Sa akin ay lumapit ang lahat ng nabibigatan at nahihirapan, ang aking pasanin at pamatok ay magaan..wika ng Cristo. Ang aral niya ay magaan at ang alok niya ay kagaanan at ginhawa sa ating buhay. Sapagkat tanging ang pinaka importante lamang at pinaka kailangan sa buhay na ito at sa kabila ang kanyang dala at hatid sa ating buhay.
Karaniwan tayong tao ang nagpapabigat sa ating pasanin. Maaring tayo mismo ang naglagay sa ating sarili o kaya naman ay pumayag tayo sa ibang tao na ipatong ito sa ating balikat. Maraming klase ang pasanin maraming uri ang pwedeng magpabigat at pahirap sa atin. Subalit katulad ng wika ng Cristo ang pasanin niya ay magaan at nagpapagaan hindi nagpapabigat at hindi dagdag na bigat.
Dahil ang simbahan ang kumakatawan sa Cristo sa sanlibutan tama lamang na ang espiritu at mensahe ng kanyang aral na makapagdulot ng gaan at ginhawa sa tao ang inaasahan at nararapat na makita madama marinig at malasahan ng tao.
Kabi kabila na ang problema at suliranin at maraming pinagmumulan ang mga nagpapahirap sa kalooban isipan at kabuhayan ng tao. Ang simbahan ay inaasahang maging bahagi sa magpapagaan at makapagdudulot ng.ginhawa at hindi panibago at dagdag na kabigatan at pasanin ng naghihirap na ngang sangkatauhan.
Ang manampalataya ay isang bagay ang maging matalino at mapag suri ay isang bagay din naman. Nasusulat sa ebanghelyo at sa kasaysayan ng estratehiya ng mga bansa at kaharian na sinoman na naghahangad makipag digma sa ibang kaharian ay dapat mag imbentaryo ng kanyang armas at sundalo. Sapagkat mainam na malaman kung ilan sundalo mo at armas na isasabak mo sa sundalo at armas ng kalaban. Hindi katapangan na isabak mo ang sanlibong sundalo mo at limitadong armas sa sampung libo na may magandang armas. Iyan ay pagpapatiwakal at kahangalan hindi katapangan. Fight another day when you are able.
O sinong tao kaya ang gustong magpatayo ng bahay ang di muna kalkulahin magkano ang perang hawak at kung magkano ang magagastos sa ipapagawa niyang bahay. Kung simulan at di maipatapos ay pagtawanan siya ng ibang tao.
Ang mga katulad nitong paghahangad ng walang lubos na kabatiran at pagsugba sa ambisyon ang dalawa sa mga nagpapabigat at pahirap sa tao. Ipinapasan natin sa ating sarili ang mabigat na pasan gayong mayroon alternatibo na inaalok ang Panginoon. Ang alok niya ay magaan na pasanin at ating unawain kung alin ang mas mahalaga sa ating buhay.
Mas mahalaga ang kalusugan kaysa magandang damit
Mas mahalaga ang kakayahan maglakad kaysa mamahaling sapatos
Mas mahalaga na buo ang pamilya kaysa sa magarang bahay
Mas mahalaga ang isda at gulay na masayang kinakain kaysa pyestahang malungkot at may kagalitan
Mas mahalaga ang tao kaysa sa kanyang ari arian
Mas mahalaga ang unawaan at pagtatangapan kaysa magtakwilan at sumpaan
Ang tunay na magulang isusubo na lang ibibigay pa sa anak. Ang tunay na simbahan ay nagdudulot ng gaan at inspirasyon hindi panibagong pasanin at bigat sa gumagapang nang bayan. Ang tunay na simbahan nauunawaan at ipinapadama sa bayan ang pi nakamahalaga lamang sa buhay. Ang idangal ang Diyos sa kanyang makatuwiran (JUSTICE) makatotohanan( TRUTH),makatao (HUMANE) at maawain (MERCY) at kapatiran (COMMUNITY) na pakikitungo at interaction sa tao at daigdig.
Ang karangalan ng simbahan ay wala sa magagarang gusali at mamahalin na ari arian, bagaman iyan ay kailangan din naman pero hindi iyan ang pinakamahalaga at minamahalaga ng Diyos kundi ang tao. Tao ang pinakamahalaga at importante sa Diyos. Tao ang sentro at hantungan ng pagpapaunlad at pagliligtas. Aanhin mo ang gusali kung wala namang tao na gagamit nito.
Sikapin nating makapagdulot tayo ng ginhawa at kagaanan sa ating kapwa hindi nang panibagong pasan at bigat sa kanila.