Sunday, April 23, 2017

GAWANG PAGHATOL

Ang gawang humatol sa anomang bagay o paksa ay gawang mainam dahil ito ay kailangan natin sa ating pang araw araw na buhay. Itinuturo na ito sa atin simula pa lang sa pagkabata, paano humatol sa mga bagay bagay lalo at higit kung nakataya ang sariling buhay.
Tinuruan tayo kumilala ng mga kulay sa ating paligid, alin ang pula, alin ang puti, alin ang dilaw etc. Tinuruan tayo kumilala ng mahaba sa maikli, sa payat sa mataba, sa mabango sa mabaho, sa malinis sa marumi, sa lupa, sa hangin, sa langit, sa ulap. Sa madaling sabi sa ating batang kaisipan sinanay na tayong kumilala ng bagay bagay - hatulan at kilalanin ang mga bagay bagay ayon sa ating napag aralan o training.
Tungkol naman sa pagkilala ng tama sa mali vice versa, tinuruan din tayo na kumilala nito - tama at mali. Ngayon ang pagkilala at paghatol kung ano ang tama at ano ang mali ay depende iyan sa value system ng pamilya o ng paaralan o ng kapaligirang nilakihan. Ang konsepto ng "Tama at Mali" ay relative o depende sa kultura at panahon. Ano ang ibig kong sabihin dito, bawat tao, base sa pagpapalaki ng kanyang magulang ay may sariing konsepto ng tama at mali at ang konseptong ito ay idinidikta din ng kultura, relihiyon, umiirsal na batas sa bansa at iba pang impluwensya.
Dahil diyan maselan na usapin ang pagkilala at paghatol sa tama at mali maliban kung ang paksa ay Science o Agham at Matematika na ang resulta ay tiyak basta tama ang operasyong ginamit. Ang 1 + 1 = 2, magbabago ang resulta kung iba ang operasyon, halimbawa ay ginawang 1 x 1 = 1. Pero pagdating sa PANINIWALA, o PANANAMPALATAYA ay iba naman ito. Sapagkat nga bawat tao ay may kanya at sariling takbo at galaw ng isip, kalooban at espiritu. May iba't ibang antas o level ng pang-unawa at pag -iisip. Na kung gaano karami ang kaibahan sa bawat isa ay halos gayon din naman ang pagkakatulad sa maraming bagay.
Kaya unang una sa usaping tungkol sa paniniwala ay PAG GALANG O RESPETO, ikalawa ay ang WALANG PAGHATOL AGAD. Mali ang humatol agad kung walang sapat na kabatiran sa paksang pinag uusapan. Sabi nga ng pantas na si Albert Einstein "Condemnation without deliberation and investigation is extreme form of ignorance!" Kukundinahin mo ang isang tao o paniniwala ng wala kang sapat na batayan at kaalaman - iyan ay isang napakatinding kamangmangan.
Walang masama sa humatol at mahirap na ito ay maalis sa ating tao subalit isang bagay ang lagi nating isaalang alang - kung di natin lubos na nauunawaan ang isang bagay huwag muna tayong hahatol. At kung gayon ang ating mga kausap sa ating pamamahayag at pagbabahagi tungkol sa MNI at sa simbahan, ipauna natin iyan sa kanila, pinakamainam makipag aralan sa isang lugar na may pagkakaibigan. Walang bungang maganda ang debateng walang direksyon, na hindi pa man nagsisimula ay kondenado na ng isa ang kabilang parte at vice versa.
Ang debate ay tagisan ng talino, galing at husay hindi para agad agad patunayan kung sino ang tama at sino ang mali - ang mga iyan ay resulta at bunga ng matalinong talakayan. At hindi ang magkadebate ang magpapasya kung sino sa kanilang dalawa ang tama at sino ang mali kailangan ay may nagmamasid na tumitimbang sa mga katuwiran - at higit sa lahat ay may layunin at hangarin ang pag-uusap hindi pukolan walang direksyon - dahil kung magkakagayon - walang pupuntahan at sayang lang..malamang uminit lang ang ulo, sakitan ng dibdib. Sa halip na maipakilala ang MNI at ang simbahan ay nadala pa sila sa paglapastangan ng ibang tao.
Sabi nga sa DESIDERATA
"As far as possible, without surrender,
be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly;
and listen to others, even to the dull and the ignorant, they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit."
MNI bless us