Ave Maria Purissima
Ang kasaysayan sa ibaba na inyong matutunghayan ay tungkol sa buhay, sakripisyo, at paglilingkod ng Banal na Luklukan ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong. Sa kaarawan ng kanyang dakilang pag-himbing at lubos na pakikipag-isa sa kanyang Esposo sa kaharian ng langit - nawa ang talambuhay niyang ito ay maging inspirasyon nating lahat. Ibigin natin at mahalin ang minamahal at minamahalaga ng Mama, walang iba kundi ang misyon ng Mahal na Ingkong na kanyang itiniwala sa kamay ng Banal na Patriyarka Juan Florentino at ng Simbahang Apostolic Catholic Church.
Mga kapatid, sumagi nawa sa ating gunita ang laging inaawit para sa atin ng ating Mama - SANA'Y WALA NANG WAKAS...
Salamat po kay Rev Fr Juan Arnaldo,OMHS at TOM Sister Maria Urdina, OMHS sa kanilang pagbibigay ng sipi ng talambuhay na ito. Dapat lamang mabatid ng lahat ang sakripisyong ginawa ng Mama para sa ating lahat at sa kanyang simbahang Apostolic Catholic Church.
AKO SI MARIA VIRGINIA PENAFLOR LEONZON, ANG BUNSO SA MARAMING MGA ANAK NINA G. PACIFICO M. LEONZON AT GNG. TIMOTEA S. PENAFLOR NG DINALUPIHAN AT HERMOSA, BATAAN. ISINILANG AKO NOONG IKA-30 NG DISYEMBRE, 1922.
ANG AKING AMA, HANGGANG SA KAMATAYAN, AY NAGLINGKOD AT NANUNGKULAN SA MUNISIPYO NG HERMOSA, BATAAN. KINIKILALA AT GINAGALANG SIYA NG MGA TAONG BAYAN BILANG ISANG AMA NA NAKAHANDA LAGING TUMULONG AT MAGKAWANGGAWA.
NAMATAY ANG AKING AMA NOONG TAONG 1923. IISANG TAONG GULANG PA LAMANG AKO, KAYA’T HINDI KO SIYA NAKILALA. NAGKAISIP AKO SA PAG-AARUGA NG AKING IMPO (LOLA) AT TIYA NA KAPATID NG AKING INA. NOONG UNA, ANG ALAM KO, ANG TIYA KO ANG AKING INA AT ANG AKING AMA AY NASA AMERIKA. ITO ANG ITINURO AT IPINAMULAT SA AKIN NG LAHAT.
SUBALI’T NANG BAWIIN NG BUHAY ANG AKING IMPO, DUON KO NALAMAN AT NATALOS NA ANG AKING TUNAY NA INA AY SI TIMOTEA S. PENAFLOR, AT HINDI ANG NASABI KONG TIYA. PERO NAPAKAHIRAP PARA SA ISANG KATULAD KO NA TANGGAPIN AT PANIWALAAN ANG KATOTOHANANG ITO. ISANG ARAW, BIGLA NA LANG AKO KINUHA AT ITINAKAS NG AKING HINDI NAKIKILALANG INA. KINUHA NIYO AKO MULA SA DINALUPIHAN AT INIUWI NIYA AKO SA HERMOSA. DOON, AKO AY KINAUSAP NG LAHAT KONG KAMAG-ANAK. PILIT NA SINASABI AT PINATATANGGAP SA AKIN NA ANG TUNAY KONG INA AY ANG MISMONG KUMUHA SA AKIN. ANG WIKA KO, “KUNG SIYA ANG AKING TUNAY NA INA, BAKIT NIYA AKO IPINAMIGAY SA IBANG TAO?”
NAGSIKAP MAGPALIWANAG ANG AKING INA. NGUNI’T TUNAY NA NAPAKATAGAL BAGO KO NATANGGAP ANG MGA PANGYAYARING ITO. MABAIT AT MAPAGMAHAL ANG DIYOS. SA KANYANG KAPANGYARIHAN AT PAG-GAGABAY AY NILIWANAG NIYA ANG AKING KAISIPAN AT IBINUKAS NIYA ANG AKING KALOOBAN. NATUTO AKONG MAGPAKABABA AT TANGGAPIN ANG ANUMANG IPINAGKAKALOOB NIYA SA AKIN. NASA IKATLONG BAITANG AKO NOON NANG KINUHA AKO NG AKING INA.
