TANONG: Pag sinabi pong Diyos ang Ama at Si Kristo panu po ang paliwanag na isa lang ang Diyos??
ANG AMA na hindi nakikita wala pang nakakita walang kamatayan at Pinakamataas sa lahat ang IISANG DIYOS, mula sa kanya ay namutawi ang SALITA, iyon ang naging ANAK o CRISTO. Masdan mo ang Araw kung nasa tabing dagat ka. IISA ANG ARAW pero pag tumingin ka sa tubig makikita mo ang reflection ng araw. Pag tinanong ka ano nakikita mo sa tubig sasabihin mo nakikita ko ang araw, pero ang katotohanan ang nakikita mo ay ang imahe, reflection, larawan. Gayon ang Cristo sa kanyang relasyon sa AMA, kaya sinabi niya na ang nakakita sa akin nakakita sa AMA.
Ang Cristo ay ang larawan ng Hindi nakikitang Diyos. Siya ang karunongan at at kapangyarihan ng Diyos. So ang AmA ay Diyos ang Anak ay Panginoon at dahil sa Siya ay manipestasyon ng Diyos kaya kinilala ding Diyos, subalit nagpapatotoo ang kasulatan na Higit na dakila ang Ama.
Ilan ngayon ang DIYOS (ARAW)? Di ba isa lang, pero ang sinag at liwanag ng araw makikita mo sa lahat ng kanyang nasisinagan.
1. IISA ANG DIYOS, IISA ANG PANGINOON.
2. HIGIT NA DAKILA ANG AMA KAYSA ANAK. ANG LAHAT AY IPINAGKATIWALA NG AMA SA ANAK, SA LANGIT AT SA LUPA.
3. ANG ANAK ANG LARAWAN NG AMA. WALANG MAKAKARATING SA AMA NG DI DARAAN SA ANAK.
4. ANG BUONG KADIYOSAN NG AMA AY SUMASA-ANAK.
5. ANG ANAK ANG TUNAY NA DIYOS NG SANLIBUTAN AT NG TAO. SIYA ANG PUMANAOG SA SILONG NG LANGIT. HINDI KAILANMAN PUMANAOG ANG AMA. KAPARIS NG ANALOGY SA ARAW. HINDI ANG ARAW ANG BUMABA SA LUPA KUNDI ANG KANYANG REFLECTION, ANG KANYANG LIWANAG, ANG KANYANG SINAG. KAYA SA BIBLIYA SINASABI - ANG DIYOS (AMA) AY ISANG MAPAMUGNAW NA APOY.
DAKILA ANG AMA SA LAHAT
2. HIGIT NA DAKILA ANG AMA KAYSA ANAK. ANG LAHAT AY IPINAGKATIWALA NG AMA SA ANAK, SA LANGIT AT SA LUPA.
3. ANG ANAK ANG LARAWAN NG AMA. WALANG MAKAKARATING SA AMA NG DI DARAAN SA ANAK.
4. ANG BUONG KADIYOSAN NG AMA AY SUMASA-ANAK.
5. ANG ANAK ANG TUNAY NA DIYOS NG SANLIBUTAN AT NG TAO. SIYA ANG PUMANAOG SA SILONG NG LANGIT. HINDI KAILANMAN PUMANAOG ANG AMA. KAPARIS NG ANALOGY SA ARAW. HINDI ANG ARAW ANG BUMABA SA LUPA KUNDI ANG KANYANG REFLECTION, ANG KANYANG LIWANAG, ANG KANYANG SINAG. KAYA SA BIBLIYA SINASABI - ANG DIYOS (AMA) AY ISANG MAPAMUGNAW NA APOY.
DAKILA ANG AMA SA LAHAT
Ang AMA ay DAKILA kaysa sa ANAK, meaning, ang AMA ay ang MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT, SA LANGIT AT SA LUPA. Pumapailalim sa AMA ang ANAK.
Ang AMA ay NAUNA SA ANAK (sa aspeto ng panahon o time dahil ang mga pangyayari ay nagaganap sa labas ng panahon, outside of time - meaning ETERNITY)
Nang ilabas o isilang ng AMA ang ANAK sa pamamagitan ng pagbukas ng bibig, ang tunog o boses na nadinig ay ang SALITA, ang SALITA ay ang ANAK. Ang SALITA at ang ANAK ay IISA AT PAREHO.
