Sunday, April 16, 2017

DI KA BASAHAN, IKAW'Y MAY KARANGALAN

Bawat bagay dapat may lugar
Ang galit at hinahon may kanyang kagampanan
Ang pangaral sa matalino ay may pakinabang
Sa mangmang, maganda mang salita ay bula lamang
Kung handa na kayong maging handog na tupa
Na kakatayin ng walang kibo
Huwag nga kayong sumagot
Pero huwag ding magdamdam
Ang masama ay namamayagpag
Sapagkat ang mabuti ay tamad
Totoo na ang ganti dapat sa masama ay mabuti
Iyan ay dapat sa nagbabanal
Pero kung ibig mong mag survive
Ang iyong samahan at manatili sa lupa
Ilaban mo ang pananampalataya
Lakas sa lakas
Spiritu sa spiritu
Kung hindi inilaban ng patayan ng mga Crusaders
Noong araw ang Krsityanismo laban sa Pagano
Marahil nabura na si Cristo sa mundo
Kung ngayon ang mga tinatakan
Tagapanood lamang
Pag ibig at hinahon
Habang tinatapakan ang kaparian
Dinudurog ang kabataan
Hindi iyan pananampalataya
Iyan ay kahangalan
Patay na pananampalataya
Walang buto walang laman
Wika sa kasulatan
Magsakbat kayo ng armas, kalasag, espada at helmet
Sapagkat ang pananampalataya
Ay pakikipaglaban
Isang digmaan
May kampeon
May talunan
Saan ka
Ano gusto mong kapalaran
Kung totoo Diyos mo
Di ka dapat maging basahan
Karangalang binigay sa iyo
Di mo dapat payurakan
Noo mo ay itaas
Bibig mo ay ibukas
Kamay ay ikuyom kung kailangan
Mapanatili lang ligtas
Ang iyong simbahan
Di ka mananakop niyong ayaw pasakop
Di ka din pasasakop sa ibang mananakop
Kung Diyos mo'y makapangyarihan
Anong kinakatakot
Babahag kanilang buntot
Gawa nilang buktot
Babalik at iikot