Darating ang araw na ang mga tunay na mananamba sa Diyos (na Espiritu ) ay sasamba sa Kanya sa ESPIRITU AT KATOTOHANAN.
Paano ba ang pagsamba sa Espiritu at Katotohanan? Dahil ang Diyos o ang Elohim ay Espiritu o walang laman walang buto paano nga siya masasamba at mapaglilingkuran ng mortal na tao na ang mata tenga ilong bibig at balat ay naghahanap ng madadama para makaunawa ng bagay na espiritwal?
Sa mahabang panahon ang mga Israelita ay nangangapa sa mga aral ni nunong Moyses at mga Propeta. Na sa kabila ng mga kamangha manghang milagrong nakita ng kanilang mga ninuno ay hindi pa din sila umabot sa pagkaunawa at pagtupad sa tamang pagsamba sa Diyos.
Dala ng walang katapusang pagmamahal ng Diyos ipinadala ang kanyang Salita at naging taong.kaparis natin sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan. Sa mga pangaral ng P. Yeshua sinabi niya na ANOMAN ANG ATING GAWIN O HINDI GAWIN SA ATING KAPWA AY GINAWA NATIN O HINDI GINAWA SA KANYA. Na sa pqghuhukom tayo ay hahatulan hindi sa estado ng ating buhay, hindi sa kung naging mayaman ba tayo o mahirap, kung naging pari o madre ba tayo o makasalanan, hindi kung tayo ba ay naging master o doktor o engineer o negosyante, o tayo ba ay katoliko o hindi, kung tayo ba ay tinatakan o hindi, kung tayo ba ay member ng ganitong sekta o hindi...
Ang pagpasok sa langit ay KUNG ANO ANG GINAWA MO SA IYONG KAPWA TAO.
Marami sa atin at naging ugali ang mag alaga ng imahen ng santo o santa, binibihisan, inaayusan, pinapabanguhan, wala namang masama dito SUBALIT kung mas mahalaga sa atin ang mga ito kaysa aa pagdamay at paglilingkod sa buhay nating kapwa na nangangailngan ng awa at tulong NAGKAKAMALI TAYO ng intindi sa salitang paglilingkod. Ang Diyos ay hindi nananahan o tumitira sa bato at kahoy na gawa ng kamay ng tao ANG DIYOS AY NASA BAWAT TAO, NASA ATING KAPWA, NASA MAHIRAP AT MAHINA, NASA API AT DUKHA.
Abot natin ang kaligtasan kung aabutin natin ang ating kapwa tao. Sambahin ang Diyos na hindi nakikita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa tao na templo at tahanan ng Espiritu ng Diyos. Ang bawat at lahat ng tao ay tinatahanan ng Diyos na maylikha dito. Ang pagsamba sa Diyos ay hindi na mangyayari.lamang sa bundok o sa templo na gawa ng kamay ng tao. Ang bawat tao ay templo tahanan ng kanyang Espiritu, ito ang KATOTOHANAN na ang tunay na.pagsamba sa Diyos.Espiritu ay paglilingkod sa kapwa tao.
Ang buong sansinukob at kalikasan ay naghahayag ng kadakilaan ng Diyos, ang langit ay bubong ng kanyang dakilang templo, ang lupa ay tuntungan ng kanyang mga paa, ang hangin ay hininga niyang bumubuhaybsa ating lahat...anong templo o gusali kaya ang magagawa ng tao para maparangalan niya ang Diyos kung mayroon nang higit pa sa inaakala niya.
Ang tunay na pagka relihiyoso ay ang maawain at mapaglingkod sa mga biyuda, sa mga api at ulila, sa mga maysakit at mahina, sa mga sanggol at matatanda, sa mga walang wala at mga itinapon ng lipunan.
Ang tunay na pagsamba ay hindi nangangailangan ng maraming ritwal at bagay na ginawa ng tao kundi amg tunay na pagsamba sa Diyos ay sa Espiritu at Katotohanan at ito ay nasa kapwa tao.