“ Kung ang hangarin ninyo lumigaya kayo, mawala kayo sa problema huwag kayong gumawa ng kasalanan, hangarin ninyo na mawala kayo sa karamdaman huwag kayong magkasala, kasalanan ang nagbibigay sa inyo ng karamdaman, kasalanan din ang pumapatay sa inyo.” – Mahal na Ingkong
BAGO ANG LAHAT
Ayon sa Apocalipsis ni Moises: Kasaysayan ni Eba at Adan, na sinulat ni San Efraim ng Syria AD 373 (SAINT MÂR APHREM who died A.D. 373). Apocryphal Book
Sa unang araw ay nilikha ng Panginoong Diyos ang langit at ang lupa, ang tubig at ang hangin, gayon din ang apoy at ang lahat ng mga hindi nakikitang hukbo ng mga espiritu at mga anghel ayon sa kani-kanilang kagampanan (Siyam na koro ng Anghel).
Sa ika-anim na araw ay nilikha ng Panginoong Diyos ang tao, si Adan. Winika ng Panginoong Diyos sa lahat ng anghel na nakamasid sa kanya na “ Halikayo, gumawa tayo ng tao ayon sa ating wangis “; nang marinig ito ng mga anghel sila ay lubhang nanggilalas at sinamba ang Diyos sapagkat makakasaksi sila ng kamangha-manghang himala na ang nilikha o lilikhain ay magiging wangis ng Panginoong Diyos, sapagkat isa man sa kanila ay walang nilikhang kawangis ng Diyos.
Kumahok ang kanang kamay ng Panginoong Diyos buhat sa nilikhang daigdig, buhat sa lahat ng mga kinapal na nauna at nilikha nia ang tao buhat sa apat na sangkap ng daigdig na nilikha – sa lupa ay kumuha siya ng alabok, sa tubig ay kumuha siya ng patak, sa hangin ay kumuha siya ng hininga at sa apoy ay kumuha siya ng init. Ang pag-kuha ng Panginoong Diyos ng tanging sangkap at esensya ng apat na elemento ay nagpapakita na ang taong kanyang lilikhain na wangis niya ay may kapangyarihan sa mga elemento.
Nang malikha nga ng Panginoong Diyos ang tao, na tinawag na Adan at makita ng mga anghel sila ay lubos na humanga sa angkin niyang kagandahan, nahahalintulad sa sinag ng araw sa umaga ang kanyang mukha, ang liwanag ng kanyang mata ay tulad sa sinag ng araw at ang kanyang katawan ay nahahalintulad sa mamahaling kristal; at nang siya ay tumindig at itinapak niya ang kanyang dalawang paa sa lupa – na ang dakong iyon na kanyang tinatapakan ay walang iba kundi ang magiging dako ng pagbabaunan ng krus ng Panginoong Hesukristo; sapagkat sa Herusalem nilikha si Adan.
At magkagayon nga ay ipinagkaloob sa kanya ng Panginoong Diyos ang kapangyarihang mamahala sa lahat ng mga kinapal sa daigdig, at kanyang pinangalanan ang bawat isa ayon sa kanyang ibigay, at sinamba at iginalang ng mga kinapal si Adan. Winika pa ng Panginoong Diyos “ Adan, ginagawa kitang Pari, Hari at Propeta at pangunahin sa lahat ng aking nilikha at silang lahat ay napapailalim sa iyong kapangyarihan!” nang marinig ito ng mga anghel sila ay yumukod at lumuhod tanda ng paggalang at pagsamba kay Adan.
Nang makita ng pinuno ng isang hukbong makalangit ang karangalang ipinagkaloob kay Adan at ang ginawang pagsamba at paggalang sa kanya ng ibang mga hukbong makalangit, siya ay nainggit magmula noon at hindi niya ibig sambahin at igalang si Adan at winika pa niya sa kanyang mga kasama na “hindi ninyo siya dapat sambahin at igalang, ako ang dapat ninyong sambahin at galangin sapagkat ako ay apoy at espritu at hindi ko at ninyo dapat sambahin ang nilikha buhat sa alabok”. Tinawag nga ng Diyos ang nasabing Anghel at ang wika “ Lumapit ka rin nga at sumamba sa aking anyo at wangis!” ngunit sinagot siya ni Satanas ng “ Siya ang dapat na lumapit sa akin at sambahin ako sapagkat una akong nilikha sa kanya.”
Nang makita ng Panginoong Diyos ang kanyang inasal, iniutos niyang kunin kay Satanas ang kasulatan ng pamamahala na siyang kinasusulatan ng mga pangalan ng mga anghel sa kanyang lehiyon o hukbo sapagkat ginawa siyang Ulo ng Hukbo ng Diyos; sa paglalaban ay may ilang ulit nang nabigo ang mga anghel na magapi si Satanas sapagkat siya ay lubos na makapangyarihan; kung kaya binigyan ng Diyos ang hukbong lumulusob kay Satanas ng isang Krus na Liwanag na nakasulat ang mga katagang “Sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo” at magkagayon nga ng makita ni Satanas ang nasabing krus siya ay nanghina at naagaw sa kanya ang nasabing kasulatan; At dahil nga nagmataas siya at tuwirang lumaban sa kalooban ng Panginoon Diyos, siya ay itinaboy at pinalayas kasama ng kanyang mga anghel buhat sa harapan ng Diyos sa kalangitan. Hinubad sa kanila ng Panginoong Diyos ang kanilang magarang kasuotan at kagandahan, inalis sa kanila ang kanilang liwanag at kaningningan kung kaya siya ay humayong hubad at naging ubod ng pangit ang katawan at mukha.
