Ave Maria Purissima!
Sinasabi sa aklat ni propeta Isaias "Makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking PANUKALA." Isaias 53:10
Dito sa mga propesiyang ito ay binabanggit na ng Amang Yahweh na Siya ay mayroong PANUKALA at ang tinutukoy niyang 'KANYA at NIYA' na magiging dahilan upang matupad ang PANUKALA ay natupad sa ating Panginoong Hesukristo. (Isaias 53:11-12; 50:4-7; Mateo 26:47-75;27:1-56 et al)
Ipinahayag ni Apostol Pablo sa mga taga Efeso kung ano ang PANUKALA na tinutukoy ng Diyos sa bibig ng Propeta Isaias, " Binigyan niya tayo ng karunungan at kabatiran upang lubos nating maunawaan ang kanyang lihim na panukala na isasakatuparan sa pamamagita ni Cristo pagdating ng takdang panahon. Ang panukalang ito ay PAG-ISAHIN KAY CRISTO ANG LAHAT NG NASA LANGIT AT NASA LUPA." Efeso 1:7-10
Alalaon baga ang PANUKALANG INILIHIM (Efeso 3:9) AY WALANG IBA KUNDI ANG PAGSASANIB NG TAGA LANGIT AT NG MGA TAGA LUPA. AT ITO AY MAGAGANAP SA TAKDANG PANAHON.
IBIG SABIHIN ITO AY HINDI PA NANGYARI NOONG PANAHON NG MGA APOSTOLES.
Ipinaliwanag din ni San Pablo kung paano magaganap ang panukalang ito at ito ay magaganap sa pamamagitan ng SIMBAHAN, "UPANG SA PAMAMAGITAN NG IGLESYA AY MAIPAKILALA NGAYON SA MGA PINUNO AT MGA MAYKAPANGYARIHAN DOON SA KALANGITAN ANG WALANG HANGGANG KARUNONGAN NG DIYOS NA NAHAHAYAG SA IBAT IBANG PARAAN." Efeso 3:10-11
Alalaon baga ang LIHIM NA PANUKALA AY MAGAGANAP SA PAMAMAGITAN NG SIMBAHAN SA TAKDANG PANAHON.
Sa pamamagitan ng Simbahan. Napakalaki at napakahalaga ng gampanin ng Simbahan sa pagsasakatuparan ng Diyos ng Kanyang lihim na panukala. Ang isang simbahan ay kalipunan ng tao, may hirarkiya, may pamunuan. Ang isang simbahan ay mayroong kinikilalang Ama o Patriyarka, may kinikilalang Ina o Matriyarka bilang dalawang pangunahing karakter ng lipunang Simbahan.
Ang isang simbahan ay may kaparian na itinalaga ang tagapag-tatag upang mangasiwa sa pagkakaloob ng mga banal na sakramento sa mga napapasakop dito - ibig sabihin ay mga tao. Ang kaparian ay mula sa karaniwang mga hindi-pangkaraniwang tao (mga tinatakan) na iniangat ng antas at kalagayang espiritwal upang maging mga overseer o tagapamahala at tagapangasiwa sa "bayang inihanda ni Juan Bautista para sa Diyos" Lucas 1:17
Simbahan sapagkat doon magkakasama-sama sa kanyang bubong ang magkakaibang lahi, ugali, kultura, kulay, talino at kaalamang taglay, at mga karanasan. Sa puntong iyon ay napag iisa ang maraming tao sa iisa at parehong pananampalataya, kilos, gawain at pananaw.