LUMIPAS ANG MGA TAON, NAKATAPOS AKO SA AKING PAG-AARAL SA MABABANG PAARALAN SA AMING LALAWIGAN. SUBALI’T NAKAPAG-ARAL AT NAKATAPOS AKO NG AKING KOLEHIYO NA MAY KURSONG AB (BACHELORS OF ARTS – MAJOR IN ARTS AND SCIENCES). NANG UMUWI AKO SA HERMOSA, BATAAN AY HINANGAD KONG MAKAPASOK SA KUMBENTO AT MAGMADRE. NOON ANG AMING KURA-PAROKO AY SI REV. FR. CALILUNG. NAKIUSAP AKO SA KANYA NA TULUNGAN AKONG MAKAPASOK SA KUMBENTO. SUMANG-AYON NAMAN SIYA AT NANGAKONG TUTULUNGAN AKO. SUBALI’T NAIS NIYA NA MAGTURO MUNA AKO NG KATESISMO SA PAARALAN AT MAGLINGKOD SA SIMBAHAN BILANG PAGHAHANDA SA AKING BOKASYON. NAGPAALAM AT NAGSABI RIN AKO SA AKING INA TUNGKOL SA AKING BALAK GAWIN SA BUHAY. NAGPAKATANGGI-TANGGI ANG AKING INA. KINAUSAP NIYA SI FR. CALILUNG. IPINAKIUSAP NG AKING INA NA HUWAG AKONG PAYAGAN AT TULUNGAN MAKAPASOK SA KUMBENTO. SIYA DAW AY MAMAMATAY.
KINAUSAP AKO NANG MASINSINAN NI FATHER CALILUNG PAKUNDANGAN SA KAHILINGAN NG AKING INA. NANG HINDI MANGYARI ANG AKING KAGUSTUHAN, ISINUBSOB KO NA LAMANG ANG AKING ULO SA PAGTUTURO SA KATEKISMO AT SA PAG-AWIT KASAMA ANG KORO NG SIMBAHAN. ISA AKO SA MASASABING NAGTATAG NG SAMAHAN NG MGA HIJAS DE MARIA NG AMING SIMBAHAN. NAGPAPALIMOS KAMI AT NAGLILIKOM NG SALAPI PARA SA ISANG REBULTO NG BIRHEN MILAGROSA. ANG AMING PINAKAPANGULO NOON AY SI TIYA NIEVES DE JESUS. KAMI ANG NAG-AAYOS NG ALTAR TUWING SABADO NG HAPON, LALO NA KUNG UNANG SABADO NG BUWAN. ITO AY MISANG ALAY AT PINAMUMUNUAN NG MGA HIJAS DE MARIA.
HINDI NAGTAGAL, NABAGOT AT NAGALIT ANG AKING INA SA PAMAMALAGI AT PAGLILINGKOD KO TUWINA SA SIMBAHAN. NANG AKO AY HINDI MAPIGIL SA PAGTUNGO AT PAGGANAP SA SIMBAHAN, AKO AY SINASAKTAN AT PINAGMAMALUPITAN NG AKING INA. MINSAN AY DUMATING ANG AKING INA NA GALING SA AMING PALAISDAAN. NANG HINDI NIYA AKO NADATNAN SA AMING BAHAY AY DALI-DALI SIYANG NAGTUNGO SA SIMBAHAN. PINAGALITAN NIYA AKO AT PAKALADKAD NA INILABAS NG SIMBAHAN, HAWAK NIYA ANG AKING BUHOK AT SINASAMPAL AKO SA HARAP NG MGA TAO. NAGTIIS AKO. HINDI KO IPINAKITA SA MGA TAO ANG AKING PAGLUHA. PAGDATING KO SA BAHAY AY SA UNAN KO NA LAMANG IKINAGAT ANG AKING MGA NGIPIN UPANG ANG AKING PANAGHOY AY HINDI MARINIG NG AKING INA AT NG MGA TAO.
MALUPIT ANG AKING INA SA AKIN. NGUNI’T NAKIKITA KONG MABAIT SIYA SA IBANG TAO. KUNG WALANG PAGKAIN ANG IBANG TAO, SIYA AY NAGDADALA NG BIGAS SA MGA ITO. KUNG MAY NAMAMATAY AY DUMADAMAY AT TUMUTULONG SIYA SA NAMATAYAN. KUNG MINSAN AY WALANG PERA ANG MGA NAULILA, ANG AKING INA ANG NAGPAPALIBING.
NATALOS NI FR. CALILUNG ANG GINAGAWANG KALUPITAN NG AKING INA. KINAUSAP NIYA AT PINAGPAYUHAN ITO. SUBALI’T HINDI SIYA NITO PINAKINGGAN. KAYA NAISIP KO NA TUNAY NA KAILANGAN NA AKO AY MAGPATULOY SA PAGPASOK SA KUMBENTO AT MAG-ALAY NG BUHAY BILANG MADRE. NANG MALAMAN ITO NG AKING INA AY HIGIT NIYA AKONG HINIGPITAN. MAAARI AKONG MAGSIMBA SUBALI’T HINDI AKO MAAARING MAGTAGAL O MAGLINGKOD SA LOOB NG SIMBAHAN. NAGALIT ANG AKING INA PATI NA KAY FR. CALILUNG.
DUMATING ANG ISA PANG DAGOK NG BUHAY SA AKIN. ITO AY NANG MINSAN AKONG PAYAGANG, DUMALO SA SAYAWAN SA MUNISIPYO NAMIN. PAG-UWI KO AY NAPAKARAMING BISITA SAAMING TAHANAN. NAROROON ANG NINONG KONG GOBERNADOR NA SI GOB. ALBERTO AQUINO AT ANG MGA TAUHAN NG HUSGADO SA BALANGA, BATAAN. PAGPASOK KO SA LOOB NG AKING KUWARTO AY SINALUBONG AKO AT NIYAKAP NG AKING INA. SINABI NG AKING INA SA AKIN NA MAG-AASAWA NA RAW AKO. LABIS AKONG NAGITLA AT HALOS HINDI MAKAPAGSALITA. PAGKATAPOS, NAGWIKA AKO, “HINDI AKO MAG-AASAWA KAILAN MAN. AKO AY MAGMAMADRE.”
