Thursday, December 15, 2011

CONTRA HATOR Ikatlo Bahagi: BABAE ANG ESPOSA HINDI LALAKI

AMP!



Mahaba ang email ng di ko masasabing kapatid natin sapagkat kung siya ay kapatid natin igagalang din niya ang tinawag pa niyang Papang. Mahaba ang email niya at binura ko ang maraming mga salita niya na wala sa hulog at puro below the belt. Dun tayo sa issue na mas mahalaga at may pakinabang ngayon at sa mga darating na panahon.

Sinagot ko ang kanyang email sa email address na binigay niya pero di nakarating ang sagot ko dahil ang email address na gamit niya ay doubtful domain.





Sa Whois look-up FOR SALE and domain na www.titoloco.com that is as of today 15 Dec 2011. Utos niya ay ipadala sa papang at papang ang gusto nyang sumagot? Saan sasagot anong email address. Again, one way ticket ito na communication. Gusto na siya lang pakinggan ayaw niya makarinig ng reply wari ba ay alam na niya eka ang sagot di na kailangan. Iyon naman pala bakit kailangan pa nila magtanong kung alam na din lang ang sagot. Ibig sabihin walang paghahangad sa pagkakaisa sa kung ano ang tama at wasto. Sino ang bulag at nabubulagan?

Isa isahin natin ang mga sinabi niya:

1. PAPANG... tinawag pa niyang Papang, bakit pa? Gayon ba ang isang tunay na anak sa kanyang ama? Kayo na ang magsabi. Ipinagagalang sa atin ng Panginoong Diyos at ipinatitik pa niya sa  bato ang Sampung Utos na mahalin at igalang natin ang ating ama sa lupa, kung gayon ipinagagalang ang ama sa laman, gaano pa kaya ang paggalang na ibig ng Diyos sa ama sa espiritwal. Si San Pablo ay napatatawag na ama sa mga inianak niya sa pananampalataya. Ang totoo di nila  Papang ang Papang dahil kung papang nila siya kahit kapirasong paggalang mayroon dapat.

2. TANGGAP NAMIN ANG ACC. O iyon naman pala sana makapagmisa na din sa tindahan ang ACC at sa mga distritong sakop nila. 

3. PAPANG DIUMANO ANG DI TANGGAP NG MGA TAO. Di totoo, buti pang sabihin at mas tama Di nila tanggap ang Papang, huwag silang mangatawan sa maraming tao. Yan ang mas wasto. Sila ang ayaw tumanggap sa Papang. Di tanggap nang mga matandang apo na naging obispo na pangunahan sila ng bata.

4. ANG PAPANG ANG PEKE AT DI ANG OBISPO NILA. Paano nangyari? Ang mga unang naging obispo at pari ay mula sa karaniwang mga tinatakan lamang. Inordinahan sila ng Patriyarka bilang pari at pagkalipas ng isa o dalawang taon ay kinonsagrang maging Obispo. Mula sa karaniwan sila ay itinaas ng Patriyarka at ng Simbahang ACC. Mula doon, sila ay nakilala at iginalang, tinanghal at halos pinapanginoon ng mga Apo. Tumatanggap ng mga regalo at salapi buhat sa mga Apo na hindi nila dinaranas noong sila ay hindi naman pari at obispo. Napamahal at minahal nila ang kanilang estado bilang pari at obispo, ayaw nila itong mawala sa kanila. Kahit noon pang kasama natin ang Mama may pangkat na ang mga unang obispo na hindi sumasang ayon at pasaway na talaga sa Patriyarka. Nang lumisan ang Mama, ang pumipigil sa kanila ay wala na, nag deklara na sila ng pag-suway, isa isa nagtalikuran sa Patriyarka at sa Simbahan, nagsipag hubad ng banal na kasuotang niyakap at hinalikan ng Sta Virginia. Saan ngayon nila nilagay mga benditadong damit na iyon? Nasaan? Ano ipinalit nila sa mga damit na iyon - bumili sila ng ibang damit, damit pang Romano.

Papang daw ang peke sabi niya at obispo nila ang totoo. Ano ba paksa dito. Ang pagiging pari ng Mahal na Ingkong na sabi niya peke ang Papang at tunay ang obispo nila? E di baga nga Patriyarka ng ACC ang ang orden at gumawang pari at obispo sa kanila o e kung ganun peke din obispo nila dahil sa Papang sila kumuha ng kapangyarihan. AT kung tunay ang Papang at binawi ang kapangyarihan nila sino ngayon ang peke at di totoo? Sino ngayon ang walang kapangyarihan na at di totoong pari at obispo?