Ang simbahan ay ang ARKO NI NOE na kung saan magkakasama at nagkakabunggoan ng siko ang mabuti at malinis na hayop sa mga marumi at masamang hayop o sa madaling salita, nagkakasama ang Leon at ang mga tupa sa iisang ARKO. Sa labas ng ARKO na ito o ng Simbahang ito ay ang mapanganib na lakas ng hangin at alon ng baha at ang mga nasawi o napahamak dahil hindi nakinig sa pangangaral ni Noe. Sa Simbahang ito iisa lamang ang may hawak ng Timon at Manobela o Giya paris ng sa ARKO; sa ARKO si NOE ang may tangan, sa Simbahan Patriyarka ang may hawak. Hindi ang pagtalon sa tubig sa labas ang kaligtasan kung hindi masunod ang iyong kalooban sa kung saan mo ibig dalhin ang Arko sapagkat hindi naman ikaw ang may hawak ng manobela - ikaw paris ng iba ay pasahero lamang ng Arko, Pasahero ngunit may tungkulin na iniatang ang kapitan.
Walang kaligtasan sa labas ng ARKO NG MAHAL NA INGKONG. Iisa ang Kapitan ng ARKO ng ESPIRITU SANTO walang iba kundi ang Patriyarka tayong lahat ay mga pasahero o sakay lamang na may mga gaganaping tungkulin pero nakatitiyak hindi tayo ang may tungkuling i-maniobra ang arko. Ang ARKONG IYAN AY DILI IBA KUNDI ANG SIMBAHANG APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH.
Ang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH ay ang nag-iisang simbahan natayo sa bundok paris ng ARKO ni NOE na nag-iisang itinayo niya sa tuktok ng bundok. Nililibak at pinagtatawanan ng mga tao si Noe sapagkat gumawa ng bangka sa tuktok ng bundok gayong walang tubig at napakataas. GAyon din naman, ang Arkong APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH na natayo bundok ay nililibak at pinagtatawanan ng tao sapagkat paanong sa bundok manggagaling ang isang simbahan gayong marami nang simbahan sa ibaba at patag. Hindi nila naunawa na ang bundok ang matitirang mataas na lugar sa huling panahon kung saan sisindihan ng Diyos ang ilaw ng kabanalan upang tumanglaw sa mga nalulunod ng baha ng kasalanan at kawalan ng Diyos.
Nang ang simbahan ay pumalaot sa kapatagan ito ay nangangahulugan na ang baha ng pagkakasala at paglapastangan sa Diyos ay lubha nang mataas kung kaya lumayag na ang simbahan sa ibat ibang panig ng mundo - ang mga tumalon at ayaw pasakop sa Simbahan ay pawang masasama at masasakit na salita na lamang ang kanilang magagawa sapagkat sila sa malamang ay mapag iwanan ng bangka - maiiwang titimbol timbol sa pirasong putol ng lulutang lutang na kalat at layak sa tubig baha. Hindi kailanman maisasakay ng mga nasa bangka ang sinomang ayaw mag-abot ng kamay at ayaw kumapit sa SALBABIDANG ibinibigay. Ang mga tinatakan sa pasimulat pasimula ay sinasabi ng MAHAL NA INGKONG na "KAYO MGA ANAK ANG SALBABIDA NG INYONG BANSA, SALBABIDA NG INYONG MUNDO" Paano kung ang mismong salbabida ay hindi ibig dumugtong sa bangka - anong kaligtasan ang maibibigay niya sa tao. At paano kung salbabidang butas at wala nang espiritu - paano makapagliligtas ng buhay at kaluluwa ng tao?
ituloy natin...
SINO ANG MGA NASA LANGIT NA IPAGKAKAISA SA MGA NASA LUPA AT SINO NAMAN ANG MGA NASA LUPA?
Sa panalangin ay itinuro ng Panginoong Hesus sa mga alagad ang mga salitang "AMA NAMIN, SUMASALANGIT KA.." ibig sabihin ang DIYOS na tinatawag ni Hesus na AMA ay nasa langit, at ang Amang yaon ay ESPIRITU sapagkat tulad ng kanyang winika ANG DIYOS AY ESPIRITU (Juan 4:24).
Sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol ay natanaw ng diyakonong si Esteban ang ating P.Hesus na nakaupo sa kanan ng Ama (Gawa 7:55)
Sa aklat ng 2 Hari 2:11 isinasalaysay kung paanong tinangay ng karwaheng apoy na hila ng mga kabayong apoy si Propeta Elias at iniakyat sa langit sa pamamagitan ng ipo-ipo.
