Ave Maria Purissima... Cin Pi Cado Con Si Vida...
Mga kapatid sa Mahal na Ingkong;
Marahil ang pagbabago po ay tunay na hindi natin mapipigilan dahil ito ay daynamikong nangyayari sa ating panahon. Bagama't huwag nawa po nating kalilimutan ang mga kinagisnan nating pamamaraan ng pagsamba at pagpupugay sa Mahal na Ingkong at sa ating Mahal na Inang Birheng Maria.
1. Ang pag-aalis ng panyapak sa bakuran at loob ng bahay-dalanginan, sa Basilica, at sa Bundok ng Kalbaryo sa lupang banal, Sacrifice Valley.
Sa mga hinirang ng Mahal na Ingkong na nagtutungo at nais magtungo sa lupang banal, huwag po nating kalilimutan ang kaugaliang ito dahil ang kaugaliang ito ay minana pa natin mula kay propeta Moises kung saan ipinaalis sa kanya ng Panginoon ang kanyang panyapak sa bundok ng Sion dahil ang kanyang tinatapakan ay lupang kanyang pinabanal. Kaya't huwag po nating kalilimutan ang kaugaliang ito dahil ito ay simbolo ng ating pagpapakababa at paggalang sa lupang kanyang pinabanal.
2. Ang pagsusuot ng sutana sa lahat ng uri ng ganapan, sa loob o labas ng lupang banal.
Ipinagdidiinan sa atin ng Mahal na Ingkong na huwag na huwag nating ikakahiya ang ating kasuotan sa oras ng kaganapan sapagkat ito ay kasuotan ng mga banal. Kaya't mula sa pagbablock rosary sa mga bahay-bahay hanggang sa paglipat ng imahe ng Mahal na Ina sa kani-kaniyang toka, huwag na huwag nating kakaligtaan na isuot ang ating mga sutana. Kung maaari nga lang ay ito na ang maging kasuotan natin sa araw-araw, subalit mayroon tayong mga trabaho sa araw-araw at kailangan din nating makibagay sa mundong ating ginagalawan wika nga ng Mahal na Ingkong. Ngunit pagdating sa gawang kabanalan, ang sutana ang siyang ating dapat na kasuotan. Hindi sapat lalu na sa ating may mga banal na gabay ang magsuot lamang ng puting damit at saka belo sa ulo sa mga kababaihan sapagkat mayroong kasuotang ipinag-utos sa atin ang Mahal na Ingkong na dapat sundin at tupdin.
3. Ang paghalik sa sahig matapos ang bawat ganapan sa lupang banal.
Kung naaalala ninyo po mga kapatid na noong nabubuhay pa ang banal na luklukan, matapos po magmensahe ang Mahal na Ingkong ay ating hinahalikan ang sahig bilang simbolo ng pagpapasakop at pagpapakababa sa hari ng sansinukob. At maging sa ating mga Sta. Misa sa lupang banal o anumang gawaing kabanalan, tayo ay yumuyukod at humahalik sa sahig. Nawa po ay wga din nating kaligtaan ito dahil dito, anumang estado natin sa buhay, ipinahihiwatig nito na tayo ay nasa ilalim ng iisang Diyos gaano man karami ang salapi mo sa buhay.
4. Ang pagbubukod ng lalaki sa babae tuwing ganapan.
Ang kaugaliang ito ay minana din natin noong panahon pa man ng mga propeta kung saan sa bawat pagsambang isinasagawa sa sinagoga o sa templo ay nakabukod ang lalaki sa babae, kapwa naka-upo sa sahig habang nakikinig ng salita ng Diyos. Bagamat hindi masama kung magkasama ang lalaki at babae sa kaganapan dahil tayo naman ay magkakapatid sa Diyos mapalalaki man o babae, ang kaugaliang ito ay hindi rin dapat malimot at dapat na maipagpatuloy lalo't higit sa lupang banal. Kung paanong ang lalaki at babae ay nakabukod sa tuwing gaganap ang Mahal na Ingkong noong nabubuhay pa ang banal na luklukan, ganoon din nawa sana sa ating panahon ngayon.
5. Ang pagluhod at pagdipa tuwing nagdarasal ng Santo Rosaryo
Ito ay marahan ding ipinag-utos noon ng Mahal na Ingkong na lumuhod tuwing nagsasanto rosaryo. Kahit na limang misteryo pa ito o labin-limang misteryo. Lalu't higit sa labin-limang misteryo. Kung maaari pa'y nakadipa ang mga kamay pagdating sa litanya sa Mahal na Inang Birhen hanggang sa matapos ang santo-rosaryo.
6. Ang pagsuot ng tamang kasuotan sa araw-araw na gawain
Ito po ang iniluluhog ng Mahal na Ina sa lahat ng tao lalo't higit sa ating mga tinatakan, IWASAN NA ANG PANANAMIT NG MGA KABABAIHAN NG MGA DAMIT PANLALAKI. Na iwasan ang pagsusuot ng shorts, pantalon, t-shirt sa kababaihan, lalu na ang mga hapit na damit na animo'y binigyan lamang ng bagong balat ang katawan subalit bakas pa din ang maseselang bahagi nito. Wika nga po ng Mahal na Ina sa kanyang mensahe sa pamamagitan ng banal na luklukan, kaya't napakaraming kalamidad ang nangyayari sa mundo dahil sa kasuotan ng kababaihan. Kung tayo po ay tunay na tagasunod ng Mahal na Ingkong, sa pananamit pa lamang po nawa ay makasunod tayo. Hindi po dahilan na mahirap panatilihin ang pagsusuot ng tamang kasuotan lalo na't kung iyon ang iyong nakasanayan. Subalit kung nasa puso natin ang Mahal na Ingkong, hindi man tayo makasunod ng madalang sa ating mga gawain sa buhay, subalit kung sa pananamit naman ay makakasunod tayo, tiyak na mababawasan ang pighati ng Mahal na Ina sa mga tao lalo't higit sa mga kababaihan.
Ang mga kaugaliang ito ay ilan lamang sa mga nakagisnan natin noon na tila ba sa ngayon ay dahan-dahan ng nalilimot. Lalo't higit sa mga bagong miyembro ng ating pananampalataya na hindi inabot ang ganitong mga gawain tuwing ganapan. Atin pong ipabatid sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng pagbabanal dahil hindi lamang ito sa isip, sa salita. kundi maging sa paggawa, pananamit, at pang-araw-araw na pamumuhay.
AMEN.
Repost from FB Believers of St. Maria Virginia
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1355712007784549&id=216260195063075