Ngayon pano sila naging totoo kung inalis na sa kanila ng Patriyarka ng ACC ang mandato - iyon lumapit sila sa amerkanong obispo na sa balita ay peke din at tiwalag sa Romano. So anong kapangyarihan at mandato nakuha nila doon? Wala din. Teka, alam po ba ang mandato na sinasabi natin dito?

MANDATO:
  • Mandato mula sa mga Apostoles ng Panginoong Hesukristo: Apostolic Line of Succession, apostolic tradition ang tinutukoy natin dito, na mula sa panahon ng mga apostoles hanggang sa kasalukuyang panahon ang unbroken chain of authority ay isinasalin salin sa pagpuputong ng kamay at pagpapahid ng langis. Ito ay puwede naman nilang makuha talaga kung kokonekta at papasakop sila sa sinomang Obispo o Patriyarka na nagtataglay nito.
  • Mandato ng Mahal na Ingkong sa pamamagitan ng Sta Maria Virginia, at mandato ng Sta Virginia mismo: Ito ay makukuha lamang mismo sa  pamamagitan ng pagpo proklama mismo ng Sta Virginia, at ng Mahal na Ingkong mismo sa labi ng Sta Virginia. ITO AY HINDI NA NILA MAKUKUHA AT HINDI SILA MAGKAKAROON. Bakit? Dahil ang kasunod na pagpapakitang pisikal ng Banal na Luklukan ay pagparito na ng Mahal na Ingkong bilang buong buong Kristo - paghuhukom na iyon.
Itinatag ang ACC-OMHS ay 1992. Magmula noon hanggang 2005 iyan at bukod tanging iyan ang Simbahan, Kaparian at Patriyarkang kinikilala at ibinabantayog ng Sta Virginia. Sa mga kamay nila tumatanggap ng katawan at dugo ang Banal na Luklukan. Sa mga kamay nila nagsisipagmano ang Banal na Luklukan.

Kailan nagkaroon ng CMHT, ng pseudo FISVKK cult, ng COMBI, ng MECC ? After May 2005, natayo at nabuo sila WALA AT DI NA NATIN KASAMANG PISIKAL ANG BANAL NA LUKLUKAN. 

After a year, 2006, may FISVKK-CMHT, tapos mula sa kanila humiwalay si COMBI, sumunod ang MECC at ngayon 2011 ay grupo ni Gng Zenaida. May kanya kanyang aral. Wala na diumanong tatakan at wala na diumanong gagamitin - kung ano ang rason at umalis sila sa ACC at sa Patriyarka iyon din ang rason na ginagawan nila ngayon - may tatakan sila, may luklukan sila, may sariling simbahan daw at may sariling papang na, may sarili na ding mamang. Sino mamang nila ngayon natural kung sino ang ginagamit diumano ng Sta Virginia - kagulo nare.

Kita nyo na, sino sumira ng pag kakaisa, sino ang walang pagsunod, sino ang walang pagpapakababa? Sino ang nagpasimula ng pagtalikod at paghiwalay sa Simbahan, di baga yaong mga nagtayo niyang mga samahan na iyan?



NGAYON KUNG SIGURISTA KANG TAO - KANINO AT SAAN KA? KUNG SAAN KO KAYO INIWAN DOON KO KAYO BABALIKAN. Wika ng Sta Virginia. Saan ba tayo iniwan? Di baga sa Patriyarka at sa ACC, sa mga kaparian niya OMHS.

Noong winika ng MNI na pag binunot ko na ang Santwaryo kong buhay, sa BANAL NA SAKRAMENTO NA LAMANG NINYO AKO MAKIKITA AT MAKAKAUSAP. BANAL NA SAKRAMENTO o SANTISSIMO SAKRAMENTO SA ALTAR sa mga sakramento ng simbahan. Sino ba ang nagkakaloob at gumaganap para maipagkaloob ang Sakramento di baga mga pari? Sinong pari ngayon? Sinong Simbahan? Sino tinutukoy ng Mahal na Ingkong na doon na lamang natin siya makaka daupan palad?


Sa kaparian sa simbahan niya sa sakramento niya na lamang natin siya makakadaupang palad. Sa lahat ng nagkakaloob ng ganap na Sakramento mataas sa lahat ang kaganapan ng Patriyarka kumpara sa mga pari at obispo.

