Monday, May 1, 2017

ANG MATA SA TRIANGULO









Ang nag iisang mata sa loob ng triangle, sagisag ba ito ng ano? Masama o mabuti?
Ang mata sa loob ng triangulo ay sagisag at simbolo ng OMNISCIENCE ng DIYOS. OMNI means LAHAT at SCIENCE ay KAALAMAN o KARUNONGAN - so pag sinabing OMNISCIENCE - NAKAKA ALAM NG LAHAT - NAKAKAKITA NG LAHAT.
Ang triangulo naman ay sumasagisag sa SANGKATLO o Santissima Trinidad. Ang Ama sa tuktok na kanto at ang Espiritu Santo at ang Anak naman sa magkabilang kanto sa ibaba. At silang tatlo ay may OMNISCIENT o OMNISCIENCE na katangian at kakayahan - tatlo na bumubuo sa iisa lamang na kapangyarihan.
Ang Sagisag na ito ay BANAL at BIBLICAL dahil nasusulat sa Genesis 16:13 - THE GOD WHO SEES, EL ROI.
At bukod diyan, ang hugis ng triangulo ay ang magkasalikup na pakpak ng Kerubin sa ibabaw ng kaban ng tipan at ang MATA naman sa loob ay walang iba kundi ang PRESENSYA NG DIYOS o ang DIYOS mismo na nasa ibabaw ng Kaban at nasa pagitan ng dalawang KERUBIN. Tingnan sa larawan
Bukod pa sa ang nasabing larawan, triangulo at mata ay ginagamit ng mga katekista noong araw sa pagtuturo sa mga bata patungkol sa Diyos at sa Santisima Trinidad.
Sinasabi ninyo na ito ay ginagamit ng mga nag aanting anting, in the first place, bakit kaya nila ginagamit? Iyon ang tanong na una munang sagutin bago sabihin o hatulan na itong sagisag na ito ay masama at sa diablo. Marahil natagpuan nila ang kapangyarihan at bisa ng sagisag na ito na hindi maunawaan at di naman makita ng mga dapat sanang kumikilala dito.
Ang sagisag na ito kaparis ng Krus ay sagisag ng Diyos at ng tagapagligtas subalit sa sandali na ito ay hindi na gamitin o hindi na pahalagahan ng mabubuti, gagamitin na ito ng masama para sa kanilang layunin.
Ang triangulo kaparis ng BITUIN ay parehong sagisag na inaagaw ng masama at ginagamit nila sa kanila sapagkat ang mga dapat gumamit nito ay hindi na naniniwala sa kapangyarihan at kahulugan ng banal na sagisag at simbolo.
Isa pang halimbawa ay ang KRUS NA BALIGTAD na ito ay sagisag ni San Pedro subalit binabago ng mga masama ang sagisag na ito at sabi ay sagisag ito ng ANTI KRISTO dahil baligtad. Pero hindi, ayaw nila na gamitin ito ng Kristiyano at mabubuti sapagkat kung di na gagamitin, wala na silang kahirap hirap sakupin ang mabubuti ng kanilang kasamaan sapagkat ang mga makapangyarihang sagisag ay binitawan na ng mga mabubuti.
Sa sandaling mabago ng masama ang paniniwala sa sagisag ng Krus, nawawalan ng tools o kasangkapan ang mabuti dahil sa kawalan ng kaalaman, para labanan ang kasamaan. At iyon naman ang plano talaga ng masama - ang agawin mula sa mga mabuti ang mga kasangkapan at sagisag ng kaligtasan nang sa gayon madali silang matalo ng mga ito.