Ave Maria Purissima Sin Pecado Con Su Vida!
Makalipas ang maikling panahon magmula nang ipagsama ng Mahal na Ingkong sa kalangitan ang Banal na Luklukan, ang ating pinakamamahal na Mama Sta Maria Virginia, may ilang tinatakan, na sa matinding pangungulila at paghahanap ng ika-aaliw at pagkukunan ng lakas at katatagan, ang nakasumpong ng kublihan at kaaliwan sa paniniwalang ang kaluluwa at espiritu ng Sta Maria Virginia ay muling nag reincarnate at sa iba ay nag-resurrect.
REINCARNATION
Ang Reincarnation ay salitang Inglis mula sa prefix o unlaping 'RE' na ibig sabihin ay "MULI", "IN" na ang ibig sabihin ay "Sa loob", at "CARNATION mula sa salitang ugat na orihinal ng wikang Latin na "CARO o CARNE, CARNAL" na ang pakahulugan sa wikang Filipino ay Karne o Laman o katawang laman o pisikal. Alalaon baga ang salitang REINCARNATION sa talagang pakahulugan ay "NAGSAKATAWANG LUPA O NAGSA KARNENG MULI". Bakit po tinawag na nagsa-karne muli o nagsakatawang lupa sapagkat ang kanyang kalikasan bago ang pagsasakatawang lupa ay isang kaluluwa o espiritu.
Ang paniniwala sa Reincarnation ay isang paniniwala na mas matatagpuan sa mga di-kristiyanong paniniwala kasama na dito ang mga Hudyo noong panahon ng ating P. Hesukristo.
ANG REINCARNATION SA PANINIWALANG HINDU
Ito ay karaniwang matatagpuan sa paniniwalang Hindu ng bansang India. Ito ay nasusulat sa kanilang kinikilalang banal na aklat na Bhagavad Gita o Songs of the Lord, na kung saan inihahayag doon ni Lord Krsna kay Arjuna ang tungkol sa Soul Evolution ng isang entity o nilalang o espiritu. Sinasabi na kung paanong ang tiyak sa isang tao ang kamatayan ay tiyak din sa kanya ang muli siyang isilang. Inihahayag din doon ang tungkol sa aral ng karma o cause and effect, na kung saan, kapag ang isang tao samantalang siya ay nabubuhay ay nahilig sa pagkain ng karne ng baboy, o nag-ugaling baboy at nagkikilos baboy yaon daw ang nabubuong framework niya para sa susunod niyang reincarnation, kaya pag siya ay namatay at muling isinilang siya ay isa nang ganap na baboy.
Ganito ang mga nakasulat sa aklat na Bhagavad Gita Chapter 2:
Sa larawang ito sa itaas, ipinapakita ang tinatawag na ATMAN o ang Espiritu/Kaluluwa ng tao na SIYA din at di nagbabago mula pagkabata hanggang pagka matanda at pagkamatay at muling iikot at isisilang na muli o reincarnated bilang panibagong tao ngunit dating Espiritu/kaluluwa pa din.
Naroon din ang mga pahayag at paniniwala na ang isang insekto ay maaaring maging isang mas malaking insekto at maging hayop at maging tao at kung maganap na ang kanyang purification at makalaya na siya sa pagkakaroon ng "DESIRE" ayon sa turo ni Gautama Buddha siya ay hindi na muling ipapanganak at mananatili na siya doon sa kaluwalhatian o NIRVANA.
Ang paniniwalang ito ay pinag-ibayo pa ng mga New Age na kung saan sinasabi nila na maging ang mga Arkanghel sa langit ay buhat din sa mababang antas na sa kanilang pagsisikap ay nakamit din nila ang kanilang katatayuan bilang Anghel sa kasalukuyan.
Itong paikot ikot na ito ang isa sa mga pangunahing aral naman ni Siddharta Gautama Buddah na dapat diumanong matakasan kaya niya itinuturo ang 8 fold path o 8 landasin patungo sa Nirvana o kaluwalhatian.
Kung ang isang aso ay maaaring maging tao at ang tao ay maging aso sa anong aspeto pumapasok ang pagliligtas at pagbuhos ng dugo ng P.Hesus sa kalbaryo? At pabubulaanan nito ang isang aral ng Banal na Bibliya na ang tao ay ginawang wangis ng Diyos. Ang tao ay nilikhang tao na at hindi nagsimula sa kung ano anong circulo ng evolution sa espiritwal o sa pisikal. May pagkakahalintulad siya sa ibang mga hayop at insekto sa mundo sa aspeto ng mga basic tools and adaptability sa lupang daigdig na nilalaganapan ng tubig at hangin. May mataas na kalagayang espiritwal at pisikal ang tao higit pa nga sa mga anghel wika sa Salmo.
ANG TURO NG SPIRITISMO NI G. ALLAN KARDEC TUNGKOL SA REINCARNATION
Si Allan Kardec nabuhay noong 18th Century sa Europa, at isang manunulat ng mga aklat tungkol sa Spiritismo. Isinulat niya ang kanyang mga scientific na pagtatanong sa mga spirito at ang mga sagot ng mga ito sa kaniya. Gumagamit sila ng medium na kung saan dito pinasasanib ang espiritu o kaluluwa at kung nakasanib na ay kanilang tinatanong tungkol sa ibat iba at maraming bagay na may kinalaman sa spiritwal na dimensyon. Seance ang tawag sa pamamaraan ng spiritismo ng pagtawag sa kaluluwa para kanilang makausap. Tingnan ang larawan sa ibaba
Sa isang Seance magkakahawak kamay ang mga participants at kanilang tinatawag ang kaluluwa o espiritu ng kanilang ibig kausapin.
Mayroon namang ibang aral ng Reincarnation subalit hindi tulad ng aral ng Hindu. Ito ay ang sa Spiritismo. Ang Spiritismo ay ang paniniwala at relihiyon na ang daigdig at ang sanlibutan ay puno ng ibat-ibang uri at antas ng espiritu na kung saan sila ay isinisilang na muli ng babae upang ipagpatuloy ang pag-aaral at iwasto ang kamalian at makarating sa perfection o kaganapang intelektual at moral.