Sa sulat ni San Pablo sa mga taga Hebreo kanyang niliwanag kung ano ang mga nasa langit, at ito ay walang iba kundi ang HERUSALEM na kinaroroonan ng di mabilang na mga anghel, ng mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos, kay Hesus na tagapamagitan ng bagong tipan..." Hebreo 12:22-24
Ibig sabihin ang mga nasa langit ay ang DIYOS AT AMA katabi ang Panginoong Hesukristo, ang mga anghel, si Propeta Elias, at mga espiritu ng mga banal na tao. Sa mga banal na tao ay pangunahin ang mga banal ng Bagong Tipan walang iba kundi ang Mahal na Inang Birhen, mga Apostoles, mga alagad, at mga martir ng Kristiyanismo."
Yaon ang mga taga langit na ipapanaog, sa kabuoan ay tinatawag na MAKALANGIT NA HERUSALEM O HERUSALEM SA KALANGITAN." Ang Herusalem sa langit ay ESPIRITWAL at ang bumubuo dito ay pawang mga banal na Espiritu sa liwanag at tanglaw ng Amang Diyos Espiritu Santo. Tinawag kong Amang Diyos Espiritu Santo sapagkat siya namang katotohanan na ang Diyos at Ama ay Espiritu, at ang Espiritu ay Banal at Diyos.
SINO ANG MGA TAGA LUPA O SANLIBUTAN KUNG KANINO AT SAAN IPAGKAKAISA O ISASANIB ANG MGA TAGA LANGIT?
Sa halaman ni Hetsemani, ang Panginoon ay nagpapawis ng dugo sa matinding hapis at kalungkotan, ang kanyang idinadalangin sa Ama ay "Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. kaya Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan. Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila'y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita...Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila ay sa iyo..." Juan 17:1-26
Ibig sabihin ang mga taga langit ay hinihiling ng P.Hesus na ipagkaisa sa kanyang mga alagad hindi sa lahat ng tao kundi doon lamang sa hinirang ng Ama na mapapunta sa kawan ng Anak.
KAILAN AT MAY PALATANDAAN BA KUNG MAGAGANAP NA ANG TINUTUKOY NA TAKDANG PANAHON NG PAGSASANIB NA ITO?
Sa aklat ng Pahayag o Apocalipsis 10:7
kapag hinipan ng ika-pitong anghel ang kanyang trumpeta, ISASAGAWA NA NG DIYOS ANG LIHIM NIYANG PANUKALA gaya ng ipinahayag niya sa mga propeta na kanyang lingkod."
Sa Apocalipsis 11:15 - 19; 12:1
Nang hipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may malalakas na tinig buhat sa langit na nagwika, "Ang paghahari sa sanlibutan ay inilipat na sa ating Panginoon at sa kanyang Mesias. Maghahari siya magpakailanman... NABUKSAN ANG TEMPLO NG DIYOS SA LANGIT, AT NAKITA ANG KABAN NG TIPAN...kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: ISANG BABAENG NARARAMTAN NG ARAW AT NAKATUNGTONG SA BUWAN AT ANG ULO NIYA'Y MAY KORONANG BINUBUO NG LABINDALAWANG BITUIN"
So, ang palatandaang ibinigay ng Diyos ay ang ikapitong anghel na iihip ng ikapitong trompeta subalit paano nating malalaman kung nakaihip na ang anghel gayong di naman natin ito nakikita o naririnig? May kasunod na tanda at pangyayari kung makaihip na ang anghel at ito ay walang iba kundi ang BABAENG NARARAMTAN NG ARAW NA NAKATUNGTONG SA BUWAN AT MAY KORONANG LABINDALAWANG BITUIN.
