Saturday, April 13, 2013

Apostolic Catholic Church : The Signature Campaign Card and for the love of The National Shrine of Ina Poon Bato


Bilang isang bata, anu ang iyong maaaring magawa? Upang makatulong sa iyong simbahan? Paano mo ito magagawa?  Ito ay isang maikling kwento tungkol sa isang bata na magpapatunay na MERON siyang magagawa kahit pa BATA.  Ating basahin at talakayin ang mga susunod na paglalarawan ko sa batang lalaki na tampok sa aking kwento upang magsilbing inspirasyon sa tulad niyang bata at minsan pang naging bata na tumutulong sa Inang Simbahang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH.


“Kahit bata pa ako, handa akong sumuporta sa Simbahan ko…”    

   Isang payak na pamayanan sa siyudad ng Taguig namumuhay ang walong taong gulang na batang lalaki, Batutoy kung siya’y tawagin ng nakararami.  Kasama ang kanyang Ina at Lolo na magkasama rin na tumataguyod sa kanya.  Si Batutoy ay isang tipikal na bata na naglalaro at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan.  Tuwing araw ng Linggo ay makikita siya sa isa ring payak na kapilya na malapit lamang sa kanilang tahanan, ang Kapilya ng Mahal na Birhen ng Fatima na napapaloob sa Diyosesis ng Birhen ng Medalyang Milagrosa sa Taguig III.

Bilang bata, hindi natin maikukubli ang pagiging isang makulit at ubod ng likot. At kahit ganoon kahirap ang kanilang pamumuhay , hindi mo siya makitaan na iniinda ang kahirapan.  Nagbebenta ng buko salad Ice Candy and kanyang Ina habang ang lolo niya naman ay may katandaan na at si Batutoy na lamang ang kaisa-isang kayamanan nila.  Isang seryoso at masipag na naglilingkod sa harapan ng altar si Batutoy sa tuwing may Banal na Pagdiriwang sa Kapilya ng Birhen ng Fatima, dito ay madalas ko siyang makita.       


Hindi lingid sa kaalaman ng mga tinatakan na ang mga kabataan ay nakatalaga upang mangalap ng tulong pinansiyal para sa ating Mahal na Simbahan, ang National Shrine of Ina Poon Bato, na ngayon ay nangangailan ng malaking pondo para sa pagbili at upang sa huli ay mapasa-atin na ang lupang kinatatayuan nito, mayroon na lamang palugit na mahigit kumulang na tatlongpu’t tatlong [33] buwan.  At sa pamamagitan ng ‘Signature Campaign Card’ na ang layunin ay makatulong upang makapangalap ng tulong pinansyal sa mahal na simbahan ng Apostolic Catholic Church, at kung natatandaan ay ito ang ipinapakiusap ng ating Matriarka, Sta. Maria Virginia, na h’wag natin pababayaan mawala at kailangang ito ay makuha para ating mga hinirang niya at kapag nangyari ito ay hindi lamang ang National Shrine of Ina Poon Bato ang magkakaroon tayo kundi marami pang susunod na mga simbahan ang maitatayo, ang bawat pirma sa Signature Campaign Card ay katapat ang halagang sampung piso.   Maliit ika nga, kaya’t minabuti na sa mga kabataan ito ipasagawa.  Sa halagang sampung piso, makakatulong na ang isang tao sa pagtataguyod ng Simbahan ng Diyos Espiritu Santo.          

  Tulad ng kwento ko na ito: Kaya nais kong maipakita sa inyo kung paanu ang pagsunod ng batang ito, si Batutoy hawak ang Signature Campaign Card habang pumipirma ang hinihingan niya ng sampung piso:tignan ang larawan na nasa ibaba.  

















 Para mahalin ang Inang Simbahan, panu mo ba ito mapapatunayan? Lahat tayo ay anak ng Mahal na Ingkong at ng Mahal na Ina.

  Tulad ka ba ni Batutoy magmahal sa ating Inang Simbahan mula sa kanyang natatanging pamamaraan? ANG MAGMAHAL NA PARANG BATA? At sumunod ng walang pag-aalinlangan o katamaran?

At NATATANDAAN mo rin ba ang unang sinabe ng isang nagpakilalang matandang pulubi sa batang lalaki rin na si Florentino?

  “ANAK, MAAARI MO BA AKONG TULUNGAN???”
Mahal na Ingkong [1969]


Ikaw... bata man o matanda, anu kaya ang itutugon mo…? 


~AMdJ 032013