Ayon sa Spiritismo, ang tao ay nilikha at may pasimula bilang isang ganap na inosente at walang kamalayan sa tama at mali (moralidad) at kaalaman sa mga bagay (intelektuwal). Sa kabila ng katangiang ito, ang tao dahil nilikha ng Diyos sa kayang sariling wangis ang tao ay may tinatawag na INSTINCT o GERM na kusang mag-uudyok sa kanya sa pag unlad sa Moral at Intelektuwal. Inihahalintulad sa isang binhi ng halaman o punong kahoy na nasa sa kanya ang lahat at maraming kakayahan ngunit sa kanyang kasalukuyang kalagayan bilang bagong espiritu/kaluluwa ay hindi pa ito makikita Kinakailangan siyang matanim at mag-ugat lumaki at umunlad at iyan ay maibibigay lamang ng maraming pagsilang at maraming pagkamatay at muling pagsilang - Cycle of Birth, Death and Rebirth - REINCARNATION.
Itinuturo nito na ang tao ay ang nilikhang may pasimula subalit walang katapusan. Ang mga hayop ay mayroon ding espiritu na may kakayahang umunlad sa kaalaman o intelektuwal subalit walang kakayahang umunawa ng tama at mali o moralidad ng kanilang iniisip. Ibig sabihin ang espiritu ng hayop ay uunlad lamang sa aspetong intelektual at hindi kailanman sa moral na kung saan pinatutunayan ito ng mga hayop na matatalino ngunit walang kakayahang mag discriminate ng tama at mali.
Ang tao sa ibang banda naman ay may espiritu na may kakayahang umunlad sa kaalaman o karunungan at sa pagkaunawa ng tama o mali o moralidad ng kanyang iniisip at ikinikilos.
Sa aral ng Spiritismo, itinuturo na ang tao ay hindi magiging hayop o ang hayop kaya ay maging tao. Ang tao ay mahihinto sa kung saan siya nagkamali o nahinto at muli siyang babalik sa lupa o sa ibang daigdig para iwasto iyon. Kahalintulad ng isang mag-aaral na bumagsak sa baitang 4 sa paaralan, hindi siya ibabalik sa baitang isa o sa kinder, at hindi din siya susulong sa baitang 5 hanggang hindi niya naipapasa ang baitang apat.
Subalit sa paanong paraan at anong argumento naman maipagkakaisa ang winika ng noon ay nakapakong Panginoong Hesus kay Dimas ang mga katagang "Winiwika ko sa iyo, katotohanan, ngayon din ay ipagsasama kita sa paraiso!" Si Dimas ay isang magnanakaw at mamatay-tao ayon na din sa kasaysayang nasusulat sa aklat na Martir ng Golgotha. Siya man, si Dimas, ay may mga kamalian at paglabag sa Sampung Utos subalit hindi iyon naging sagwil upang siya ay maipagsama noon din ng P.Hesus sa kaharian ng Ama sa langit. Kung tutuusin ay nauna siyang makinabang sa maraming silid na ipinangako ng Panginoon sa kanyang mga alagad na winika niya sa Huling Hapunan. Ipinakikita na ang kaligtasan o ang pagkakamit ng kaluwalhatian sa langit ay hindi lubos na nakasalalay sa mabuti o masamang gawa ng tao manapa ay sa kabutihan, awa, at pag-ibig ng Diyos. At ito din ang itinuturo ng Banal na Patriyarka - kaligtasan sa kabutihan, awa at pag-ibig ng Diyos at hindi nang dahil sa pagsisikap ng tao, upang ang tao ay hindi makapagmalaki sa harapan ng Diyos.
ANG PANINIWALA SA REINKARNASYON SA PANAHON NG PANGINOONG HESUKRISTO
May mga talata sa Bibliya na tumutukoy sa paniniwalang ito bagaman hindi direktang binabanggit ang terminong Reinkarnasyon. Katulad ng mga sumusunod na pangyayari"
ANG TURO SA BANAL NA KASULATAN
Sa bibliya, ihinahayag na sumasa kay Juan Bautista ang espiritu at kapangyarihan ni Propeta Elias (Lukas 1:17)
ANG TURO NG MAHAL NA INGKONG
Winika ng Mahal na Ingkong, sa pamamagitan ng labi ng Sta Maria Virginia, noong dekada 90 ang mga katagang "Reincarnation, katotohanan iyan, winiwika ko sa inyo, na isa kayo sa mga umuusig at sumisigaw sa akin noong ako ay nabubuhay bilang inyong P.Hesukristo na ipako ako sa krus. Subalit dala ng aking pag-ibig at sa inyong katubusan muli ko kayong dinala at ibinalik sa kaganapang ito, ako bilang Espiritu Santo."
At nagwika muli ang Mahal na Ingkong tungkol sa Reincarnation, sa ibang pamamaraan, paliwanag at tila magkaibang diwa subalit tumutukoy sa iisang katotohanan. Winika niya, sa pamamagitan ng labi ng Patriyarka na "Ang Reincarnation ay hindi katotohanan sapagkat niwawalang halaga nito ang kabulohan ng dugo at sakripisyo, pagkapako at pagkamatay sa krus ng inyong Panginoong Hesukristo."
At pinabubulaanan niya ang Reincarnation na base sa paniniwalang ang tao ay nagmula sa uod, naging bulate, naging ahas, naging buwaya nagkaroon ng paa at kamay,naging unggoy at naging tao.
Ito ang kanyang pinabubulaanan - ang ebolusyon ng kaluluwa at pisikal na anyo ng tao bilang landas ng katuparan ng "perfection" at hindi ang Reincarnation ng tao bilang tao at mananatiling tao.
