Friday, December 23, 2011

CONTRA HATOR Ikaapat na Bahagi: WALA NANG IBANG GAGAMITIN.

CONTRA HATOR SERIES


AMP,

Narito mga kapatid ang ilang larawan na nagpapakita at nagpapatunay na totoo na walang ibang gagamitin na ang MAHAL NA INGKONG bukod sa ALAM NA NANG LAHAT NA GINAGAMIT NA BUHAY AT KASAMA PA NATIN ANG BANAL NA LUKLUKAN - WALANG IBA KUNDI ANG BANAL NA PATRIYARKA.

Winika ng Mahal na Ingkong sa bibig mismo ng Banal na Luklukan na wala nang ibang gagamitin at iyan ay di natin pinasisinungalingan o pinasusubalian dahil bukod sa Kanya at sa Patriyarka wala nang iba pang ginagamit ang Mahal na Ingkong. Mahirap ba iyong unawain?

Di baga natin nauunawa na kaya nga ang tawag sa Sta Maria Virginia ay BANAL NA LUKLUKAN dahil siya ay LUKLUKAN at si Apo Juan naman ay BANAL NA PATRIYARKA. Iisa lang ang LUKLUKAN ng  Mahal na Ingkong iyan ay walang iba kundi ang Sta Maria Virginia, Iisa din lamang ang kanyang PATRIYARKA iyan ay walang iba kundi si Dr Juan Florentino. MAYROON PA BANG IBA?

Dito sa unang larawan, sino ang nakatayo, ang Mahal na Ingkong ba o ang Patriyarka?

Dito sa ikalawang larawan, sino ang nakatayo at nakaharap sa tao? Mahal na Ingkong ba o ang Patriyarka? Nasa harapan ng Mahal na Ingkong ang mga Apostoles, mga kapariang OMHS. Nariyan ding nakaluhod ang mga tumalikod ng taong 2006 at nagsipagtayo ng sariling kanila. Ngayon, ginagamit ba ng Mahal na Ingkong ang Patriyarka noon o hindi? Buhay pa at kasama natin ang Banal na Luklukan? Totoo po ba o hindi?  Tinanong ba sila ng Mahal na Ingkong na noon ay nasa Sta Maria Virginia kung Dapat ba o Hindi gamitin si Apo Juan o ang Patriyarka? TINANONG BA SILA, SINANGGUNI BA SILA? KANINONG KALOOBAN ANG DAPAT NA MASUNOD?


Mayroon ba isa man sa mga tumalikod ang kahit isang beses ay pinag suot ng Mahal na Ingkong ng damit ng Nazareno at pinagpasan ng krus NI MINSAN? Magkaiba ang PASAN NG KRUS sa BUHAT ng Krus. Dalawa lamang ang NAGPASAN NG KRUS, ang Sta Maria Virginia at ang Patriyarka at matapos nila sa bandang huli lahat ay nagbubuhat na lamang ng krus - mga kaparian, mga apostoles, mga alas, mga baston atbp.

WALA NANG GAGAMITIN BUKOD SA ALAM NA NANG LAHAT NA GINAGAMIT NA IYAN AY DALAWANG TAO LAMANG, UNA AY ANG STA MARIA VIRGINIA, IKALAWA AY ANG PATRIYARKA? WALA NANG IBA.




Sa mga nakaluhod at kasunod ng Mahal na Ingkong nariyan ang mga tumalikod noong 2006? Mga nakasuot ng sagradong vestment ng ACC-OMHS. Ngayon ito ay hindi na nila suot? Nasaan ang kanilang mga sagradong vestment na binendisyunan ng Mahal na Ingkong sa katauhan ng Sta Maria Virginia? Sino ang kusang loob na tumalikod at naghubad ng karangalang iyon? At kung sila ngayon ay may kasuotang hindi ACC-OMHS sino ang nagsuot sa kanila niyon? Mahal na Ingkong o ang Sta Maria Virginia ba? Sino ang tumalikod, sino ang hindi nanatili, sino ang nang-iwan, sino ang humiwalay?






Kilalanin ninyo mabuti ang mga nasa larawan kung sino sino? Ang pangyayari ba noong 2006 hanggang ngayon ay paris ng pangyayari nang hulihin ang P.Hesukristo ng mga sundalong Romano sa pangunguna ni Judas Iscariote kasama ng mga punong pari, na kung saan ang mga apostoles na lahat ay nagsipanakbuhan at iniwan mag-isa ang Kristo? Marahil ay hindi pareho, marahil ay pareho. Pareho kung matapos ang kanilang pag-iwan ay nagsipanumbalik sila at nag sisi at tinanggap sila ng Panginoon. Marahil ay hindi pareho dahil kung hanggang sa kanilang kamatayan ay nagmatigas sila at hindi nagbagong loob - mamamatay sila sa kanilang kasalanan.




Hindi madali ang maging isa ama o Patriyarka. Mainam pa ang mga Inhenyero, mga doktor, mga abogado may paaralan at pamantasan subalit ang maging isang ama ay higit pa sa mga nabanggit na karera o propesyon, at kahit na higit pa sa mga iyan, ito ang gampanin na walang paaralan, walang pamantasan para makapagsanay. Walang sinoman ang nakapamili ng magiging ama? Walang taong isinilang ang bago ipanganak ay namili ng kanyang magiging magulang. Kung ito man ay maari na tayo ay makapamili marahil wala nang taong ipapanganak sa mundo sapagkat sinong ama at magulang ang perpekto at bubuo ng lahat ng iyong inaasam?

