Ang aklat ni Propeta Isaias ay naghahayag na si YHWH mismo ang darating, ipinag uutos na ihanda ang kanyang daraanan. Isaias 40:1-5
Kasunod nito ay ang patungkol sa LINGKOD NI YHWH na kanyang itataas , pinili at kinalulugdan. Sa kanya ibubuhos ni YHWH ang kanyang ESPIRITU. Sa pamamagitan ng LINGKOD NI YHWH, si YHWH ay magliligtas at tagapagligtas.
Sa isang malalim na pag aaral, ang pentagrama na pangalan ng Rabbi YHSWH ay walang iba kundi ang tetragrama na YHWH na kung saan pumasok ang monograma na S o SHIN, ang SHIN ay ang Espiritu at Presensya ni YHWH, na nangangahulugan ng KALIGTASAN O TAGAPAGLIGTAS..Kaya nga ang kahulugan ng pangalang YHSWH o YESHUA ay SI YHWH AY TAGAPAGLIGTAS, o si YHWH AY KALIGTASAN.
Si YHWH ang IISANG DIYOS na totoo at ang LINGKOD naman niya ay ang IISANG PANGINOON na totoo. ONE GOD ONE LORD.
Ang P. YHSWH ay ang KATAWAN AT DUGO, BUTO AT LAMAN ng DIYOS YHWH upang siya ay makagalaw, makapagsalita, makaganap sa sanlibutan sa anyong tao.
Sa buong panahon ng pangangaral at pagmimilagro ng P. YHSWH ang buong kapangyarihan ng DIYOS YHWH ay sumasakanya at nasa kanya. Ito ang dahilan kung bakit walang makapanakit sa kanya sapagkat nasusulat ANO ANG MAGAGAWA NG TAO KUNG ANG DIYOS AY NASA SA AKIN.
Ang LINGKOD NI YHWH walang iba kundi ang P.YHSWH ay ginawang CRISTO AT TAGAPAGLIGTAS ayon na din sa kasulatan sa pahayag ng mga Apostoles. Siya ay tinawag na PANGANAY sa lahat ng mga taong ipinanganak. SIYA AY GINAWA meaning siya ay HINIRANG NA MAGING TAGAPAGLIGTAS SAPAGKAT SUMAKANYA ANG KAPANGYARIHAN NI YHWH dahil WALANG TAGAPAGLIGTAS KUNDI SI YHWH LAMANG.
Ang ESPIRITUNG sa anyong kalapati na pumanaog at sumanib sa P. YHSWH ay walang iba kundi ang ESPIRITU NI YHWH bilang katuparan ng kanyang pangako na hinayag ni Propeta Isaias. Kung walang ESPIRITU walang buhay, walang kapangyarihan, walang lakas, walang power walang milagro, walang himala, walang makakakapanakit, sampal, dura sa P. YHSWH at ito ang pangyayari nga sa buong ebanghelyo at doon sa halamanan ni Hetsemani, kung hindi pansamantalang humiwalay ang kapangyarihang iyan, ang ESPIRITU NI YHWH, hindi din madadakip ang P.YHSWH. Dahil humiwalay upang maganap ang dakilang sakripisyo, kaya nagawa na ng tao na tungayawin, duran, sampalin, suntukin, tadyakan, pahirapan, saktan, ipako sa krus ang P. YHSWH.
ANO MAGAGAWA NG TAO KUNG NASA KANYA ANG BUONG KADIYOSAN NI YHWH?
Kung kaya nga sa krus, sumigaw, umiyak ang purong pagka tao P.YHSWH - ABBA ABBA QUI DERELIQUESTE ME..AMA BAKIT MO AKO INIWAN (PINABAYAAN).
Yaon ang dakilang sakripisyo ng MARTIR NG GOLGOTHA.