Ang SALITA (ANAK) ay larawan ng kung ano ang AMA, larawan in as sense na ito ay PUNO NG KARUNONGAN AT KAPANGYARIHAN. Ang ANAK ang reflection o imahe ng hindi nakikitang AMA, dahil ang AMA ay TINIG at ang diwa ng TINIG ay ang SALITA.
Nakapaloob sa ANAK ang buong hangarin at pagnanasa ng AMA at sa pamamagitan ng SALITA( ANAK) ang mga hangarin ng AMA ay nagawa at nalikha. Unang nilkha ang PANAHON sa pagkakaroon ng paghahati ng liwanag at dilim.
Kaya nga sinasabi na ang ANAK AY NAROON NA BAGO PA NAGSIMULA ANG PANAHON.
Ang ANAK ang pumasok sa loob ng mga panahon, meaning, SIYA ang DIYOS NG MGA PANAHON. Sa pagpasok NIYA sa panahon, ginawa niya ang lahat ng nakikita at SIYA ANG AMA ng mga ito, at ang INA ay kanyang reflection - ang MUNDO o INANG KALIKASAN.
Ang AMA ng lumang tipan ay walang iba kundi ang ANAK, Nang pumasok na lamang ang ANAK sa katawang tao na naipakilala sa tao na mayroon siyang AMA, ang AMA na hindi pumasok sa panahon at hindi pumanaog sa lupa at walang nakakakilala kundi SIYA lamang. Kaya niya winika WALANG MAKAKAPAROON SA AMA KUNDI DARAAN SA AKIN.
Nang winika niya sa mga Hudyo na ang AMA ninyong tinatawag na AMA ni Abraham, Isaac at ni Jacob AY AKO NGA, at mamatay kayo sa inyong mga kasalanan kung di kayo sumampalatayang AKO AY SI AKO NGA.
At ang SALITA AY NAGKATAWANG TAO- meaning nagbihis ng laman at ng buto, nag anyong tao sa katauhan ng P. YESHUA. Dito ay mayroong hiwaga at aral, ang P. YESHUA ay TAONG TOTOO at siya ay anak ng DIYOS NA SALITA.
May pagkakataon na ang taong si Yeshua ay nakikipagniig at nakikipag isa sa DIYOS NA SALITA, na wari bagang sila ay dalawang magkahiwalay na BUHAY. Pumasok sa taong si Yeshua ang buong kapangyarihan, bagsik at karangalan ng DIYOS NA SALITA noong binyag ni JUAN, at para naman maganap ang kanyang SAKRIPISYO, humiwalay sa taong si Yeshua ang DIYOS NA SALITA dahil kung hindi ay walang sinoman ang makakapanakit o makakasugat sa P. Yeshua.
Kung kaya nga doon sa krus ng kalbaryo, habang nakabayubay ang P.Yeshua siya ay nagsabi ng DIYOS KO BAKIT MO AKO PINABAYAAN! At ang DIYOS NA SALITA din ang AMA niyang tinawag na SA MGA KAMAY MO ITINATAGUBILIN KO ANG AKING KALULUWA.
At nang ikatlong araw nga, ang DIYOS NA SALITA ay muling pumasok sa katawan ng P. YEshua at ito ay binuhay Niya na mag-uli - kaya wika ng mga Apostoles, ITONG SI YESHUA NA BINUHAY NG DIYOS AY GINAWANG CRISTO alalaon baga ay TAGAPAGLIGTAS...GAWA 2:1-47
Ngayon, kung tutuloy tayo sa Apocalipsis, may dalawang pigura kayong mababasa, ang isang tulad ng ANAK ng TAO na namatay pero muling nabuhay na may pitong kandelabrong ginto, yaon ay ang P. YESHUA ang MASHIACH. APOCALIPSIS 1:20
At mayroon naman na isang katulad din ng tao pero nakasakay sa kabayo at sa kanyang katawan ay nakasulat kung sino siya, ANG VERBO NG DIYOS (SALITA NG DIYOS). APOCALIPSIS 19:13