Tuesday, April 18, 2017

HIWAGA NG PANGALANG VIRGINIA

ANG TAGONG HIWAGA SA PANALANGING NAKA ABBREVIATO SA SALITA O PANGALAN VIRGINIA
Kung sino man ang gumawa ng basag ng VIRGINIA ay 100% na marunong sa Kabbalah at sa Karunongang Lihim. Ang Karunongang Lihim o Esoterikong Karunongan ay karaniwang matatagpuan sa mga sinaunang matanda na manggagamot (at mangkukulam).
Ano ba ang basag ng VIRGINIA?
Ito ay ang
VIRH(G)EN MARIA
INCARNATUS
REX SANCTI PATER
GUVERNATUS
ILIUM
NOMINE
INGKONG
ANIMASOLA
Sa mga hindi umabot sa kaganapan ng kinikilala at pinipitagang totoo at nag-iisang Luklan at Esposa ng sinasampalatayanang ikatlong persona ng Sma Trinidad - na tinatawag na INGKONG, si mamang MARIA VIRGINIA; ang panalanging VIRGINIA ay dinarasal matapos ang SANIB/SAPI/LUKLOK ng INGKONG sa katawang pisikal ni Maria Virginia.
Diumano ito ay ang panalangin para muling sumanbi o bumalik ang kaluluwa at espiritu ni mamang Maria Virginia sa katawang lupa nito.
Bukod diyan, sa aking personal na karanasan, mabisa at epektibo nga ang panalanging iyan - sa pangmaraming gamit, sa espiritung masama, sa panganib, sa hiling ng kahit na ano atbp. Kung alam mo ang panalangin may makakaugnay ka at konekta ka sa power source. Ang power source ay ang BATTERY CHARGE na naipon at naikarga ng libo libong nagdasal at nagdarasal niyan (so sa mga taga Sacrifice Valley iyan at wala sa ibang lugar)
Narito ang secreto:
VIRGEN MAR-I-YAH...........Ang tinutukoy na babae o birhen ay walang iba kundi ang Animasola o ang BAHAGI NG ELOHIM. Recall na ang YHWH ay ang pinagtambal na YOD HEY, AT WAW HEY, ito ay ang IHO at IHA, YOD ay LALAKI, HAWAH o HAVAH o HEVAH , EVA ay ang BABAE. Ang MAR-I-YAH sa katotohanan ay ang BABAENG BAHAGI NG ELOHIM (DIYOS). THE FEMININE PRINCIPLE OF EL.

Sa Arabic ang HAWAH ay BREATH at sa Hebrew ang RUACH ay BREATH din. Although ang BREATH ay HANGIN din subalit ang BREATH ay may buhay sa kanyang pagka-hangin. LIFE GIVING. Ang iisang BREATH na pumapasok (INHALE/INSPIRE) at lumalabas (EXHALE/EXPIRE) sa NOSTRIL (may dalawang butas ang ilong) ng tao ay mainit at malamig, feminine at masculine. One Breath contains the two principles and existing as ONE.

Nilikha ng ELOHIM ang tao ayon sa kanyang wangis. BABAE AT LALAKE nilikha niya sila, ayon sa kanyang wangis. May bahaging babae ba ang ELOHIM - MERON! Ang katagang ELOHIM ay plural form, androgynous or BALAKE, babae at lalake, IISANG DIYOS or IISANG ELOHIM.  We are talking here of principle not gender or sex. In the same way na ang isang tao, siya ay may katangian ng pagiging babae at lalake. Ang pagiging matapang o courageous, strong or malakas at heroic ay positive at within the category of male principle at ang beauty, love, caring and nurturing naman ay negative at within the category of female principle.

INCARNA-TUS........In-carna-tus, importante ang putol na ito at iba ito sa IN-CAR-NATUS. Natalakay ko na ito sa isang blog o post dito sa FB. Ang IN-CARNA-TUS ay nangangahugan na ang Espiritu ng MAR-I-YAH ay pumasok na tulad sa USOK, ghost, mist, spirit.

REX SANCTI PATER GUVERNATUS - Ito naman ay ang Santong Hari at Ama ay namamahala, naghahari, governing, govern, governor, guvernatus.
So sa naunang mga salita, buo na ang BABAE AT LALAKE - BUO ANG KAPANGYARIHAN NG ELOHIM, ANG BABAENG BAHAGI AY PUMASOK NA TULAD SA USOK AT ANG AMA AT HARI AY NAMAMAHALA
ILIUM NOMINE - ay sa pangalang
INGKONG - Ang katagang INGKONG ay natalakay ko na din, ito ay ang tetragrammaton na sinulat sa ibang titik at lengwahe, ito din ay ang ALPHA AT OMEGA.
I.........YOD.......Y
NG.....HEY......H
KO----WAW....W
NG----HEY.....H

ANIMASOLA or ANIMA SOLA - ang Animasola ay ang ANIMATING PRINCIPLE, ang animating principle ay ang BREATH o HININGA. Kung walang HININGA walang BUHAY. Ito ay ang HINGA na inihnga ng Elohim sa ilong nila Eba at Adan. Ang nasabing HININGA ay ang hininga na bumubuhay sa lahat ng may buhay sa sanlibutan, hayop, isda, halaman at tao. Ang nasabing BREATH O HINGA ay laganap at sumasa lahat lahat walang diskriminasyon sa kung ano man relihiyon, kulay, wika ang tao. IYON ANG PRINSIPYO AT ARAL NG TUNAY NA DIYOS. ANG DIYOS AY HINDI PAG-AARI NG KAHIT NA ANO O SINOMANG RELIHIYON.

Sino ngayon ang INGKONG? Ang tunay na INGKONG ay yaong nagwika ng AKO ANG BUHAY AT PAGKABUHAY, SINOMANG SUMASAMPALATAYA SA AKIN, BAGAMAN MAMATAY AY MULI KONG BUBUHAYIN, AT ANG BUHAY NA SUMASAMPALATAYA KAILANMAN AY HINDI MAMAMATAY.

Bilang nasa spiritwal na antas, ang ANIMASOLA ay nasa prinsipyong babae dahil sa pagiging malikhain, mapagkalinga at pag-ibig nang ito ay mag katawang tao ito ay nasa pisikal na anyong lalaki, ang ADONAY YESHUA. Siya ang BUHAY NA BUMUBUHAY, ANG BUHAY AT PAGKABUHAY. SIYA NOON SIYA NGAYON, SIYA ANG INGKONG ANIMASOLA.

Ang tinutukoy niyang kamatayan ay hindi lamang ang pisikal at materyal na kamatayan kundi ang IKALAWANG KAMATAYAN. Bakit siya ang pagkabuhay at buhay - sapagkat SIYA AY ANG HININGA NG BUHAY NA BUMUBUHAY.