Sino ngayon ang tunay at sino ang nagpapanggap? Obispo nyo kanyo ang totoo? Usisain nyo kasi at ipatalakay ninyo iyan sa paraang objective at hindi personal. Ipa enumerate ninyo ang mga palatandaan ng tunay at may mandatong kaparian at obispo. Walang maraming usapan. SUBOK LANG!

5. BAKIT DI DAW GINAGAMIT NG AMA, NG SENIOR NOEMI, MAMA MARY atbp ang PATRIYARKA. Di talaga gagamitin dahil ang karangalan ng lahat na iyan ay sa Banal na Luklukan. Sa pasimula pa man, MNI lamang ang gumamit sa katauhan ni Apo Juan.

6. BIBLIYA DAW ANG  BASEHAN, SABI DOON BABAE ANG ESPOSA AT HINDI LALAKE. Kailan ba winika ng Mahal na Ingkong sa labi ng Patriyarka na sinasabi niya na Esposo o Esposa niya ang Patriyarka, meron ba? Bibliya ang basehan, are basahin ninyo at unawain:

Basahin ang sumusunod na paliwanag: Ang Luklukan ng Espiritu Santo at ang Anghel ng Silangan.
  1. An other Angel of the Apocalypse
  2. The Testament of the Holy Spirit to St Maria Virginia and the Patriarch at 
  3. Pagbabasbas pagkatapos ng Banal na Luklukan : may dalawang yugto ang pagtatatak ng Diyos, una ay ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng Esposa (Apoc 3:12) pero bago iyan ay tinipan niya muna ang Anghel ng Philadelphia. Ikalawa ay ang pagtatatak ng Diyos sa pamamagitan ng isa pang Anghel mula sa Silangan, ang Anghel ng Philadelphia (Apoc 7). Di siya luklukan pero siya ay Anghel na may pansulat. May tanong pa ba?







7. HUWAG DAW IBIDA NG PATRIYARKA ANG KANYANG MGA NAGAWA DAHIL PERA LAMANG TALAGA INTENSYON NIYA.  Okay, good. Ano ba nagawa na nila sa pagpapakilala sa buong mundo tungkol sa kaganapan ng ikatlong Persona ng Santissima Trinidad? Ano na ba nagawa nila para maitanghal na ang  mga tinatakan ay hindi kulto kundi isang Samahan at Organisasyong legal na may karangalan at dapat pagpitaganan? Ano na ba nagawa ninyo?
  • Kasama ng Mama, itinatag ng Papang ang Sacrifice Valley Kilusang Katoliko na later on ay naging First International Sacrifice Valley Kilusang Katoliko. Isinama dito ang Cursillo, ang Block Rosary Convention at iba pa naging FISVKK Incorporated. - Bagaman kilusang Katoliko at pang relihiyon walang sariling kaparian at simbahan ang mga tinatakan, Romanong Pari ng Diocese ng Bataan ang nagpupunta para mag-misa at magbigay ng Sakramento sa mga tao. Dumating sa punto na gusto ipa turn-over sa kanila ang management ng FISVKK Inc pero di ito pinayagan ng MNI at ng pamunuan. Nagpalabas ng kautusan ang Obispo ng Bataan na huwag komunyunan ang mga Apo at ang sulat ay nakarating din sa iba pang mga Obispo at mga Simbahang Romano sa Luzon at ibang probinsya. Binansagang KULTO ANG MGA APO AT ANG MNI, tinawag pang mga Anti-Cristo. Inatasan ng MNI si Apo Juan na gumawa ng paraan sa pag-sang ayon at bendisyon naman ng Banal na Luklukan. 1992 natatag ang FISV- Apostolic Catholic Church o FISVACC nagkaroon ng unang batch ng mga pari at obispo sa ordeng OMHS. Ang FISVACC ay hindi dapat pailalim sa FISVKK bagaman ito ang unang samahan, sapagkat ang FISVKK ay LAYKONG SAMAHAN at ang FISVACC ay isang SIMBAHAN. Hindi kailanman nangyari na maging sa Romano na mataas pa ang LAYKO  sa KAPARIAN, o ang samahan ng tao sa SIMBAHAN.
  • Bagaman may simbahan na ang mga tinatakan, hindi pa din lubos na tinatanggap ng Romano at ng marami pa ding tao ang kaganapan ng Mahal na Ingkong - kulto pa din ang tawag nila. Para ipakilala ng Patriyarka na ang mga tinatakan ay may karangalan bagaman mahihirap at walang aral ang karamihan tayo ay hindi kulto at hindi mga anti Cristo. Nagsumite at tinanggap ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) ang ACC na doon, nakakasalamuha ng Patriyarka ang mga lider ng ibat ibang sekta, denominasyon at ang mga Obispo ng Romano - ang CBCP.
  • May boses na, maitataas na ng mga tinatakan ang kanilang mga noo, hindi na maaring tuya-tuyain, pitik pitikin ang mga kaparian na humahayo sa mga balwarte ng Romano. Hindi na kulangot at libag ang mga tinatakan. Nang akusahan na Killer Kulto ang Sacrifice Valley na ipinalabas sa segment ni Korina Sanchez - may braso nang malakas at tinig ang mga tinatakan sa pamamagitan ng Simbahan at Patriyarka.
  • Itinatag din ng Patriyarka ang Seminaryo, at bilang Doctor of Philosophy o Ph D na siyang isang requirement para kilalanin ng pamahalaan ang isang paaralan, naitayo ang kolehiyo sa Sacrifice Valley at sa kamaynilaan. 
  • Sa pamamagitan ng Patriyarka, nakilala sa ibat ibang panig ng bansa at sa ibang  bansa ang kaganapan ng Mahal na Ingkong, binigyan ng parangal ng maraming samahang civico ang Banal na Luklukan bilang Ulirang Ina. Walang award na ibibigay sa Patriyarka na hindi din bibigyan ang Inang sa kanya ay nagsilang. 
  • Lumaganap sa Amerika, sa UK, sa Canada, sa Japan, sa Hongkong, sa Cambodia at sa marami pang bansa ang pagkilala sa Mahal na Ingkong at sa ACC, sa Sacrifice Valley.
  • Marami pang iba, walang sapat na lugar dito para salaysayin lahat ng kabutihan para ipakilala ang MNI at Sacrifice Valley ng ating Patriyarka.
NAGAWA BA IYAN NG MGA LIDER NINYO? ANO NAGAWA MO ANO NAGAWA NINYO NA MAGANDA AT IKAGAGANDA NG LUPANG BANAL? DI IYAN SINASABI SA INYONG MGA TAGASUNOD LAMANG NG INYONG MGA LIDER SAPAGKAT PAG NALAMAN NINYO IYAN AT NAPATUNAYANG KATOTOHANAN - TAPOS NA ANG KANILANG MALIGAYANG ARAW. SUBOK LANG, ITANONG NYO...

