Tuesday, August 29, 2017

ANG KAHARIAN NG DIYOS

ANG KAHARIAN NG DIYOS


Nasaan ang kaharian ng Diyos? Ang sabi ng P. Yeshua, ang kaharian ng Diyos ay nasa kalooban ng bawat isa sa mga sumasampalataya sa kaniya bilang sinugo ng Ama at sumasampalataya sa Ama. The kingdom of God is WITHIN YOU, nasa loob ng bawat isa.
Ano ang KALOOBAN? Ang kalooban o INNER o INSIDE o INTERNAL ay kung ano mayroon ang tao sa loob niya. Ito ay tumutukoy sa kanyang kaluluwa, espiritu at isip. Ang kaharian ng Diyos daw ay nasa sa kalooban ng bawat sumasampalataya.
Paano malalaman kung ang kaharian ng Diyos ay nasa sa atin? Sinasabi sa banal na Kasulatan na ang kaharian ng Diyos ay ESPIRITU AT KAPANGYARIHAN ito ay hindi dakdak, hindi maraming salita at pangungusap. Ang kaharian ng Diyos ay pagpapamalas ng mga patotoo ng Espiritu at Kapangyarihan ng Diyos.
Ang kahariang walang kapangyarihan at kapamahalaan sa ibang bagay o nasasakupan ay kahariang inutil at walang silbi. Ang hari ay dapat lamang na may kapangyarihan sa kanyang nasasakupan at ang kanyang kapangyarihan ay maipamamalas o maipapakita kung kinakailangan.
Ang mga binyagan na tunay at totoong sumasampalataya ayon mismo sa P. Yeshua ay magtataglay ng ganitong mga tanda ng kapangyarihan - Marcos 16:16-18
“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas. Ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika, sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay.”


At ang pagpapagaling din sa bulag, sa lumpo, sa bingi at pagpapalayas ng masamang espiritu ang ginawang halimbawa ng P. Yeshua sa mga hudyo noong araw bilang palatandaan na DUMATING NA ANG PAGHAHARI NG DIYOS sa inyo. MATEO 12:28
"Ngunit yamang ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, dumating na nga sa inyo ang paghahari ng Diyos."

Ang pagpapamalas ng Kapangyarihan at Espiritu ay tanda ng paghahari ng Diyos at hindi lamang ang mga salitaan, dakdakan at maraming usapan. Ganito din ang sinabi ni San Pablo sa mga taga Corinto - 1 CORINTO 4:20
"Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan."


NASAAN ANG MGA PATOTOO NG KAPANGYARIHAN AT NG ESPIRITU SA MGA TUNAY NA MANANAMPALATAYA AT NABINYAGAN?
Kung wala ng mga ito nangangahulugan lamang na ang paghahari ng Diyos sa kalooban ng bawat isa ay wala pa at hindi pa nangyayari.
SAAN KULANG, SAAN MALI, SAAN AT PAANO MAGKAKAROON NG ESPIRITU AT KAPANGYARIHAN, PAANO MAKAPAG HAHARI ANG DIYOS SA KALOOBAN NG TAO?
Nasaan ang mga binyagan na nagtataglay ng mga kakayahan na ipinangako ng P. Yeshua na magiging tanda ng kanilang pananampalataya kung sumasampalataya nga ba o nasa tama bang pananampalataya?


In other post:

Having supernatural or psychic power are not guarantee that a man is spiritual as these powers are tools to a more in-depth and wider appreciation of the wisdom of the Creator. These powers are not to be disregarded as well as without them one usually fall victim to superstition and false belief. God is unlimited so thus His power, I mean true power.

Saint Paul confirmed that the kingdom of God is POWER AND SPIRIT not endless chit chat, debates and talks. True Pastors and emissaries of the true God demonstrates POWER AND SPIRIT. They are not bunch of talkative bible quoting teachers but without power.

One characteristics of the truly sent Apostle and true follower/disciple and believer of Christ is they have POWER. So, if one who claimed to believe in Yeshua and has not shown or demonstrated any power at all , at least healing the fever by prayer, or casting out hecks and spirit possession by Yeshua's name has to be doubted.

If the faithful are expected to demonstrate power and spirit so the clergies, pastors, bishops, patriarchs have to be expected the more.