ANG PUNO NG BUHAY
Sa paraiso ng Eden, may dalawang punong kahoy na bukod tangi sa ibang punong kahoy. Ito ay ang PUNO NG KAALAMAN NG MASAMA AT MABUTI at ang PUNO NG BUHAY.
Ipinagbabawal ng Diyos sa unang mag asawa na pumitas at kumain ng bunga ng mga nasabing puno, hindi dahil sa talagang bawal kundi ang katotohanan dito ay hindi pa napapanahon sa kanila. Ang bunga ng nasabing mga puno ay sadyang inilaan para sa tao subalit may tamang panahon para ito ay pitasin at kainin. Para maintindihan ang ibig kong sabihin, kaparis ng karne ay pagkain inilaan sa tao pero sa isang sanggol ay hindi pa panahon na kainin niya. Ang tamang pagkain sa kanyang gulang ay gatas at malambot na pagkain. Gayon din ang dahilan bakit ipinagbabawal sa kanila dahil hindi pa handa ang kanilang sarili para sa nasabing bunga.
At ang serpyente naman, likas na sa kanya ang mag pahayag ng mga bagay handa man o hindi ang nakikinig, kung baga, wala sa panahon, ay kanyang inakit (tinukso) ang babae na pumitas at tikman ang bunga ng PUNONG KAHOY, at ang nauna ngang pinitasan ay ang PUNO NG KAALAMAN NG MABUTI AT MASAMA.
Nagalit ang Diyos dahil hindi iyon ang programa o plano, hindi napapanahon ang pagpitas, napa aga at ito ay hindi maganda. Ang damage o ang atraso ay nagawa na, nariyan na, so para di na lumaki ang damage, at tutal alam na ng mag asawa ang tama at mali, sila ay pinalabas ng paraiso dahil ang siguradong iinteresin nila na pitasin kasunod ay ang BUNGA NG PUNONG KAHOY NG BUHAY o IMORTALIDAD.
Pag-usapan natin ang PUNONG KAHOY NG BUHAY o TREE OF LIFE sa English.
Makalipas ang panahon na palayasin ang mag-asawa sa paraiso, nagkaroon sila ng mga anak. Ang una ay si Cain at si Abel. Ayon sa istorya, pinatay ni Cain si Abel. At magpahanggang ngayon si Cain ay buhay at lumilibot sa sanlibutan at patuloy na pumapatay ng kanyang kapatid.
Ang ipinalit kay Abel ay si SET.
Nang ang nunong Adan ay maysakit, inutusan ni nunong Eba si SET na pumunta sa Paraiso at humingi ng gamot sa Diyos para sa kanyang asawa na may sakit. Pumaroon nga sa Paraiso si SET at siya naman ay pinapasok ng bantay na Kerubines sa loob.
Inilibot siya ni Anghel Gabriel sa paraiso, nalibang si SET sa pamamasyal sa paraiso hanggang sa sabihan siya ng anghel na umuwi na dahil patay na ang kanyang ama na si Adan.
Binigyan siya ng anghel ng isang binhi o buto at ang sabi, itanim mo iyan sa libingan sa gawing ulo o ulonan ng iyong ama. Iyan ang lunas ng iyong ama at ng sangkatauhan. Tinuruan din si Set ng anghel kung paano ililibing si Adan.
Umuwi na nga si Set at katulad ng sinabi ng anghel, patay na nga si Adan, ipinagluksa nila ito ng limang araw sa ika anim na araw ay inilibing at sa ikapitong araw o Sabbath, nagpahinga na sila at inihinto na ang pagluluksa.
Lumipas ang panahon, tumubo sa dakong iyon ang isang punong kahoy na tuwid o diretso, halos hindi nagkakasanga, magkasanga man ay natutuyo at napuputol din katagalan.
Noong panahon na nagpapatayo ang Haring Solomon ng templo, nangailangan ang mga karpintero ng gagawing hamba ng pinto ng templo. Natagpuan nila ang punong kahoy na diretso at sinabing sakto sa gagawing hamba. Sinukatan ang taas ng pinto at sinukatan ang kahoy. Labis ng isang metro kaya pinutol nila ang kahoy. Nang kanilang itayo ay kulang naman ng isang metro. Ang ipinagtataka pa ng mga karpintero, walang nahuhulog sa lupa na tatal o kusot mula sa paglalagare ng kahoy. Hindi nila nakikita na may anghel pala na sumasahod sa tatal at iniaakyat sa langit. Nahiwagaan ang mga karpintero kaya ang ginawa ay hindi na ginamit.
Nang matapos ang templo, dumalaw ang Reyna Seba, sa dadaanan ng REyna ay may tubig, marahil ay sapa, nakita ng mga tauhan ang kahoy at ginawang tulay na hahakbangan sana ng REyan para makatawid. Subalit hinarang siya ng Anghel at pinagbawalan, kaya hindi din nagamit ang kahoy. AT mula noon ito ay nagpa anod anod na lamang sa ilog ng Tiberias.
Muling natagpuan ang kahoy na iyon noong naghahanap ang mga sundalong Romano ng kahoy na mabigat na ipapapasan sa kay Yeshua. Dahil babad sa tubig ang kahoy kaya ito ay tiyak na mabigat. Yaon nga ang kahoy na ginamit na maging krus ng Mananakop. Ang punong kahoy na tumubo sa ulonan ni Nunong Adan.
Yaong kahoy na iyon ay walang iba kundi ang naging KRUS na pinag pakuan sa Cristo at muli itong itinayo sa ulonan ni Nunong Adan at mula sa krus, mula sa mga sugat ng kristo, dumaloy ang dugo pababa sa bungo ni Adan, dumaloy sa kanya ang kagamutan sa kanyang karamdaman - natikman niya ang ginhawa mula sa BUNGA NG PUNONG KAHOY NG BUHAY - ANG CRISTO.
Sa ebanghelyo winika ng Cristo - AKO ANG BUHAY AT ANG PAGKABUHAY, ANG SINOMANG SUMAMPALATAYA SA AKIN KAILANMAN AY HINDI MAMAMATAY, AT ANG MAMATAY NA SUMASAMPALATAYA AY MULI KONG BUBUHAYIN.
Sapagkat nga, ang Cristo ay ang BUHAY AT PAGKABUHAY, siya nang hindi pa nagkakatawang tao ay ang ANIMA SOLA o ang BUHAY NA BUMUBUHAY SA LAHAT NG MAY BUHAY.
Siya ang SALITA NG DIYOS at ang SALITA ay may HININGA, walang salitang lumabas sa bibig ng tao na hindi kasama ang HANGIN O HININGA, yaon ang Espiritu, yaon ng BUHAY, yaon ang ANIMA SOLA. Ang Buhay na nasa Hininga. Iba ang hangin, iba ang hininga, maaaring ang tao ay parehong mayroon nito pero walang buhay.
Sa ibang bahagi ng Ebanghelyo winika ng Adonay Yeshua ' SINOMANG KUMAIN NG AKING LAMAN AT UMINOM NG AKING DUGO AY MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN.
SAPAGKAT ANG AKING LAMAN AY TUNAY NA PAGKAIN AT ANG AKING DUGO AY TUNAY NA INUMIN.
Ang Krus ang Punong kahoy ng Buhay at ang bunga nito, ang CRISTO ay ang PAGKAIN AT BUNGA NG PUNO NA NAGBIBIGAY NG IMORTALIDAD.