Tingnan ang mga Pagpapakilala ng banal na Patriyarka at ng ACC sa kaganapan ng Mahal na Ingkong



8. PAPANIWALAIN SIYA NA GINAGAMIT NG INGKONG ANG PAPANG SAKA SIYA LULUHOD AT HAHALIK SA  TALAMPAKAN NG PAPANG.  Ang taong ito akala mo makakadagdag sa karangalang panlupa o panglangit ng Patriyarka kung humalik siya sa talampakan ng Ama ng Simbahan. Sobrang tayog ng lipad mo bata sino at ano ka ba? Mapabilang ka man at magbalik sa ACC di ka karagdagan sa karangalan ng simbahan ni ng Patriyarka. Manapa ay magbalik loob ka at magsisi matutuwa pa lahat ng anghel sa kalangitan. Tayog ng lipad mo wari ba ay mataas ka pa sa Patriyarka, tinawag mo pang Papang wala kang galang. Wika mo ay maging professional - professional ka ba at alam mo ba ang pagigign professional.  Ano na ba ang narating mo sa edukasyon sa lupa, sa edukasyon sa langit? Ano ba ang pagiging professional. Sagutin mo din ang mga tanong ko gamitin mo tunay mong email at doon ako sasagot, kung pekeng email ibibigay mo, dito sa blog ko mababasa mo sagot ko.

Sabi mo padala ko sa Papang at ayaw mo ako sumagot, gusto mo siya sumagot pero peke email mo. Isa pa may FB account naman siya bat di mo pa doon ideretso, bakit? Sumagot ang inaakusahan nyo para makarating sa inyo ang side niya ano ginawa ninyo BINURA NYO...So, hindi kayo after na marinig naman mula sa mga inaakusahan nyo ang kanilang panig - dun kayo lamang sa nagliligaw sa inyo - sa mga lider at pinuno ninyo na ayaw kayong mawala sapagkat kung magkakagayon - katapusan na ng kanilang tinatamasang  estado.