Ang tao ay nagsimula na bilang tao, sa espiritu at sa kanyang pisikal na anyo. Ang kaluluwa o espiritu ng tao ay nilikhang may pasimula subalit ang pag-iral ay walang katapusan tulad nang sa Diyos subalit wala siyang kakayahan at kapangyarihan ukol at patungkol dito sa nasabing buhay ng kanyang espiritu upang paikliin o pahabain, tanging ang Mahal na Ingkong lamang. Ang ganap at katapusang patutunguhan ng kaluluwa o espiritu ng tao ay nasa kamay at kalooban ng Diyos ayon sa kanyang awa bagaman tayo ay hahatulan base sa ating ginawa.
ANG BANAL NA LUKLUKAN AT ANG MAHAL NA BIRHEN MARIA
Ipinahahayag ng Mahal na Ingkong, hindi lamang sa pamamagitan ng Banal na Luklukan na si Maria Virginia ay reincarnation ng Mahal na Birhen Maria ang Theotokos, ito din ang ipinahahayag Niya sa pamamagitan ng Banal na Patriyarka. Gayon din naman, ipinahahayag din Niya na si Florentino ay ang reincarnation ni Juan Bautista at ni Propeta Elias. Dito sa puntong ito, ang reincarnation ay katotohanan sapagkat mismong ang Mahal na Ingkong ang nagwika nito at bukod pa diyan, yaon din ang paniniwala at kaalaman ng mga sinaunang tinatakan kaya gayon na lamang ang kanilang pag-ibig sa Banal na Luklukan.
PATOTOO NI QUERUBIN ALBERT
Isa sa mga dokumentadong patotoo o pahayag ng isang tinatakan na dumanas ng kamatayan at muling pagkabuhay sa parehong katawan ay si Querubin Albert. Isinalaysay niya na nasaksihan niya sa kalangitan na ang Mamang, Sta Maria Virginia ay walang iba kundi ang Mahal na Birhen Maria, at nasaksihan pa din niya at pinatototohanan na ang Mahal na Ingkong ay walang iba kundi ang Panginoon ding Hesukristo.
Ganito ang kanyang pagkasabi:
Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay pa din ng isa pang katotohanan na kasa-kasama natin sa lupa ang Banal na Luklukan subalit sa katotohanan Siya ay namamayan na sa kalangitan.
WALANG PANIBAGONG KATAWANG GAGAMITIN ANG STA MARIA VIRGINIA
Inihahayag sa atin ng Mahal na Ingkong na kasukdolan na ang ginawang pagsasakripisyo ng Sta Maria Virginia upang siya ay muling pumarito sa katawang lupa, lumuklok man o isilang na muli sa panibagong katauhan. Lalo pa kung ang kanyang pagparito sa panibagong katawan ay ipawalang halaga niya ang lahat ng kanyang pinagsumikapang itatag kasama ng kanyang anak lalo na ang kanyang banal na simbahan (ACC) at Orden o kongregasyon (OMHS).
Isa sa pinaka pundasyong talata ng Biblia ng kaganapan ng Mahal na Ingkong ay ang nasa Pahayag 3:12 "
Ang kaluluwa ay siya sa kanyang huling sandali sa daigdig na ito. Hindi binabago ng kamatayan ang kanyang isipan at kalooban. Kung ano siya sa kanyang kamatayan ganoon siya sa kanyang pagharap sa hukuman ng Diyos. Sa gayong diwa, bagaman sa katotohanan ay hindi tayo iniwan ng ala-ala at pag-ibig ng Banal na Luklukan, ang kanyang mga pangarap, adhikain at mga turo noong siya ay kasama pa natin ay iyon din sa kanyang paglisan sa ating piling; ACC ang kanyang simbahan at OMHS ang kanyang kongregasyon, si Juan Florentino ang kanyang Patriyarka noong tayo ay kanyang lisanin, iyon pa din at hindi nababago maging sa kanyang pagpiling sa Mahal na Ingkong sa langit. iyon pa din wala nang iba. Hindi ang pagpikit ng mata ng Banal na Luklukan ang magpapabago sa kanyang kalooban tungkol sa kung ano ang kanyang simbahan at kongregasyon.
ANG BANAL NA PATRIYARKA AT SI JUAN BAUTISTA | PROPETA ELIAS
Winiwika ng Mahal na Ingkong sa bibig ng Patriyarka na ang "Patriyarka Juan Florentino, si Juan Bautista at si Propeta Elias ay iisa", gayon din ang pahayag noon at paniniwalang laganap ng mga sinaunang tinatakan na si Apo Juan Florentino ay walang iba kundi si Juan Bautista. Naalala ko ang isang kuwento mula sa isang tinatakan, doon sa Komprohan, noong ang Patriyarka ang gumaganap ng Binyag ni Juan, sinasabi na nakikita nila na walang ulo ang Patriyarka samantalang nag-bibinyag sa tubig. Ang Patriyarka ang tunay at nag-iisang JUAN ng MAHAL NA INGKONG at ang mga kasalukuyang Juan ay Juan ng Patriyarka kaparis na ang Mamang Sta Virginia ay may mga Marias - sila ay Maria ng Banal na Luklukan at hindi MARIA ng MAHAL NA INGKONG.
Mayroong dalawang propesiya na winika, una ng Anghel Gabriel kay San Zacarias, at ng propeta Malakias na pinaniniwalaan ko na hindi pa naganap o ganap na natupad noong kapanahunang naririto sa lupa ang Panginoong Hesukristo. Ito ay ang sumusunod:
Aklat ng Malakias 3:23
Ikalawa, (Lukas 1:17), walang ulat sa bibliya na naipaghanda ni Juan ng bayan ang Panginoon sa dahilang ang kanyang career ay hinadlangan ng kanyang kamatayan nang siya ay papugotan ng ulo ni Herodes, ang kanyang mga alagad ay sumama sa Panginoong Hesukristo at ang ilan ay tumalikod naman sa Panginoon noong ihayag niya ang tungkol sa pag-inom ng kanyang dugo at pagkain ng kanyang laman (Juan 6).
