Monday, April 17, 2017

Relasyon sa kapwa tao ang magliligtas

Paano ka makikipag relasyon sa Diyos na hindi mo nga nakita at nakikilala.

Diyan papasok ang role ng relihiyon. Ituturo nito kung ano at sino ang Diyos. AT kung ano at paano mo makakaniig o paano ka makakaratign sa pag unawa sa Diyos. At ano ang magiging turing mo sa kanya.

Kung ang turo ng relihiyon tungkol sa Diyos ay isang Diyos na MAPAGPARUSA, DIYOS NA MALUPIT, DIYOS NA KATITING MONG PAGKAKASALA AY PARURUSAHAN KA NA - anong relasyon kaya meron diyan - takutan at pagkatakot na pananampalataya.

Pero kugn ang turo ng relihiyon ang Diyos ay isang AMA, mapagmahal na AMA at INA o magulang; maunawaing magulang - magkakaroon ka ng magandang relasyon sa Diyos.

Ang makakapagligtas sa tao mga kapatid ay relasyon nga, tama, pero hindi relasyon mo sa Diyos dahil di mo siya nakikita - ang relasyong makakapagligtas sa tao ay ang RELASYON NYA SA KAPWA TAO.

Sa kwento, PANGINOON KAILANGAN KITA NAKITANG NAGUGUTOM, NAUUHAW, MAY SAKIT O NAKABILANGGO?

ANOMAN ANG GAWIN MO SA KAPWA MO AY SA AKIN MO GINAWA - LUMAYAS KA SA AKING HARAPAN, dahil ako ay gutom, uhaw, walang damit, maysakit, nakabilanggo ay di mo ako dinalaw, di mo ako pinainom, di mo ako pinakain, di mo ako binihisan....

SO- RELASYON SA KAPWA TAO ANG MAGLILIGTAS SA KANYA,. Straight and simple