Monday, April 17, 2017

KATA HOLOS

Ang talagang diwa niya niyan ay pananampalatayang sumasa lahat at nasa lahat.

Sa loob ng simbahang Katoliko mo lamang matatagpuan ang katuparan ng mga pangarap, mithiin, propesiya ng lahat ng paganong relihiyon kung kaya naging mabilis, madali sa kanila ang pag tanggap sa Katolisismo.

Sa kay Cristo natagpuan ng mga Griego ang LOGOS, o ang Demiurgos o anak ng Diyos na hindi nila nakikilala. Sa kanya din natagpuan ng marami pang pananampalataya ang katuparan ng imahe ng kanlang kinikilalang Diyos at Panginoon.

Dahil diyan, may mga gawain at kaugalian ang mga Katoliko na nahahawig sa mga pagano, hindi dahil sa ang kristiyanismo ay ginawang pagano kundi ang paganismo ay bininyagan at naging kristiyano.

Ang pananampalatayang Katoliko ang may kakayahang mag absorb at mag-adapt sa kahit na anong kultura, salita, kaugalian, at tradisyon and yet manatili pa din ang pagiging Katoliko nito.

Halimbawa, ang ibat ibang ORDEN ng mga kaparian at madre, misyonero at mga monastiko, na may ibat ibang tradisyon, batas, kaugalian, aral atbp ay nakapamumuhay sa ilalim ng pananampalatayang Katoliko ng walang suliranin o pagkakahidwaan ng aral at kaugalian.

Halimbawa, sa pananampalatayang katoliko bilang isang MALAKING UMBRELLA ng mga simbahang kaparis ng Orthodox, Romano, Schismatic, Protestante atbp - ang mga ito ay may elemento, sangkap, gawi at kilos ng pagiging Katoliko - pero sila ay may ibat ibang tradisyon, aral at kaugalian.

Hindi naiiba ang tunay na diwa ng pagiging Katoliko sa talinhaga ng KAHARIAN na ito ay parang bukid, may palay at may damo; nang pangingisda - may isda na nakakain at may isdang lason; o ng isang KASALAN na maraming imbitadong tao - iba iba ugali, iba iba antas sa buhay, iba iba ang pinagmulan - and yet they are all within the same wedding and the same table.

KATA HOLOS - PARA SA LAHAT, SUMASA LAHAT, NASA LAHAT, iyan ang talagang diwa; at hindi ito isa lamang pangalan ng kinaanibang relihiyon.