Sunday, September 12, 2021

Tunay na Kaligtasan

 ALIGTASAN!

Ang kaligtasang tinutukoy sa Bibliya at maging sa paniniwala at tradisyon ng mga Israelita ay kaligtasang pangkalahatan hindi kaluluwa/espiritu lamang.
Ang tunay na kaligtasan ay kaligtasan sa buhay na ito at sa kabila. Kaligtasan mula sa anoman at lahat ng nakasasakit ng katawan at hindi lamang ng espiritu. Kaligtasan mula sa pagkagutom, sa pagka-uhaw, sa sakit, sa biglaang kamatayan o tinatawag na unprovided death.
Ano ba ang mga nakasasakit ng katawang lupa, nariyan ang patalim, ang baril, mga pamalo at iba pang kasangkapan o gamit na makasasakit at makapapatay sa tao. Nariyan din ang lason, kamandag na gawa ng hayop o ng tao.
Nariyan din ang mga gawa ng espiritu/kaluluwa ng buhay at patay, ng iba pang mamamayan ng spiritwal na dimensyon katulad ng mga engcanto at kaluluwang biktima ng krimen na pagala gala pa din at humahanap ng katarungan. Nariyan ang mga manggagaway, mangkukulam, mambabarang atbp.
Malaya ang sinomang maniwala at hindi sa mga ito pero ang katotohanan ng mga pangyayaring ito ay hindi maikakaila dahil maging ang Bibliya ay nagsasabi na layuan ang mga gawaing pangkukulam at iba pang katulad nito sapagkat ito ay labag sa aral ng liwanag at ebanghelyo. Labag sapagkat galit, poot, at inggit ang mga motibasyon ng tao para isagawa ang kulam, barang atbp.
Sa mga katulad nitong kasamaan sa mundo ano ang kailangan ng isang tao para makaligtas o makapag ingat at maingatan para hindi siya maapektuhan o maging biktima?
Nagtanong ako minsan sa isang pastor kung paano ako makakaligtas sagot niya ay kailangan ko tanggapin sa buhay ko bilang personal na tagapagligtas si Cristo at ako ay makakaligtas. At sa pari naman ang sagot kailangan ako ay maging mabuting katoliko, ganapin ang sakramento, magsimba at tumulong sa simbahan,magkumpisal kung may kasalanan. Lahat ng ito ay tama pero mahabang proseso. Paano kung ako ay harangin ng masamang loob, pagnakawan at akmang papatayin bukod sa pagtakbo ano ang paraan ko para makaligtas? Paano halimbawa ang isang dalaga na hinarang para gahasain paano siya makakaligtas? Kung sa prosesong sinabi ng pastor at ng pari - mahaba at matagal, kailangan ng kaligtasan ora mismo hindi ba?
Wala bang kakayahan ang Diyos na iligtas ka sa pisikal na panganib? Wala bang kakayahan ang Diyos na ingatan ka at ipagtanggol sa pisikal na panganib?
Ang garantiya ng Bibliya ay ito "Sinomang tumawag sa PANGALAN NG PANGINOON ay maliligtas." Roma 10:13
Sinoman - ibig sabihin ay lahat, makasalanan o banal, babae o lalaki, matanda man o bata, layko o pari o pastor - LAHAT means SINOMAN na tatawag sa PANGALAN NG PANGINOON ay maliligtas.
Ang salitang MALILIGTAS ay nangangahulugan na anoman ang kalagayan, pisikal at spiritwal basta tumawag ang tao sa Panginoon siya ay ililigtas - kung paano ay Diyos na ang nakaka alam.
Huwag nating sabihin na ito ay spiritwal na kaligtasan sapagkat magiging sinungaling ang sinasaad sa Psalmo 91
-----------------------------------------------------------------------------------
Ang sabi ng Diyos, "Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.
15 KAPAG SILA'Y TUMAWAG, laging handa ako na sila'y pakinggan,
aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan;
aking ililigtas at ang bawat ISA ay pararangalan.
16 Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay,
at nakakatiyak, tatamuhin nila aking KALIGTASAN!"
-----------------------------------------------------------------------------------
Ang tinutukoy na kaligtasan ay pisikal at materyal na kaligtasan [hindi lamang spiritwal]. Ang paghati ng Diyos ng dagat na pula para makatakas ang mga Israelita mula sa Ehipciong humahabol ay pisikal na dagat at hindi spiritwal.
Hindi ba o wala bang kakayahan ang Diyos na mailigtas ka sa pisikal at materyal na kapahamakan at sa spiritwal lamang siya may lakas at kakayahan? May pahintulot ba siya sa masamang espiritu na manalasa at pumatay ng tao at walang pahintulot ang kanyang mabubuting anghel at banal na magtanggol sa kanyang mga anak. Biktima ba lamang ang mga tao ng kapwa taong may sanib ng demonyo? Biktima ba lamang ang tinuturing niyang anak sa kamay ng mga may sapi ng demonyo? May Ama at magulang ba na igagapos ang mga bantay para malaya ang mga masasamang tao na puksain ang kanyang mga anak?
God never allow the Egyptians to touch and hurt any of the Israelite physically. The same God will save and keep you only if you know how to call Him and if you know His name!
Kung ang Diyos ay SIYA noon, ngayon, at magpakaylanman, hindi nagbabago, kung nakapagligtas siya noon, makapagliligtas siya ngayon, maililigtas ka niya kung tatawag ka sa kanya, at maililigtas ka niya anomang oras saan man.