Ang dalawang propesiyang nabanggit ay natupad at natutupad ngayon sa katauhan at kaganapan ng Banal na Patriyarka. Ang bayan ng Diyos na tinutukoy ay walang iba kundi ang Simbahan bilang katuparan ng Tipan ng Mahal na Ingkong sa kanya noong 1968 AD nang wikain "MAPALAD KA ANAK SAPAGKAT UMABOT KA SA HULING PATAK NG AKING DUGO SA KALBARYO, SA IYO AT SA LAHI MO MABUBUO ANG MAMAMAYAN NG BAGONG HERUSALEM". Alalaon baga ay ang mga tinatakan - ang kalipunan ng lahat ng tinatakang napapaloob sa simbahan, ang Apostolic Catholic Church. Yaon ang Bayan ng Diyos, ang Bayang inihanda ni Juan sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Related sa post na si-juan-bautista-propeta-elias-at-ang patriyarka Juan Florentino
Tulad ng kanyang winika, na ibabangon niya ang templo matapos ang ikatlong araw, muli ngang ibinangon ng P.Hesus ang kanyang katawan at ito ay nakita, nahawakan, nahipo, napatunayan ng kanyang mga apostoles sa loob ng apatnapung araw pa bago ang kanyang pag-akyat sa kalangitan. Ang katawan iyon na kanyang templong binabanggit ay walang iba kundi ang katawang niluwalhati, ang nabuhay mula sa mga patay.
Ang katawang hiwalay sa kaluluwa ay patay at ang multo ay walang laman at walang dugo|buto yaon ang winiwika ng Banal na Kasulatan bilang patotoo ng P.Hesus sa kanyang mga nahintakutang mga apostoles matapos ang banal na pasyon. Alalaon baga, sa Resurrection ibinabangon ng espiritu ang kanyang katawang binago o niluwalhati, tulad ng sa P. Hesus, ibinangon niya ang kanyang katawan at nasaksihan ng kanyang mga alagad at ng kanyang pinakamamahal na ina, si Maria.
Ipagpapatuloy...
Makalipas ang maikling panahon magmula nang ipagsama ng Mahal na Ingkong sa kalangitan ang Banal na Luklukan, ang ating pinakamamahal na Mama Sta Maria Virginia, may ilang tinatakan, na sa matinding pangungulila at paghahanap ng ika-aaliw at pagkukunan ng lakas at katatagan, ang nakasumpong ng kublihan at kaaliwan sa paniniwalang ang kaluluwa at espiritu ng Sta Maria Virginia ay muling nag reincarnate at sa iba ay nag-resurrect.
REINCARNATION
Ang Reincarnation ay salitang Inglis mula sa prefix o unlaping 'RE' na ibig sabihin ay "MULI", "IN" na ang ibig sabihin ay "Sa loob", at "CARNATION mula sa salitang ugat na orihinal ng wikang Latin na "CARO o CARNE, CARNAL" na ang pakahulugan sa wikang Filipino ay Karne o Laman o katawang laman o pisikal. Alalaon baga ang salitang REINCARNATION sa talagang pakahulugan ay "NAGSAKATAWANG LUPA O NAGSA KARNENG MULI". Bakit po tinawag na nagsa-karne muli o nagsakatawang lupa sapagkat ang kanyang kalikasan bago ang pagsasakatawang lupa ay isang kaluluwa o espiritu.
Ang paniniwala sa Reincarnation ay isang paniniwala na mas matatagpuan sa mga di-kristiyanong paniniwala kasama na dito ang mga Hudyo noong panahon ng ating P. Hesukristo.
ANG REINCARNATION SA PANINIWALANG HINDU
Ito ay karaniwang matatagpuan sa paniniwalang Hindu ng bansang India. Ito ay nasusulat sa kanilang kinikilalang banal na aklat na Bhagavad Gita o Songs of the Lord, na kung saan inihahayag doon ni Lord Krsna kay Arjuna ang tungkol sa Soul Evolution ng isang entity o nilalang o espiritu. Sinasabi na kung paanong ang tiyak sa isang tao ang kamatayan ay tiyak din sa kanya ang muli siyang isilang. Inihahayag din doon ang tungkol sa aral ng karma o cause and effect, na kung saan, kapag ang isang tao samantalang siya ay nabubuhay ay nahilig sa pagkain ng karne ng baboy, o nag-ugaling baboy at nagkikilos baboy yaon daw ang nabubuong framework niya para sa susunod niyang reincarnation, kaya pag siya ay namatay at muling isinilang siya ay isa nang ganap na baboy.
Ganito ang mga nakasulat sa aklat na Bhagavad Gita Chapter 2:
"Certainly never at any time did I not exist nor you, nor all theses kings and certainly never shall we cease to exist in the future"
"Just as in the physical body of the embodied being is the process of childhood, youth, and old age; similarly by the transmigration from one body to another the wise are never deluded." BG 2:13
"The embodied soul is eternal in existence, indestructible and infinite, only the material body is factually perishable..." BG 2:18
"Just as a man giving up old worn out garments accepts other new apparel, in the same way the embodied soul giving up old and worn out bodies verily accepts new bodies " BG 2:22
Sa larawang ito sa itaas, ipinapakita ang tinatawag na ATMAN o ang Espiritu/Kaluluwa ng tao na SIYA din at di nagbabago mula pagkabata hanggang pagka matanda at pagkamatay at muling iikot at isisilang na muli o reincarnated bilang panibagong tao ngunit dating Espiritu/kaluluwa pa din.
Naroon din ang mga pahayag at paniniwala na ang isang insekto ay maaaring maging isang mas malaking insekto at maging hayop at maging tao at kung maganap na ang kanyang purification at makalaya na siya sa pagkakaroon ng "DESIRE" ayon sa turo ni Gautama Buddha siya ay hindi na muling ipapanganak at mananatili na siya doon sa kaluwalhatian o NIRVANA.
