Ang kaisipan at kakayahang magsuri at magtanong ay biyayang kaloob ng Diyos at bahagi ng pagiging ganap na tao. Tanging ang malayang isip lamang ang makakapagtanong at makapagsusuri. Ang isipang gapos at bilanggo ay kumakain lamang sa kung anong kaalaman o kamangmangan na isusubo sa kanya at tinatanggap ng walang pagtutol man lamang. Walang kahigitan ang sinomang tao sa kanyang kapwa sapagkat nakapag aral man o hindi, mayaman man o dukha, karaniwang tao man o dakila lahat ay pare parehong ginawa sa wangis ng Diyos. Bihis at damit lamang ang maipagmamalaki niya na iiwan din naman at mabubulok sa lupa sa kamatayan.
Walang kabulohan ng mga walang kabulohan wika ng Mangangaral...lahat ay walang kabulohan