Monday, April 17, 2017

SI CRISTO MISMO ANG KATOTOHANAN

EGO SUM VIA, EGO SUM VERITAS, EGO SUM VITA, sabi sa Latin, SI CRISTO MISMO ANG KATOTOHANAN hindi siya tapagturo lamang ng katotohanan dahil ITO SIYA MISMO.

Hindi siya kaparis ng ibang mga tagapagturo na nagsasabing halikayo tuturuan ko kayo ng katotohanan, aakayin ko kayo sa katotohanan - SIYA MISMO ANG KATOTOHANAN.

Maging ang Espiritu Santo ay may tungkuling -"AAKAYIN NIYA KAYO SA KATOTOHANAN" alalaon baga ay aakayin kayo ng Esp ng Katotohanan PATUNGO SA KRISTO - at dahil dito HINDI SIYA MAGSASALITA SA GANANG KANYANG SARILI- lahat ng ipapahayag niya ay galing sa akin.

EGO SUM VERITAS - walang iba. Kung kaya nga winiwika sa buong kasulatan - LAHAT NG TUHOD AT LULUHOD SA CRISTO - lahat ng tuhod ibig sabihin hayop man o tao, o anghel, at mga diyoses ay luluhod sa CRISTO.

Ang lahat ng propeta at kanilang mga hula, ang mga Apostoles, ang mga anghel lahat sila ay umaakay sa tao patungo sa CRISTO - ang isang mangangaral na inaakay ka patungo sa kanyang sarili at hindi patungo sa CRISTO ay ang Anticristo; dahil gawain ng antikristo ang agawin ang sa CRisto patungo sa kanya.

Ito din ang maliwanag na gampanin ng ikatlong persona o ng Diyos Espiritu Santo - AKAYIN ANG TAO PATUNGO SA CRISTO, pag isahin ang mga taga langit at mga taga lupa sa pamamagitan ni CRISTO, kasama ng CRISTO, para kay CRISTO.