Ang paniniwalang ito ay pinag-ibayo pa ng mga New Age na kung saan sinasabi nila na maging ang mga Arkanghel sa langit ay buhat din sa mababang antas na sa kanilang pagsisikap ay nakamit din nila ang kanilang katatayuan bilang Anghel sa kasalukuyan.
Itong paikot ikot na ito ang isa sa mga pangunahing aral naman ni Siddharta Gautama Buddah na dapat diumanong matakasan kaya niya itinuturo ang 8 fold path o 8 landasin patungo sa Nirvana o kaluwalhatian.
Ang larawan sa itaas ay isang paglalarawan ng Reinkarnasyon. Makikita ang dalawang babae, ang isa ay si Kamatayan, at ang ikalawa ay babaeng nakaputi - tawagin nating si Pagkabuhay. Sa kaliwa ay ang nasa middle age na lalaki, tumanda, nagkasakit, namatay at inilibing, pagtapos ay pumasok sa Cycle of Death and Rebirth, naging sanggol, bata, binatilyo, binata at middle age ulit. Makikitang hawak ng dalawa ang symbol ng infinity
Sa gawing ibaba naman ay ay may tubig at lupa, sa tubig ay may umaahon na kabayo mula sa pagiging isda o hayop sa tubig, hanggang sa maging tao. Sa cycle na ito, ang dati nang tao ay puwede pang umatras at bumalik patungo sa pagiging hayop muli base sa kung anong kamalayan o consciousness ang kanyang narating, katulad ng paglalarawan sa ibaba.
Kung ang isang aso ay maaaring maging tao at ang tao ay maging aso sa anong aspeto pumapasok ang pagliligtas at pagbuhos ng dugo ng P.Hesus sa kalbaryo? At pabubulaanan nito ang isang aral ng Banal na Bibliya na ang tao ay ginawang wangis ng Diyos. Ang tao ay nilikhang tao na at hindi nagsimula sa kung ano anong circulo ng evolution sa espiritwal o sa pisikal. May pagkakahalintulad siya sa ibang mga hayop at insekto sa mundo sa aspeto ng mga basic tools and adaptability sa lupang daigdig na nilalaganapan ng tubig at hangin. May mataas na kalagayang espiritwal at pisikal ang tao higit pa nga sa mga anghel wika sa Salmo.
ANG TURO NG SPIRITISMO NI G. ALLAN KARDEC TUNGKOL SA REINCARNATION
Si Allan Kardec nabuhay noong 18th Century sa Europa, at isang manunulat ng mga aklat tungkol sa Spiritismo. Isinulat niya ang kanyang mga scientific na pagtatanong sa mga spirito at ang mga sagot ng mga ito sa kaniya. Gumagamit sila ng medium na kung saan dito pinasasanib ang espiritu o kaluluwa at kung nakasanib na ay kanilang tinatanong tungkol sa ibat iba at maraming bagay na may kinalaman sa spiritwal na dimensyon. Seance ang tawag sa pamamaraan ng spiritismo ng pagtawag sa kaluluwa para kanilang makausap. Tingnan ang larawan sa ibaba
Sa isang Seance magkakahawak kamay ang mga participants at kanilang tinatawag ang kaluluwa o espiritu ng kanilang ibig kausapin.
Ayon sa Spiritismo, ang tao ay nilikha at may pasimula bilang isang ganap na inosente at walang kamalayan sa tama at mali (moralidad) at kaalaman sa mga bagay (intelektuwal). Sa kabila ng katangiang ito, ang tao dahil nilikha ng Diyos sa kayang sariling wangis ang tao ay may tinatawag na INSTINCT o GERM na kusang mag-uudyok sa kanya sa pag unlad sa Moral at Intelektuwal. Inihahalintulad sa isang binhi ng halaman o punong kahoy na nasa sa kanya ang lahat at maraming kakayahan ngunit sa kanyang kasalukuyang kalagayan bilang bagong espiritu/kaluluwa ay hindi pa ito makikita Kinakailangan siyang matanim at mag-ugat lumaki at umunlad at iyan ay maibibigay lamang ng maraming pagsilang at maraming pagkamatay at muling pagsilang - Cycle of Birth, Death and Rebirth - REINCARNATION.
Itinuturo nito na ang tao ay ang nilikhang may pasimula subalit walang katapusan. Ang mga hayop ay mayroon ding espiritu na may kakayahang umunlad sa kaalaman o intelektuwal subalit walang kakayahang umunawa ng tama at mali o moralidad ng kanilang iniisip. Ibig sabihin ang espiritu ng hayop ay uunlad lamang sa aspetong intelektual at hindi kailanman sa moral na kung saan pinatutunayan ito ng mga hayop na matatalino ngunit walang kakayahang mag discriminate ng tama at mali.
Ang tao sa ibang banda naman ay may espiritu na may kakayahang umunlad sa kaalaman o karunungan at sa pagkaunawa ng tama o mali o moralidad ng kanyang iniisip at ikinikilos.
Sa aral ng Spiritismo, itinuturo na ang tao ay hindi magiging hayop o ang hayop kaya ay maging tao. Ang tao ay mahihinto sa kung saan siya nagkamali o nahinto at muli siyang babalik sa lupa o sa ibang daigdig para iwasto iyon. Kahalintulad ng isang mag-aaral na bumagsak sa baitang 4 sa paaralan, hindi siya ibabalik sa baitang isa o sa kinder, at hindi din siya susulong sa baitang 5 hanggang hindi niya naipapasa ang baitang apat.
