Ave Maria Purissima,
Sa ibaba, makikita nyo ang mga larawan ng pagpapasan ng Krus ng Mahal na Ingkong sa katauhan ng Banal na Patriyarka Juan Florentino.
Makikita ang pagsasalin ng koronang tinik mula sa Banal na Luklukan at Esposa ng Mahal na Ingkong, ang Mamang Sta Maria Virginia, sa ulo ng Patriyarka ng Simbahang Apostolic Catholic Church (ACC) na nagpapahiwatig na ang katungkolang pumasan at magpakasakit na dati ay ginagawa ng Banal na Luklukan ay ipinapasa at inililipat niya sa PAtriyarka at sa Simbahan.
Ito ay katuparan ng winiwika ni San Pablo na "ang Simbahan ang magpapakilala at magpapahayag sa Lihim na Panukala ng Diyos". Ang Simbahan sa pangunguna ng Patriyarka nito ang sisigaw sa ilang paris ng umaatungal na leon na ang Paghahari ng Diyos ay dumating na.
Paghahari na kung saan ang mga banal na espiritu na mula sa langit ay sasakupin ang katauhan ng mga tao sa lupa sa pamamagitan ng 'pagsasanib' bilang katuparan ng Panukala ng Diyos na matagal na inilihim, ANG PAGSASANIB NG TAGA LANGIT AT NG TAGA LUPA.