Matapos niyon, sa ikatlong araw, ayon kila San Pedro, SI HESUS (YHSWH) NA INYONG IPINAKO SA KRUS AY BINUHAY NI YHWH AT GINAWANG CRISTO O MESSIAS, at muli ay pumasok sa P YHSWH ang ESPIRITU NI YHWH buong buo ganap na ganap - kaya winika na NIYA - DATA EST MIHI POTESTADES IN COELI ET IN TERRA - ang buo at lahat ng kapangyarihan sa LANGIT at sa LUPA ay IBINIGAY NA SA AKIN NG AMA (YHWH) at ngayon nga ay huwag kayong umalis ng JERUSALEM hanggang di ninyo TINATANGGAP DIN ANG KAPANGYARIHAN (ESPIRITU) MULA SA AMA (YHWH) SA PANGALAN KO (YHSWH). ACCEPTAVIT POTESTATIS OMNIPOTENTE.
APO - MEANING MAY KAPANGYARIHAN AT ESPIRITU TALAGA HINDI DALDAL AT MAKE BELIEVE O SALITAAN LANG.
Ang paghahari ng Diyos at kaharian ng Diyos ay pinatutunayan ng KAPANGYARIHAN, ESPIRITU AT GAWA hindi SALITA AT DALDALAN. Samakatuwid ang mga APO dapat kakitaan ng mga ganitong katangian. KAYO NA MAG-ISIP AT MAG NILAY NILAY AT PASUBALIAN NINYO ANG MGA SALITANG IYAN.
Kaya sa bibliya hanggang APOCALIPSIS hinahayag MAY IISANG DIYOS AT AMA (YHWH) NG IISANG PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS (YHSWH) na ang lahat ng tuhod sa langit at sa lupa ay luluhod sa P. YHSWH at matapos niyon, ay papailalim din ng P. YHSWH sa AMA ang lahat nang sa gayon ANG DIYOS AY GANAP NA SUMASALAHAT AT LAHAT.
Sa noo ng mga tinubos na 144,000 dalawang pangalan lamang ang nakasulat sa kanilang mga noo - ANG PANGALAN NG DIYOS YHWH AT NG PANGINOON YHSWH. Mahalaga at importante alam mo at kilala mo ang dalawang pangalan na iyan dahil nadiyan ang KALIGTASAN sa buhay na ito at sa kabila.
ANG Diyos ng lumang tipan ay hindi luma at hindi naluluma, pangalan pa din niya iyan ngayon hanggang magpakaylanman - ang pangalang YHWH. SIYA ANG MAY UTOS AT SIYA DIN ANG GUMANAP SA KATAUHAN NG P. YHSWH. IISANG DIYOS NG BUONG BIBLIYA, IISANG ESPIRITU samakatuwid IISANG KATURUAN, LAKAS AT KAPANGYARIHAN.
Pero si YHWH nga ba ang AMA NG P. YHSWH O SI YHWH AY ANAK NG INGKONG O NUNO?
Ang sagot ko, ang DIYOS YHWH ay ang VERBO, ang SALITA NG DIYOS na nagkatawang tao. VERBO O SALITA, ANG SALITA AY BINUBUO NG TITIK. ANG TETRAGRAMATON O YHWH ay mga titik. Sa pasimula ay naroon na ang SALITA (TETRA) AT WALANG NAGAWA KUNG WALA ANG SALITA, ANG SALITA AY NAGKATAWANG TAO AT NAKITIRA SA ATIN.
Kaya, sabi ni Apostol Juan, NAPARITO SIYA (YHWH) SA SARILING BAYAN PERO HINDI SIYA KINILALA...SIYA ANG NAGPAKILALA SA AMA. SA AMA NA WALANG NAKAKAKILALA KUNDI SIYA. WALANG NAKAKILALA O NAKA ALAM MAN NG PANGALAN NG AMA KUNDI ANG ANAK LAMANG (ANG TETRA). Ibig sabihin, ang pangalang YHWH ay hindi pangalan ng AMA talaga kundi iyan ay pangalan ng ESPIRITU NG DIYOS na pumasok at nagkatawan bilang P. YHSWH.
Ayon na din kay San PABLO - ESPIRITU NI CRISTO,
Ayon kay Propeta Isaias - SI YHWH
AY IISA AT PAREHO.
Ayon kay Propeta Isaias - SI YHWH
AY IISA AT PAREHO.
Kaya nyo pa ba ang pag aaral na ganito?