Subalit sa paanong paraan at anong argumento naman maipagkakaisa ang winika ng noon ay nakapakong Panginoong Hesus kay Dimas ang mga katagang "Winiwika ko sa iyo, katotohanan, ngayon din ay ipagsasama kita sa paraiso!" Si Dimas ay isang magnanakaw at mamatay-tao ayon na din sa kasaysayang nasusulat sa aklat na Martir ng Golgotha. Siya man, si Dimas, ay may mga kamalian at paglabag sa Sampung Utos subalit hindi iyon naging sagwil upang siya ay maipagsama noon din ng P.Hesus sa kaharian ng Ama sa langit. Kung tutuusin ay nauna siyang makinabang sa maraming silid na ipinangako ng Panginoon sa kanyang mga alagad na winika niya sa Huling Hapunan. Ipinakikita na ang kaligtasan o ang pagkakamit ng kaluwalhatian sa langit ay hindi lubos na nakasalalay sa mabuti o masamang gawa ng tao manapa ay sa kabutihan, awa, at pag-ibig ng Diyos. At ito din ang itinuturo ng Banal na Patriyarka - kaligtasan sa kabutihan, awa at pag-ibig ng Diyos at hindi nang dahil sa pagsisikap ng tao, upang ang tao ay hindi makapagmalaki sa harapan ng Diyos.
ANG PANINIWALA SA REINKARNASYON SA PANAHON NG PANGINOONG HESUKRISTO
May mga talata sa Bibliya na tumutukoy sa paniniwalang ito bagaman hindi direktang binabanggit ang terminong Reinkarnasyon. Katulad ng mga sumusunod na pangyayari"
ANG TURO SA BANAL NA KASULATAN
Sa bibliya, ihinahayag na sumasa kay Juan Bautista ang espiritu at kapangyarihan ni Propeta Elias (Lukas 1:17)
"Napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan. 12At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot. 13Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan. 14At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya. 15Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina. 16At marami sa mga anak ni Israel, ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios. 17At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda."At pinatunayan din ng Panginoong Hesukristo na katotohanan nga kung matatanggap ng mga alagad na ang Elias na paririto ay walang iba kundi si Juan Bautista (Mateo 11:14).
"Nang paalis na ang mga alagad ni Juan, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan, "Bakit kayo nagpunta sa ilang? Ano ang nais ninyong makita? Isa bang tambo na hinihipan ng hangin? 8 Bakit kayo pumunta sa ilang? Para makita ang isang taong may mamahaling kasuotan? Ang mga nagdaramit ng ganyan ay nasa palasyo ng mga hari! 9 Ano nga ba ang nais ninyong makita? Isang propeta? a Oo, siya'y propeta. At sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta.10 Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng kasulatan, 'Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.' 11 Tandaan ninyo: higit na dakila si Juan na Tagapagbautismo kaysa sinumang isinilang sa daigdig, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya. 12 Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok ng mga taong mararahas. b 13 Sapagkat hanggang sa dumating si Juan, ang mga propeta at ang Kautusan ang siyang nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos. 14Kung naniniwala kayo sa pahayag na ito, si Juan na nga ang Elias na ipinangakong darating. 15 Makinig ang may pandinig!at sa Mateo 17:12: Sa tagpong ito ay patay na si Juan Bautista matapos papugutan ng ulo ni Herodes, kung kaya sa bundok ng Tabor nakita ng mga alagad si Propeta Elias at si Moses kasama ng Panginoon - ang pagbabagong anyo.
"Tinanong siya ng mga alagad, "Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias?" 11 Sumagot siya, "Paparito nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. 12 At sinasabi ko sa inyo, pumarito na si Elias ngunit hindi siya kinilala ng mga tao, at ginawa nila kay Elias ang gusto nila. Kaya't tulad ng ginawa sa kanya, pahihirapan din nila ang Anak ng Tao." 13Naunawaan ng mga alagad na si Juan na Tagapagbautismo ang tinutukoy niya.
ANG TURO NG MAHAL NA INGKONG
Winika ng Mahal na Ingkong, sa pamamagitan ng labi ng Sta Maria Virginia, noong dekada 90 ang mga katagang "Reincarnation, katotohanan iyan, winiwika ko sa inyo, na isa kayo sa mga umuusig at sumisigaw sa akin noong ako ay nabubuhay bilang inyong P.Hesukristo na ipako ako sa krus. Subalit dala ng aking pag-ibig at sa inyong katubusan muli ko kayong dinala at ibinalik sa kaganapang ito, ako bilang Espiritu Santo."
At nagwika muli ang Mahal na Ingkong tungkol sa Reincarnation, sa ibang pamamaraan, paliwanag at tila magkaibang diwa subalit tumutukoy sa iisang katotohanan. Winika niya, sa pamamagitan ng labi ng Patriyarka na "Ang Reincarnation ay hindi katotohanan sapagkat niwawalang halaga nito ang kabulohan ng dugo at sakripisyo, pagkapako at pagkamatay sa krus ng inyong Panginoong Hesukristo."
At pinabubulaanan niya ang Reincarnation na base sa paniniwalang ang tao ay nagmula sa uod, naging bulate, naging ahas, naging buwaya nagkaroon ng paa at kamay,naging unggoy at naging tao.
Ito ang kanyang pinabubulaanan - ang ebolusyon ng kaluluwa at pisikal na anyo ng tao bilang landas ng katuparan ng "perfection" at hindi ang Reincarnation ng tao bilang tao at mananatiling tao.
Ang tao ay nagsimula na bilang tao, sa espiritu at sa kanyang pisikal na anyo. Ang kaluluwa o espiritu ng tao ay nilikhang may pasimula subalit ang pag-iral ay walang katapusan tulad nang sa Diyos subalit wala siyang kakayahan at kapangyarihan ukol at patungkol dito sa nasabing buhay ng kanyang espiritu upang paikliin o pahabain, tanging ang Mahal na Ingkong lamang. Ang ganap at katapusang patutunguhan ng kaluluwa o espiritu ng tao ay nasa kamay at kalooban ng Diyos ayon sa kanyang awa bagaman tayo ay hahatulan base sa ating ginawa.