Sinong babae yaon? May iba pa ba kundi ang Mahal na Inang Birhen Maria? Ang Mahal na Inang Birhen ang ginawang tanda ng Diyos sa huling panahon kaparis noong una na Siya din ang ginawang tanda sa pagdating ng Panginoong Hesukristo sa lupa noong sabihing "Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki!" Mateo 1:23; Isaias 7:14
Gayon din naman, isang babae din ang gagawing tanda ng Diyos sa kanyang huling kaganapan bilang Espiritu Santo. Siya, bilang Espiritu ng Ama at ng Anak ay iisa at pareho ang layunin - ang makapiling ang tao sa kanyang kaharian. Upang maipagsama sa kanyang kaharian na kung saan may kasalan ay kanyang bibihisan ng puting damit pangkasal ang kanyang mga hihirangin.
Napakita na ang babaeng nararamtan ng araw. Ang pangyayaring ito ay naganap noong 1917 sa Cova Da Iria Fatima Portugal na kung tagurian ng mga komunista, mason at mga atheista sa kanilang mga pahayagan ay ang " THE WOMAN CLOTHED WITH THE SUN".
ANG PAGSILANG NI STA MARIA VIRGINIA
Makalipas ang may ilang taon, 1922, December 30 - Isinilang ang isang sanggol na babae na pinangalanang Virginia o sa kabuoan ay Virginia Penaflor Leonson sa may Hermosa Bataan Pilipinas. Itinakda ng Ama sa langit na maging isang nababakurang hardin kung saan Niya ipupunla, pagdating ng araw, ang mga binhi ng mga isisilang na mamamayan ng Bagong Herusalem sa lupa.
ANG DRAGONG PULA
Sa kasunod na taon, 1918, ang Dragong Pula ay napakita sa mundo sa anyo ng Komunista. Ang Dragon ay ang matandang ahas sa paraiso na tumukso kay Eba. Ngayon, paris ng sinabi ng Ama, "Ikaw ahas at ang Babae ay maglalaban, binhi mo at binhi Niya ay laging mag-aaway. Siya ang yuyurak sa ulo mong iyan at ang sakong niya ay iyong aabangan." Genesis 3:15
Ang Dragon ay ang komunista na inilunsad ng prinsipyo ni Karl MARX at ng kanyang aklat na DAS KAPITAL, sinakop nitong ideolohiyang ito ang RUSSIA at CHINA at iba pang bansa. Sila ang may hawak ng karit at maso. Kung kaya nga maraming tao ang nasasawi bumabaha ng dugo sa lansangan at dinidilig ng luha at pighati ang maraming kaluluwa sapagkat yaon nga at dili iba ang karit ng kapaitan ng kaparusahan sa mundong hindi kumilala at sumunod sa aral ng Santo Ebanghelyo. Itinataas ng Komunista ang tao bilang sentro ng buhay at ng lahat ng bagay at ibinababa naman ang Diyos mula sa kanyang trono upang lapastanganin at yurakan sa lupa.
Sa kabilang banda ay ang prinsipyo ng Magnificat ng mahal na Inang Birhen Maria o MARY na ang sentro ng mundo at ng tao ay dapat ay Diyos at si Kristo. Na luwalhatiin ang Diyos sa kanyang maringal na trono.
MARY VERSUS MARX
Magkatunggali ang dalawa; MARY VERSUS MARX. Ang Mahal na Ina, marY ay may Y sa dulo alalaon baga ay sagisag ni Yahweh; si marX ay X sa dulo ibig sabihin ay ekis, wala, hindi kasama, at kamalian. Kay MARX at sa mga Komunista paris ng kanyang sinabi "THE CHURCH IS THE OPIUM OF THE PEOPLE". Ang simbahan daw ay opio o droga ng tao. Ang simbahan daw ang umaapi, bumubusabos sa tao, simbahan daw ang sumisira sa tao. Ang simbahan kailanman ay sa Diyos at ito ay banal. Ang mga taong nasa loob nito na napasasakop sa ideolohiya ni Satanas ang tunay na opio ng tao. Sila ang mga anay, bukbok at kalawang. Sila ang cancer ng sambayanan ng Diyos.
