Ang simbahan itinatag ng P. Yeshua ay may apat na palatandaan o pagkakakilanlan ito ay ISA BANAL KATOLIKA AT APOSTOLIKA. Itong apat na ito ay palatandaan at hindi pangalan. Ang ulo o Patriyarka at pundador ng Simbahan ay ang Cristo tayong lahat ay bahagi lamang ng katawang mistiko o espiritwal ni Cristo na bawat isa sa atin ay pinag uugnay at pinag iisa ng diwa ng PAG IBIG. Sapagkat nga sa PAG IBIG AT PAG IIBIGAN makikilala ng sanlibutan na tayo ay mga alagad nga at kaanib ng Simbahan ng Cristo.
Ang lahat ng Kristiyanong simbahan o sekta na itatayo ninomang tao ay hindi na maaaring maglagay pa ng iba pang pundasyon at bato maliban sa nakalagay na... ang Batong si Cristo. Ibig sabihin ma Orthodox o maka Kanlurang tradisyon para maging totoong simbahang Kristiyano ay dapat magtayo at pumundasyon sa Cristo at magkaroon ng ugnayan sa Apostolikong tradisyon hindi lamang sa sinasabing line of succession kundi higit sa lahat ay sa makatotohanang maka apostol na ugali galaw asal at paglilingkod. Ang mga apostol kailanman ay hindi nagsuot ng singsing o alahas o ng alinmang magarbong kasuotan mayroon ang mga pari at obispo ngayon,,ni ang Cristo ay di nagbihis ng paris man lang sa mga Pariseo at saserdote noong panahon na iyon.
Ang tunay na simbahan ay pumapalaot sa sangkatauhan para maglingkod hindi para paglingkuran. Ang mamigay ng walang bayad at makagaan sa mga nabibigatan at nahihirapan. Ginhawa at kalayaan ang hatid ni Cristo sa parehong diwa at tungkulin ang mga Apostol at mga pari ay dapat gayon din.
Ang pagiging Apostoliko at Katolikong Simbahan ay tanda at hindi lamang pangalan, higit sa rehistradong legal na pangalan ito ay tanda at katangian ng kanyanh pag iral at layunin. Ang Espiritu Santo ay ang kaluluwa at espiritu ng Simbahang Iisa Banal Katoliko at Apostoliko at siya ay hindi pag aari o nagsasarili sa hiwalay at bukod pang simbahan. Iisa lamang ang simbahan ng Santissima Trinidad ang marami at magkakaiba ay ang mga komunidad o pangkatin ng tao na pinaghiwa hiwalay ng kanya kanyang unawa paliwanag at doktrina. Nahahati ba ang katawan ni Cristo at nagkakanya kanya ba ang mga bahagi?
Ang Apostolic Catholic Church ay kaisa at hindi hiwalay sa iisa banal katoliko at apostolikong simbhan na tinatag ng Cristo alalaon baga para manatili itong katotohanan na simbahan ng Espiritu ni Cristo ito ay hindi hihiwalay manapa ay maging sanhi ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ng lahat ng tao sa diwa ng PAG IBIG at PAKIKIPAGKAPATIRAN.
Ang sinasabing.hindi magigiba ay ang simbahan na may katangian ng pagiging Apostoliko at Katoliko na isa dito ang ACC kasama ng iba pang simbahan sa East at sa West, hindi ito exclusibong pag aari at pangako ng iisang grupo o samahan ng tao. Ang bawat ginawa ng Diyos ay ginawa para manatili magpakaylanman.
Sa kasaysayan ng relihiyong Kristyano patuloy ang pagsasanga sanga at pamumunga sa ibat ibang kaparaanan.Ang simbahan ay naging isang napakalaki at napakayabong na punong kahoy na maraming sanga at malawak na ugat. Bagaman may ibat ibang tao ibat ibang wika ibat ibanh kultura lahat ng tao ay makakatagpo sa simbahan ng kanyang lugar para sumamba at maglingkod sa paraang malapit sa kanyang puso unawa at kaluluwa.
Ipakita natin ang pagiging totoong simbahan sa pagpapakita ng kabaitan ng Cristo at mapagsakripisyong paglilingkod ng mga Apostol sa sinomang tao kaaway man o kaibigan. Hindi maaring humiwalay ang simbahan sa sanlibutan sapagkat narito ang mga kaluluwa na kanyang ililigtas. Pumanaog na ang misyon sa kapatagan mula sa kabundukan upang dito ay matanim na ang simbahan. HIndi na kailangan ng panibagong kabundukan manapa ay kailangan ng pagpapanibagong puso at alab magmisyon. HiNdi bagong gusali kundi bagong kalipunan ng tao. Hindi panibagong altar na gawa sa kahoy at bato kundi pagpapanibagong turing at pakikitungo sa mga tao na templo at buhay na altar ng ating Panginoong Diyos.
Ang tunay na simbahan ay may pusong kaparis ni Cristo, mapagmahal, mapagmalasakit, maunawain,mapagbigay, higit sa lahat ay banal.