Di baga kaya nga isinama ng Diyos sa Sampung Utos ang "Mahalin at igalang ang inyong Ina at Ama." at ito ang kautusan na agad na may pangakong pagpapala. Igalang at mahalin hindi hatulan at pag-aralan. Ang magulang ay hindi pinag aaralan sila ay  minamahal. Di baga iniuutos at kasabihan ng matatanda nang una na ang mga magulang ay ang pangalawang diyos ng tao sa lupa? Alisin mo ang kautusang iyan, sino ang diyos mo ngayon - di baga ang iyong sariling kalooban?



Ang pagkadapa ay bahagi ng buhay ng isang tinatakan, bahagi ng buhay ng isang binyagan. Inihalimbawa ng Mahal na Ingkong ang isa pang bahagi ng ating buhay tinatakan - ANG PAGBANGON MATAPOS ANG PAGKADAPA. Ang isang tao pag nadapa ang kanyang mukha ay sa lupa nakaharap, dumi ang nakikita ng kanyang mata, lupa o dumi ang kanyang naamoy o nalalanghap. Kung mananatili siya sa gayong posisyon at di niya itataas ang kanyang mga mata sa langit, sa mas mataas sa lupa, sa mas mataas sa kanyang pinagkadapaan - may lulungkot pa ba? Ang dumi ay nariyan, ang baho ay nariyan subalit nariyan din naman ang maganda at malinis. Di baga maaaring sa marumi at malinis kunin mo ang malinis at iwaksi ang marumi? Di baga maaari na tanggapin mo ang maganda at iwasan mo ang pangit? Di baga maaari na sa daming pagkain na nakahain ay iyong masarap na at malusog ang iyong kunin at huwag na ang bulok at sira?



"Mga anak, ilagay nyo sa krus na ito ang inyong mga kasalanan at papasanin ko para sa inyo." - Mahal na INGKONG


Bukod sa sagradong kasuotan ng kapariang ACC-OMHS mayron ba kayong nakikita pang ibang kasuotang pari na nariyan? Mayroon pa bang iba? Ngayon, anong kasuotan, sinong may tanda at kapangyarihan at mandato ang inyong sinusundan? Kilala kaya ng Mahal na Ingkong at ng Sta Maria Virginia ang inyong mga pinuno at mga kaparian? Napag isipan mo ba ito?


Ang pagpapasan ng Krus ay iba sa pagbubuhat ng Krus. Dalawa lamang sa kasaysayan ng mga tinatakan ang kinikilala ng Mahal na Ingkong at may pahintulot niya at ng Banal na Luklukan na magpasan ng krus - ang Sta Maria Virginia at ang Banal na Patriyarka - wala nang iba. Ang larawan sa itaas ay pagbubuhat ng krus at hindi pagpapasan ng krus.


Pag-nilayang nyong mainam mga kapatid, suriin ninyong mabuti. Timbangin ninyong mainam. Dumalangin kayo sa MNI sa alas-dose ng gabi, magnilay kayo, tanungin ninyo siya, ialis ninyo sa inyo ang paghatol at isantabi nyo muna ang mga galit ninyo na hindi kayo ang naglagay sa inyong dibdib kundi ang mga tumalikod sa MNI, sa Simbahan niya, at sa Patriyarka - habang may panahon pa at kasama natin ang Patriyarka.


AMEN



Thursday, December 22, 2011

Mga Pagpapakilala ng Patriyarka sa MNI at sa kanyang Simbahang ACC sa mga tao



INTERFAITH PEACE BLESSING FESTIVAL 2013
(A Celebration to Renew Marriages and Families)

Venue:SMART ARANETA COLISEUM
Date: January 12, 2013
Attended by more 10,000 Couples being blessed by different Religious Leaders / Representatives from Philippines, India, Malaysia, Thailand, South Korea, Indonesia. This very Momentous PEACE Blessing to more than 10,000 couples is lead by our Beloved PATRIARCH, HIS HOLINESS, +DR. JOHN FLORENTINE L. TERUEL. P.P.,PhD.


MABUHAY ANG ATING MAHAL NA PATRIARKA!!!
MABUHAY ANG APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH!!
MABUHAY ANG ATING MAHAL NA INGKONG!!!
This International Leadership Conference promotes Ecumenism for WORLD PEACE which was attended by different religious leaders both from Christian & Non-Christian Faith in whole Asia. Those Religious Leaders are from: Apostolic Catholic Church, Roman Catholic Church, United Methodist Church, Unification Church, Islam, Buddhism, Hinduism, Sikhism and other Local & International Christian & Protestant Churches


From Monsignor Juan Arnaldo, omhs FB photos








































































INTERNATIONAL PEACE LEADERSHIP
JANUARY 2013
TANAY RIZAL PHILIPPINES























































































































--------------END OF INTERNATIONAL PEACE LEADERSHIP PHOTOS-------------