ANG BANAL NA LUKLUKAN AT ANG MAHAL NA BIRHEN MARIA
Ipinahahayag ng Mahal na Ingkong, hindi lamang sa pamamagitan ng Banal na Luklukan na si Maria Virginia ay reincarnation ng Mahal na Birhen Maria ang Theotokos, ito din ang ipinahahayag Niya sa pamamagitan ng Banal na Patriyarka. Gayon din naman, ipinahahayag din Niya na si Florentino ay ang reincarnation ni Juan Bautista at ni Propeta Elias. Dito sa puntong ito, ang reincarnation ay katotohanan sapagkat mismong ang Mahal na Ingkong ang nagwika nito at bukod pa diyan, yaon din ang paniniwala at kaalaman ng mga sinaunang tinatakan kaya gayon na lamang ang kanilang pag-ibig sa Banal na Luklukan.
Ang Banal na Luklukan, Sta Maria Virginia.
PATOTOO NI QUERUBIN ALBERT
Isa sa mga dokumentadong patotoo o pahayag ng isang tinatakan na dumanas ng kamatayan at muling pagkabuhay sa parehong katawan ay si Querubin Albert. Isinalaysay niya na nasaksihan niya sa kalangitan na ang Mamang, Sta Maria Virginia ay walang iba kundi ang Mahal na Birhen Maria, at nasaksihan pa din niya at pinatototohanan na ang Mahal na Ingkong ay walang iba kundi ang Panginoon ding Hesukristo.
Ganito ang kanyang pagkasabi:
"Mula sa liwanag na iyon ay narinig ko ang isang tinig at sinabi Niyang, SERAFINES, DALHIN MO SA AKIN ANG IYONG LUKLUKAN! (noon ko po nalaman na kapag namatay pala tayong mga binasbasan, hindi ang pangalan natin nang tayo ay bininyagan ang tatawagin Niya, kundi ang pangalan natin nang tayo ay binasbasan at ang susundo sa atin ay ang gating gabay).
Nakita ko noon ang aking katawan habang inaangat ang aking kaluluwa. Hindi ko alam kung gaano katagal ako noong nawala at kung gaano katagal kami naglakbay, nakita ko agad noon ang Mamang pagdating ko sa Langit, nakalahad ang palad niya na inaabot sa akin sabay sabi ng, HALINA SA AKING PANGINOON, NA IYONG PANGINOON! HALIKA SA MAHAL NA INGKONG!
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko noon dahil itinakwil ko na noon ang Mahal na Ingkong at ang Mamang, kaluluwa na lamang ako noon, pero nararamdaman ko sa sarili kong gusto kong umiyak. Hinawakan ng Mamang ang kamay ko at hinatid niya ako sa harapan ng Mahal na Ingkong. Nakita ko noon ang isang malaking liwanag, isang liwanag na hindi nakakasilaw kahit iyong titigan, unti-unti, naghugis tao na naka upo ang liwanag; hanggang sa ang liwanag ay nasa ulo na lamang Niya.
Nakita ko noon ang Mahal na Ingkong nang harapan. ANG MAHAL NA INGKONG AY WALANG IBA KUNDI ANG ATIN RING PANGINOONG HESUKRISTO.
ANAK, AKO ANG BUHAY AT MULING PAGKABUHAY. SINO MANG MANAMPALATAYA SA AKIN, BAGAMAT MAMATAY, AY TUNAY NA MULING MABUBUHAY ang unang wika sa akin ng Mahal na Ingkong.
NABABATID KO ANG IYONG PAG-AALINLANGAN SA AKIN AT SA BABAENG AKING PINILI UPANG MAGING LUKLUKAN. ANAK, MASDAN MO ANG KATOTOHANANG IILAN LAMANG ANG NAKAKAALAM.
Nakita ko noon ang Mama na nakaharap sa akin, nakatayo habang nakalahad ang kanyang mga palad, unti-unti, nagkaroon siya ng transfiguration at naging ang MAHAL NA INA.
Noon lalo akong napahiya sa aking sarili at buong pagmamakaawang humingi ng tawad sa Mahal na Ingkong at sa Mamang. ANAK, NAUUNAWAAN AT PINATATAWAD NA KITA. KUNG ALAM LAMANG NG IYONG MGA KAPATID NA BINASBASAN KO KUNG GAANO KO SILA KAMAHAL, MAIIYAK SILA SA KALIGAYAHAN. HINDI ANG INYONG PAGTALIKOD ANG AKING TINITIGNAN, KUNDI ANG INYONG PAGBABALIK SA BAWAT NINYONG PAGTALIKOD. AKO ANG ALPHA AT AKO RIN ANG OMEGA. AKO ANG SIMULA AT AKO RIN ANG WAKAS. AKO ANG INYONG MAHAL NA INGKONG!
Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay pa din ng isa pang katotohanan na kasa-kasama natin sa lupa ang Banal na Luklukan subalit sa katotohanan Siya ay namamayan na sa kalangitan.
WALANG PANIBAGONG KATAWANG GAGAMITIN ANG STA MARIA VIRGINIA
Inihahayag sa atin ng Mahal na Ingkong na kasukdolan na ang ginawang pagsasakripisyo ng Sta Maria Virginia upang siya ay muling pumarito sa katawang lupa, lumuklok man o isilang na muli sa panibagong katauhan. Lalo pa kung ang kanyang pagparito sa panibagong katawan ay ipawalang halaga niya ang lahat ng kanyang pinagsumikapang itatag kasama ng kanyang anak lalo na ang kanyang banal na simbahan (ACC) at Orden o kongregasyon (OMHS).
