Sa pag aaral ng mga letra o titik ng orihinal na Aleph beth ng Hebreo maraming bagay ang higit na mauunawaan sa tamang kahulugan ng mga salita sa Banal na Kasulatan.
Isa na dito ang pag-unawa sa kahulugan ng pangalan ng isang tao o ng Diyos man, at matutuklasan din ang kaganapan o misyon ng nasabing tao, ang bisa at kapangyarihan ng pangalan ng Diyos o anomang salita.
Nasusulat sa Juan 1:1 ang mga katagang "Sa pasimula ay naroon na ang SALITA, ang SALITA ay sumasa Diyos at ang SALITA AY DIYOS!
Bago naging salita ang salita, ito ay hiwa hiwalay na letra o titik. Ang bawat titik sa orhinal na Hebreo ay may kahulugan, na ang pagsasama sama ng mga titik ay nangangahulugan ng pagsasama sama ng mga kahulugan ng bawat titik para makabuo ng isang bagong kahulugan at diwa.
Ang isang SALITA ay binubuo ng maraming titik na kumakatawan sa isang diwa o kahulugan.
Ang SALITA AY DIYOS sapagkat ang lahat ng bagay sa mundo at sa sanlibutan ay ginawa at nangyari ng BIGKASIN NG DIYOS ang mga SALITA na kumakatawan sa mga bagay na nagsilitaw. Walang bagay na nangyari ang hindi sinalita o binigkas ng Diyos ang kaukulang titik dito.
Ang P. Yeshua ay ang ALEPH at ang TAU; meaning, ang lahat ng titik ng buong aleph beth ng Hebreo ay siya at kanya. Siya ang pasimula, siya ang mga nasa gitna, at hanggang sa huling titik , ang Tau ay Siya.
Sa karunongan ng P. YEshua sa mga kahulugan at kapangyarihan ng bawat titik ng Aleph Beth siya hinangaan ng mga pantas ng kasulatan noong siya ay 12 taon gulang pa lamang doon sa templo ng Herusalem. Ito iyong tagpo na hinahanap siya ng kanyang inang Birhen at San Jose.
Sa ilang posts dito sa blog, binanggit at hinayag ko ang tungkol sa kahulugan ng pangalang INGKONG gamit ang Aleph Bet at makikita ninyong makatotohanan ang mga kahulugan sa kung ano ang nagaganap talaga sa panahong ito.
Isang napakayamang aralin ang karunongang ito at isang napakagandang bagay din lalo at mauunawaan.