Saturday, August 26, 2017

Order of the Missionaries of Rich and Famous

Ang mga misyonerong OMRF ay para lamang sa mayayaman at mga tanyag sa lipunan. Para sa mga maraming ari-arian, mga propitaryo at negosyante, sa mga may ari ng malls, pabrika, mga barko at malalaking negosyo hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Mga stock holders at shareholders.

Ang mga mayayaman ay tao din at may kaluluwa at kaparis ng lahat ng tao ay nangangailangan din ng kaligtasan ng kaluluwa. At kaparis ng lahat sila ay tumatanda, nagkakasakit at namamatay din. At kaparis ng iba sila ay nagkakasala din at nangagailangan ng Diyos.
Halos lahat ng kongregasyon at serbisyong binibigay ng gobyerno at simbahan ay para sa mga mahirap - kawawa naman ang mayayaman at mga sikat.
Nakakapag taka lamang, gusto ng mga kongregasyon at iba pang samahang pang relihiyon na makapag pagawa ng malalaking simbahan subalit ang tinatarget na mga gagawing kaanib ay ang mga mahihirap, sa pinansyal, walang trabahong nagbibigay ng magandang kita o sahod, walang ari ariang maituturing, walang pundar kundi damit at celphone lamang, walang pera o bank account, walang negosyo, walang sariling bahay at lupa, o nangungupahan lamang. Sa madaling sabi ay MAHIRAP.
Sa kanilang mahirap na kaanib sa kanila ipapatong ang ibat ibang koleksyon at paghingi ng mga donasyon pampagawa ng simbahan, pambili ng ganito at pambili ng ganoon. Kung hindi man walang makukuha sa kanila, magkaroon may ay kaunting kaunti lamang - at sa totoo ay inaagaw pa ang isusubo na lang ng mahirap na tao maiutulong lang sa simbahan o sa kanilang relihiyon.
Silang mahihirap ang kinukonsensya at inaaralan ng aral ng pagbibigay at kusang loob, bukas palad na pagkakaloob. Bukas na bukas na nga sila talagang wala na talagang maibibigay dahil wala namang nakukuhanan.
Pangingisda sa maling ilog. Hindi ka makakahuli ng isdang malalaki sa sapang maliit. Kung hangarin mo ay mayamang lamang dagat doon ka sa dagat mangisda hindi sa ilog o sapa. Hangad mo ay makapag pagawa ng matatayog na simbahan at mayayamang estruktura dapat ang misyunan at akayin ay iyong mga mayayaman, mga sikat sa lipunan hindi ang mahihirap na kumakalam ang tiyan. Wala kang makukuha sa kanilang materyal.


Problema mo ay pera wala kang makukuha sa wala ding pera. Doon ka pumunta sa maraming pera. Ang mga mahirap bukas na ang kalooban bukas na din ang bulsa dahil walang laman at dahil walang hanapbuhay o pinag kaka abalahan, yayain mo iyan at isama, agad na hahawak sa kamay mo, hindi dahil sa talagang naniniwala kundi dahil umaasang sa pagsama sa iyo may makakain siya o maiinom o kaya ay magkakaroon ng hanap buhay.
Kailangan ng mga misyonero para sa mga mayaman at sikat, sa mga mayaman sa materyal. Bakit hindi kuning halimbawa ang Roma, sino ang kinonvert nila di ba si Haring Constantino - nang maconvert napasa kanila ang imperyo. At ang marami pang kasaysayan ng mga hari at reyna ng ibat ibang kaharian at bansa sila ay inakit at pinuntahan ng mga misyonero.

Order of the Missionaries for the Rich and Famous (OMRF). Ano say ninyo?