MGA KOMUNISTANG PARI
Noong 1930, ayon kay Gng Bella Dodd, isang converted na sekretarya ng Komunista, ay pinapasok ng matataas na opisyal ng komunista ang may 1000 kabataan sa seminaryo romano katoliko para mag-pari. At noong taong 1960s sa pagbubukas hanggang sa matapos ang Vatican II marami sa kanila ang naging mga obispo at kardinal na. Taglay ang misyon na sirain ang simbahan ni Kristo pinakialaman nila ang mga banal na kasangkapan, aral, at disiplina ng Simbahan. Dahil doon nagkaroon ng malaking pagkalito o confusion sa loob ng Romano Katoliko sa Vaticano. Nag-tunggalian ang mga obispo laban sa kapwa obispo, kardinal laban sa kardinal, pari laban sa pari, layko sa kapwa lakyo, katoliko laban sa katoliko.
VATICAN II AT PAGLUKLOK NI SATANAS SA VATICANO
At noon ngang 1968-1969 iniluklok si Satanas sa isang altar sa Vaticano, inakyat ni Satanas ang altar ng Diyos. Ang Espiritu Santo na siyang kaluwalhatian ni Yahweh ay umalis at iniwan yaon, naghanap ng matutungtongan ang paa sa malawak na baha ng kasalanan at kalapastanganan. Natagpuan niya ang isang bata sa nagninilay sa may seminaryo, si Florentino Teruel. Lumapag siya at napasa anyong matandang pulubi. Siya ang Mahal na Ingkong.
Winika ni Papa Pablo VI na ang usok ni Satanas ay umabot sa tabernakulo ng simbahan, taon 1972. Magmula nang makita ang pagpasok ng usok at si Satanas di pa ulit nakita kung lumabas na siya. Dahil doon, patuloy na sinisira ni Satanas ang kaparian ng Romano, eskandalo dito at eskandalo doon. Nagsisipagsarang seminaryo, nabebentang mga katedral at simbahan para lamang maipambayad sa mga ginahasa at inabusong mga kabataan, at mga kababaihan ng mga paring isinuko kay Satanas ang isip at kalooban. Hindi kailanman maigigiba ni Satanas ang Romano Katoliko subalit maigigiba niya panigurado ang mga kaparian nito.
DOUBTFUL KUNG MAY NAGIGING TOTOONG PARI AT OBISPO PA SA SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO
1968/1969 pasimula ng pagpapatupad ng bagong rito o ritwal ng ordinasyon ng pari at konsagrasyon ng obispo, at ng sta misa. Magpasimula noon alanganin na o doubtful kung tinatanggap pa ng mga paring romano at obispong romano ang mandato at mga kapangyarihan ng Simbahan. Sa bihis at anyo ay pari sila subalit sa espiritwal ay wala nang nakatitiyak. Nasa kanila ang mga edipisyo at mga gusali at simbahang malalaki ngunit wala sa kanila ang Espiritu Santo. Inalis at wala na sa kanila ang kapangyarihang magpatawad ng kasalanan - sabi na lang nila iyon. Sa mga tunay at tapat na sumasampaltaya sa Katawan at Dugo ng P.Hesukristo na hindi pa nakakakilala sa Mahal na Ingkong tinatanggap pa din nila ang Presensya, Dibinidad at Kabanalan ng P.HEsus sa eukaristiya sa kamay ng paring romano bilang pagtanaw ng Diyos sa kanila; Subalit sa karaniwan wala na silang tinatanggap kundi pirasong apa na lamang. Sa mga tinatakan na nakaka alam na may kapariang nakadestino sa kanilang lugar at may idinadaos na Sta Misa ay hindi dumadalo at sa halip ay sa kaparian ng Romano nagtutungo - wala na silang tinatanggap doon kundi pirasong apa na din lamang; Apa o wafer kasama ng kahatulan ng mahal na Ingkong.
