Sunday, April 16, 2017

DIYOS LANG ANG MAY KARAPATANG MAGPARUSA.

Diyan kayo nagkakamali sa paniniwalang Dios lang may karapatan, ipagpalagay na Diyos lang may karapatan pero walang magagawa ang tao kung walang pahintulot ng Diyos. At kung wala mang pahintulot still may nagagawa ang tao laban sa kanyang kapwa.
Totoo ang nakasulat sa Bibliya, MAS MARUNONG ANG ANAK NG KADILIMAN KAYSA MGA ANAK NG LIWANAG.
Biktima ang mga anak ng liwanag dahil sa kakulangan ng kaalaman sa kung ano mayroon sila at kung paano gamitin ang mayroon sila.
Mas umuunlad sa lupa ang anak ng kadiliman kaysa anak ng liwanag dahil ang pananampalataya ng mga anak ng liwanag ay hanggang pananampalataya lamang. Mga kalapati at tupang anytime pwedeng katayin at patayin - nalimutan ang habilin ng P. Hesukristo - MAGING SERPYENTE DIN NAMAN KAYO HINDI LAMANG KALAPATI.
Kababaan ng loob na okay lang tapakan ang ulo at duran sa mukha dahil iyon daw ang pag-ibig at kababaan ng loob - Kung gayon paniniwala ninyo ay wala ngang gamot diyan.
MAghintay na lamang isang araw, wala nang matitira sa inyo at huwag sasama ang loob kung ang nasa inyo ay kuhanin.
Mali kayo ng pagkaalam at unawa sa salitang Pag-ibig at Kababaan ng loob.
Ang P. HEsukristo ay pag ibig ay kababaan sa harap ng kanyang AMA hindi sa harap ni Satanas - MAGKAIBA YAN. Ang mga anak ng Babae at mga alagad ng Kristo ay binigyan ng kapangyarihang yurakan ang ulo ng ahas hindi ang magpakumbaba sa ahas at makipag ibigan sa ahas -
MALING MALI KAYO sa inyong pagkaunawa ng kasulatan at sa pag unawa sa salitang PAGIBIG AT KABABAANG LOOB.