Nang ipasok ng Panginoong Diyos si Adan sa paraiso ay pinagbilinan niyang “huwag kakainin ang bunga ng punongkahoy sa gitna ng halamanan.”
Ang paraiso ay nasa ituktok ng bundok ng Eden.
Sa lahat ng nilikha ay walang nakitang katulad niya si Adan at nakita ito ng Diyos at winika niya na hindi mainam na mag-isa ang tao kung kaya nilikha niya si Eba buhat sa lalaki, na naging buto ng kanyang buto at laman ng kanyang laman; at Eba nga ang sa kanya ay itinawag.
SI EBA AT SI ADAN
Ang pagkakasala ang dahilan ng pagkataboy ng unang magulang mula sa Paraiso ng Eden.
Ang salitang “paraiso” ay lagi ng kaakibat ng mga kahulugang katulad ng ligaya, sarap, ginhawa, mabubuting bagay, walang karamdaman, walang gutom, walang uhaw, walang luha at walang kamatayan, mahabang buhay o buhay na walang hanggan.
At dahil sa sila ay nagkasala sa Diyos, nilabag nila ang Kanyang tanging utos “huwag ninyong kakainin ang bungang kahoy sa gitna ng halamanan!”; sila ay itinaboy palabas ng paraiso at sila (Eba at Adan, serpiyente) ay sinumpa (cursed) ng Diyos maging ang lupain. At ang pinto ng paraiso ay pinabantayan sa kerubin at sa espadang nagliliyab (Genesis 3:23)
Ang kaparusahan o sumpa sa kanila:
Sa serpiyente : Sa iyong ginawa’y may parusang dapat na tanging ikaw lamang yaong magdaranas; ikaw’y gagapang, ang hatol kong gawad at alikabok ang pagkaing dapat. Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban. Ito ang dudurog sa ulo mong iyan at ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.(Gen 3:14-15)
Sa Babae : Sa pagbubuntis mo ay mahihirapan. Lalo kung sumapit ang ‘yong pagluluwal. Ang lalaking ito na asawang hinirang susundin mong lagi habang nabubuhay. (Gen 3:16)
Sa Lalaki : Pagkat nakinig ka sa asawang hirang, nang iyong kainin yaong bungang bawal; sa nangyaring ito, ang lupaing taniman’y aking susumpain magpakailanman. Ang lupaing ito para pag-anihan, pagpapawisan mo habang nabubuhay. Mga damo’t tinik ang iyong ‘aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakanin. Upang pag-anihan ang iyong bukirin, magpapakahirap ka hanggang sa malibing. Yamang sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin. (Gen 3:17-19)
Ano ang pagkakasala ng unang magulang kung bakit sila itinaboy ng Diyos buhat sa maligayang buhay sa loob ng Paraiso?
Ang kasalanan ng Pagsuway. Sinuway nila ang ipinag-uutos sa kanila. Nilabag nila ang ipinagbabawal sa kanila.
Iniuutos ng Diyos sa kanila na: “Makakain mo ang alinmang bungang-kahoy sa halamanan maliban sa bunga ng punong-kahoy ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakanin ang bungang iyon, mamamatay ka pag kumain ka niyon.” (Gen 2:16)
SI CAIN AT ABEL
(Genesis 4)
Si Cain at si Abel ay ang dalawang unang anak ni Eba at ni Adan, matapos na sila ay palabasin mula sa paraiso. Si Cain ang panganay at ang ikalawa ay si Abel. Si Cain ay isang magsasaka samantalang si Abel naman ay isang pastol. Kinalulugdan ng Diyos sang mga handog na sinusunog ni Abel samantalang ang kay Cain ay hindi. Si Abel ay nagsusunog ng pinaka-mainam na bahagi ng panganay sa kanyang mga alagang hayop. Samantalang si Cain ay nagsusunog naman ng mga sira at hindi sariwang bunga ng kanyang bukid sapagkat kanyang pinanghihinayangan at ikinakatuwirang “susunugin din lang naman, sayang naman kung ang maganda pa ang masusunog!” Iyan ang dahilan kung bakit mas nalulugod ang Diyos kay Abel kaysa kay Cain.
Isang araw ay niyaya ni Cain si Abel sa bukid upang mamasyal subalit pagdating doon ay kanyang pinaslang si Abel. Hinanap sa kanya ng Diyos si Abel at isinagot niya na hindi niya nalalaman at idinagdag pang “tagapag-alaga ba ako ng aking kapatid?”
Dahil dito sinabi ng Diyos sa kanya ang kaparusahan:
“ Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid at humihingi ng paghihiganti. Susumpain ka’t palalayasin sa lupang natigmak sa dugo ng kapatid mong pinaslang. Bungkalin mo man ang lupaing ito upang tamnan, hindi ka mag-aani; wala kang matatahanan at magiging lagalag ka sa daigdig.”
Aral: Ang Aborsyon ay isang uri ng pagpatay sa kapatid, at siyang dahilan kung bakit sinusumpa ng Panginoon ang lupain o tahanan;siyang dahilan kung bakit walang bunga ang anumang pagsisikap.