Sunday, April 16, 2017

HINDI LAHAT NG TUMATAWAG!

"Hindi lahat ng tumatawag sa akin Panginoon Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit!"
Sino daw ang hindi makakapasok? Ituloy ang pagbasa.
"Lumayo kayo mga mapag gawa ng kabuktutan at mapasa apoy kayong walang hanggan!"
So, ang hindi pala makakapasok ay iyong gumagawa ng kabuktutan.
Bakit? Dahil nalapastangan nila ang pangalan ng Diyos, ginamit nila sa hindi tama at patuloy nilang nilalabag ang isa o marami sa kautusan ng Diyos.
Ang mga kabuktutan na hindi magpapasok sa kaharian ng Diyos ay nasusulat sa Apocalipsis.
Ano ang mga ito?
Pagsamba sa diyos diyosan
Pangkukulam
Panggagaway
Hindi pagsampalataya sa Anak ng Diyos
Pakikiapid
Mga karumal dumal na gawain na ipinagbabawal ng kasulatan