Isa sa pinaka pundasyong talata ng Biblia ng kaganapan ng Mahal na Ingkong ay ang nasa Pahayag 3:12 "
Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.Sinasabi dito na ang magtatagumpay ay magiging haligi sa templo ng Diyos at hindi na siya makalalabas doon. Kung mayroon mang kauna-unahang nagtagumpay sa kaganapang Diyos Espiritu Santo ay walang iba kundi ang Banal na Luklukan at ang Banal na Patriyarka dahil silang dalawa ang katotohanang katipan ng Mahal na Ingkong. Ang Banal na Luklukan ay isa nang haligi sa templo ng Diyos at kapiling ng Santissima Trinidad sa kalangitan paris ng sinalaysay ni Querubin Albert. Hindi na siya makalalabas doon ibig sabihin natupad na at naganap na ang nauukol sa pagliligtas at pag ganap niya bilang kasama natin sa mundo na nasa sa katawang lupa. Alalaon baga ay sa katawang tao. Kasukdolan na ang pagganap ng Mahal na Birhen Maria, ang Theotokos, bilang si Santa Maria Virginia at yaon ay huli na at kailanman ay hindi na babalik pang muli para isilang ng babae o sumakatawan ng taong muli. Ang kanyang pagbabalik ay ang pagbabalik na din ng Mahal na Ingkong bilang buong-buong Kristo - ang Paghuhukom.
Ang kaluluwa ay siya sa kanyang huling sandali sa daigdig na ito. Hindi binabago ng kamatayan ang kanyang isipan at kalooban. Kung ano siya sa kanyang kamatayan ganoon siya sa kanyang pagharap sa hukuman ng Diyos. Sa gayong diwa, bagaman sa katotohanan ay hindi tayo iniwan ng ala-ala at pag-ibig ng Banal na Luklukan, ang kanyang mga pangarap, adhikain at mga turo noong siya ay kasama pa natin ay iyon din sa kanyang paglisan sa ating piling; ACC ang kanyang simbahan at OMHS ang kanyang kongregasyon, si Juan Florentino ang kanyang Patriyarka noong tayo ay kanyang lisanin, iyon pa din at hindi nababago maging sa kanyang pagpiling sa Mahal na Ingkong sa langit. iyon pa din wala nang iba. Hindi ang pagpikit ng mata ng Banal na Luklukan ang magpapabago sa kanyang kalooban tungkol sa kung ano ang kanyang simbahan at kongregasyon.
ANG BANAL NA PATRIYARKA AT SI JUAN BAUTISTA | PROPETA ELIAS
Si Propeta Elias
Winiwika ng Mahal na Ingkong sa bibig ng Patriyarka na ang "Patriyarka Juan Florentino, si Juan Bautista at si Propeta Elias ay iisa", gayon din ang pahayag noon at paniniwalang laganap ng mga sinaunang tinatakan na si Apo Juan Florentino ay walang iba kundi si Juan Bautista. Naalala ko ang isang kuwento mula sa isang tinatakan, doon sa Komprohan, noong ang Patriyarka ang gumaganap ng Binyag ni Juan, sinasabi na nakikita nila na walang ulo ang Patriyarka samantalang nag-bibinyag sa tubig. Ang Patriyarka ang tunay at nag-iisang JUAN ng MAHAL NA INGKONG at ang mga kasalukuyang Juan ay Juan ng Patriyarka kaparis na ang Mamang Sta Virginia ay may mga Marias - sila ay Maria ng Banal na Luklukan at hindi MARIA ng MAHAL NA INGKONG.
Si Juan Bautista
Mayroong dalawang propesiya na winika, una ng Anghel Gabriel kay San Zacarias, at ng propeta Malakias na pinaniniwalaan ko na hindi pa naganap o ganap na natupad noong kapanahunang naririto sa lupa ang Panginoong Hesukristo. Ito ay ang sumusunod:
Aklat ng Malakias 3:23
"Ngunit bago dumating ang kakila-kilabot na araw ni Yahweh, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. 24 Muling magkakasundo ang mga ama at ang mga anak. Kung hindi'y mapipilitan akong magtungo riyan at ganap na wasakin ang inyong bayan.At ang nasa Lukas 1:17
At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda."Una ,(Malakias 3:23); ang kakila-kilabot na araw ni Yahweh na tinutukoy ay walang iba kundi ang mga inihayag din ng P.Hesukristo, Mateo 24:29, Marcos 13:24-27, Lucas 21:25-28.
29 "Pagkatapos ng kapighatian sa mga panahong iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan.
Ibig sabihin ay bago ang ikalawang pagparito ng Panginoong Hesukristo, darating si Propeta Elias upang pagkasunduin ang mga pamilya - anak sa magulang.
Ang Patriyarka Juan Florentino
Ang dalawang propesiyang nabanggit ay natupad at natutupad ngayon sa katauhan at kaganapan ng Banal na Patriyarka. Ang bayan ng Diyos na tinutukoy ay walang iba kundi ang Simbahan bilang katuparan ng Tipan ng Mahal na Ingkong sa kanya noong 1968 AD nang wikain "MAPALAD KA ANAK SAPAGKAT UMABOT KA SA HULING PATAK NG AKING DUGO SA KALBARYO, SA IYO AT SA LAHI MO MABUBUO ANG MAMAMAYAN NG BAGONG HERUSALEM". Alalaon baga ay ang mga tinatakan - ang kalipunan ng lahat ng tinatakang napapaloob sa simbahan, ang Apostolic Catholic Church. Yaon ang Bayan ng Diyos, ang Bayang inihanda ni Juan sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Related sa post na si-juan-bautista-propeta-elias-at-ang patriyarka Juan Florentino
RESURRECTION o PAGKABUHAY NA MAG-ULI
Ang Resurrection naman ay salitang Inglis na nangangahulugan ng Pagkabuhay na Mag-uli, ang paniniwalang ito ay nagmula sa pangyayaring naganap sa ating P.Hesus na kung saan matapos na siya ay ilibing, matapos ang tatlong araw, sa araw ng linggo, siya ay muling nagbangong mula sa kamatayan.Tulad ng kanyang winika, na ibabangon niya ang templo matapos ang ikatlong araw, muli ngang ibinangon ng P.Hesus ang kanyang katawan at ito ay nakita, nahawakan, nahipo, napatunayan ng kanyang mga apostoles sa loob ng apatnapung araw pa bago ang kanyang pag-akyat sa kalangitan. Ang katawan iyon na kanyang templong binabanggit ay walang iba kundi ang katawang niluwalhati, ang nabuhay mula sa mga patay.