MAGSITAKAS KAYO PATUNGO SA KABUNDOKAN
Sa puntong iyan kung bakit itinatag ng Diyos Espiritu Santo ang kanyang simbahan, sapagkat paris ng kanyang winika noon sa mga apostoles "Kung nakikita ninyo na nagaganap na ang mga iyan, at makita ninyo na nasa dakong kabanal banalan ang hindi dapat na roon ay MAGSITAKAS KAYO SA KABUNDOKAN" Sa bundok pinatutungo ng P.Hesus ang mga tao sapagkat kung paanong isinisigaw ni Noe sa mga tao noong araw, magsiakyat kayo sa bundok nadoon ang ARKO ng inyong kaligtasan, gayon din sa panahong ito - pinaakyat tayo ng Mahal na Ingkong sa kanyang bundok dahil nadoon ang kanyang Simbahan. Ang Simbahan sa ibabaw ng bundok na ang ilaw ay hindi maitatago.
WALANG IBANG SIMBAHAN SA LUPANG BANAL KUNDI APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Simbahan sapagkat doon papag-isahin ng Diyos ang mga taong kanyang ililigtas, masama man o mabuti, basta susunod at makikinig sa kanyang mensahe. Walang ibang Simbahan sa lupang banal kundi ang simbahang nariyan na buhay pa ang Sta MAria Virginia, ang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH. Ang simbahang pinuno at pinuspos ng Mahal na Ingkong ng pagpapala at mga propesiya. Ang Simbahang ito ang bagong bayan ng Diyos - ang Bagong Herusalem. Ang Simbahang ito ang katuparan at tutupad ng LIHIM NA PANUKALA NG DIYOS.
Noon pa man, ang Mahal na Ingkong sa katauhan ng Banal na Luklukan, kung sa lupang banal ang ganapan, SIYA AY NASA KATEDRAL at wala sa tindahan o sa bahay bahay lamang. Itinalaga Niya ang Katedral upang maging banal na dako ng Kanyang pagganap.
Noon pa man, ang Mahal na Ingkong sa katauhan ng Banal na Luklukan, kung sa lupang banal ang ganapan, SIYA AY NASA KATEDRAL at wala sa tindahan o sa bahay bahay lamang. Itinalaga Niya ang Katedral upang maging banal na dako ng Kanyang pagganap.
Komento at Aral mula sa ating Banal na Patriyarka:
AMP. DAKILA AT PINAGPALANG ALAGAD NG DAKILANG DIYOS. LUWALHATI SA DIYOS AT PAPURI SA IYO. SA APOKALIPSIS, SA KORTE NG DIYOS AY MAY ISANG PULAHAN DRAGON, MAY PITONG ULO AT SAMPUNG SUNGAY. ANG DRAGON AY SI SATANAS; PULAHAN DAHIL NAIS AT DULOT NITO AY KAGULUHAN AT KAMATAYAN. 7 ULO NA KUMAKATAWAN SA 7 KULTO O SAMAHAN.
7 NAGPAPANGGAP NA SIMBAHAN NA KUNWARI AY BANAL AT DAAN NG KALIGTASAN; GINAGAMIT ANG PANGALAN NG MNI, INANG BIRHEN MARIA AT SANTA MARIA VIRGINIA (MARIA VIRGINIA LEONZON). LAHAT SILA AY DATING MGA KASAPI NG ACC, PERO, NGAYON AY HINAHAMAK AT PILIT NA DINUDUROG ANG TUNAY NA BANAL NA SIMBAHANG PINAGMULAN.
SAMPUNG SUNGAY AY ANG SAMPUNG UTOS MULA SA AMANG DIYOS NA SI YAHWEH NA BUONG KALAPASTANGAN AT PAG-IIMBOT NA GINAGAWA NG 7 SAMAHAN NA ITO UPANG DURUGIN ANG ITINAYO NG MNI AT SILA ANG MAMAYAGPAG. MARAMI NA RIN SILANG NAPAPANIWALA DALA NG KAKULANGAN SA PAG-AARAL, PAGNINILAY AT PANANAMPALATAYA. MAG-INGAT TAYO.
Basahin din ang : Mga Samahang Nabuo na Hiwalay sa Simbahang Itinatag ng Mahal na Ingkong.