panginoong Hesus, bawiin nawa ng Ama ang kanyang nakaunat na kamay laban sa amin. O Mahal na Inang Birhen Maria, tulungan at ipanalangin mo po kami sa iyong anak na aming P.Hesus.

Panalangin

You O Storm, thy elements are agitated and furious to accomplish the punitive acts of God due for our collective sins and transgressions. God is indeed terrible in anger but be mindful that He too is exceedingly merciful.

Thus, in honor and by the power of the new name of God, the Holy Spirit, MAHAL NA INGKONG, we the sealed servants bind you by the virtue of the rope used to tie the Lord Jesus Christ in his scourging. We scatter and stop your destructive power and might by the virtue of the five nails of the holy cross. The first nail of the Rotulo be nailed your thoughts that this land is the New Jerusalem, the virtue of the nails in the hands of Jesus be nailed your strength and might. The virtue of the nails in the feet of the master be nailed your capacity to move. ECCE CRUCEM DOMINI FUGITE PARTES ADVERSAE VICIT LEO DE TRIBU IUDA RADIX DAVID ALELLUIA!

Continue then to ravage our land and our people if you find yourself more powerful than the name of MAHAL NA INGKONG, ALPHA AND OMEGA, EMMANUEL, JESUS CHRIST, ST MARIA VIRGINIA, ST JOHN THE BAPTIST, ST ELIJAH THE PROPHET and of all the saints and blessed spirits within us, sealed servants of the Holy Spirit.

Peace be still in the name of the GOD, THE MIGHTY ONE, THE IMMORTAL ONE, THE LIVING GOD, ONLY GOD, THE ETERNAL GOD.

O Beloved Ingkong, we praise and thank you for your swift help and assistance. We thank you for your miraculous intervention. GLORIA IN EXCELSIS DEO ALELUIA INGKONG!

Wednesday, September 30, 2009

ISA LAMANG

ISA LAMANG ANG DIYOS ESPIRITU SANTO
INGKONG ANG PANGALAN NIYA

AT TULAD NG KANYANG WINIWIKA MAGING SA LABI NI SANTA MARIA VIRGINIA:

ISA LAMANG ANG KANYANG SIMBAHAN
ANG APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH

ISA LAMANG ANG KANYANG BANAL NA LUKLUKAN AT ESPOSA
SI SANTA MARIA VIRGINIA

ISA LAMANG ANG KANYANG PATRIYARKA
SI DR JUAN FLORENTINO TERUEL

ISA LAMANG ANG KANYANG ORDEN
ANG ORDER OF THE MISSIONARIES OF THE HOLY SPIRIT

ISA LAMANG ANG LUPANG BANAL
ANG SACRIFICE VALLEY

GAYON DIN NAMAN KANYANG WINIKA AT WINIWIKA:

SA PATRIYARKA SIYA NAGSIMULA
SA PATRIYARKA SIYA MAGTATAPOS