Ave Maria Purissima Sin Pecado Con Su Vida!
Mga Larawan nitong katatapos na Kaarawan ng mga Banal na ginanap sa Sacrifice Valley, Hermosa Bataan Philippines sa kagandahang loob ni Rev Fr Sumala, OMHS. Ang mga nasa larawan ay ang mga hihiranging bagong luklukan ng mga banal.
Ang mga larawan sa ibaba ay ang ginanap na pag- Mananita ng Mahal na Ingkong sa kanyang mga hinirang at tinatakan.
Ang nasabing Kaarawan ng mga Banal ay ginanap sa Nature's Basilica at dinaluhan ng maraming mga tinatakan na nagmula sa ibat ibang rehiyon at toka sa buong kapuloan. Labis na ikinagalak ng marami ang naturang pagdiriwang sapagkat sa muling pagkakataon ay dinagsa ng mga tinatakan at mga bisita ang Sacrifice Valley sa pagbabalik doo ng Apostolic Catholic Church na siyang lehitimong Simbahan ng Mahal na Ingkong.
Minamahal na mga kapwa ko tinatakan, ako po ay nananawagan sa inyo na ating suportahan sa pinansiyal ang ating Simbahan at ang ating Patriyarka sa kanyang mga mithiin sa ikalalaganap ng misyon ng Mahal na Ingkong at ng Sta Maria Virginia. Makipagugnayan po kayo sa ating simbahan, narito po ang ating opisyal na website www.acc-ingkong.com at mag-email po kayo sa ating Papang sa email na ito patriarkaakoATyahoo.com palitan nyo po ng @ sign ang malaking titik na AT sa naturang address.
Sabi po ng Banal na Kasulatan, "Kung nasaan daw ang ating kayamanan ay naroon din naman ang ating puso at kalooban" Kung tunay pong ang Ingkong at ang kanyang Simbahan ang ating buhay at kayamanan di po tayo magdadamot ng anomang ating maitutulong sa kanyang pag-unlad at pagyabong. Sinasabi po na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos. Gayon din naman ang atin pong simbahan ay nangangailangan din ng ating mga tulong pinansiyal at materyal. Haplusin nawa ng Mahal na Ingkong ang puso ng bawat isa upang maging kabahagi tayo sa misyon pandaigdig ng kanyang Simbahan. Amen.
May video po ang Mananita nasa links na ito: Mananita 1 Mananita 2 More of this news sa blog ni Fr Nomer Sumala, nasa link sa kanang bahagi.