DATAPUWA’T IPINAKITA SA AKIN NG AKING INA ANG ISANG KASULATANG PIRMADO NIYA. ITO ANG KASULATAN NG KASAMIENTO (KASAL). HINDI RAW SIYA DAPAT MAPAHIYA AT ANG KAGUSTUHAN NIYA ANG MASUSUNOD. HINIMATAY AKO. NANG MAHIMASMASAN AKO AY TAPOS NA ANG USAPAN O KASUNDUAN. SA DARATING NA LINGGO, AKO RAW AY IKAKASAL SA KABISERA (BALANGA) NG BATAAN. AT SA SUSUNOD NA BUWAN AY IKAKASAL AKO SA PARI. WALA AKONG NAGAWA, KAYA PARA AKONG MANIKA NA SUSUNOD-SUNOD. ANG AKING HINGI SA ATING PANGINOONG DIYOS NA SANA PAGKATAPOS NG KASAL AY KUNIN NA LAMANG NIYA AKO.
NAGTANONG AKO AT HUMINGI NG PAYO KAY FR. CALILUNG KUNG ANO ANG DAPAT KONG GAWIN. NASABI KONG HINDI NAMAN AKO MAAARING MAGPAKAMATAY SAPAGKA’T TUNAY NA MAY TAKOT AKO SA DIYOS. PERO, SA PAKIWARI KO AY PARANG PATAY NA RIN AKO. ANG PAYO SA AKIN NI FR. CALILUNG AY MAGTIIS NA LAMANG AKO. WINIKA NIYA NA DARATING DIN ANG ARAW NA TATANGGAP DIN AKO NG PAGPAPALA MULA SA DIYOS. ANG TANONG KO AY KUNG PAANO NA ANG AKING BOKASYON. ANG SABI NIYA KUNG TUNAY NA AKO AY PARA SA PAGLILINGKOD SA DIYOS, ANG DIYOS NA RIN ANG GAGAWA NG PARAAN AT MAGTATADHANA SA AKIN. AKO AY NAKASAL SA PILIT. ANG PALAGAY KO SA AKING SARILI AY PARA AKONG ROBOT NA PINAGAGALAW LAMANG NG PANAHON.
SUBALI’T TUNAY NA MAKAPANGYARIHAN ANG PANGINOONG DIYOS. HINDI NAGLAON, NOONG AGOSTO 12, AY NAAKSIDENTE KAMI SA BALSIK. SINAWING PALAD AT NAMATAY ANG AKING ASAWA. NAGING PATAWIRIN DIN ANG AKING BUHAY. NAGING GRABE ANG KALAGAYAN KO. SA AWA AT TULONG NG PANGINOONG DIYOS, MARAHIL AY MAY PLANO PA SIYA SA AKIN, AKO AY NABUHAY. KINAKAILANGAN KO ANG LUBOS NA PAMAMAHINGA. AWANG-AWA SA AKIN ANG AKING KAPATID NA SI ADELIO, HEPE NG PULISYA NG HERMOSA, BATAAN. SIYA ANG NAG-ALAGA SA AKIN.
TAONG 1941, NAGSIMULA ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WWII). KAMI AY LUMIKAS AT NANIRAHAN SA AMING PALAISDAAN SA HAGONOY, BULACAN. DUON NAMIN HININTAY ANG KATAHIMIKAN. NANG DUMATING ANG BALITA NA MARAMING SUNDALONG HAPON ANG DARATING SA AMING LUGAR, NAPAGKAISAHAN NG LAHAT NA MAGKAKASAMA NA UMALIS AT MAGTUNGO SA MALABON, RIZAL. NAGTAYO NG ISANG TAHIAN. AT KUNG MADALING ARAW, AY NAMAMAKYAW AKO NG GULAY SA MGA BIYAHERO. HALOS LAHAT NG MGA TRAK (TRUCK) NA NAGDADALA NG KALAKAL MULA SA IBA’T –IBANG LALAWIGAN AY HALOS AY OKUPADO KO.
AKO ANG NAGBIBIGAY AT NAGLALAGAK NG MGA PANINDA SA MGA TINDERA. ARAW-ARAW NA GINAWA NG DIYOS, ITO NA ANG TAKBO NG BUHAY KO. NALILIBANG AT PANATAG NA ANG AKING KALOOBAN. NGUNIT SA KABILA NITO, HINDI KO ALAM NA ANG AKING INA AY NABABAGOT. ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGSISIKAP AT NAGPAPAKASAKIT UPANG KUMITA NG SALAPI AY SAPAGKA’T TATLONG PAMILYA ANG NASA AMIN, NAKIKITIRA AT UMAASA.
ISANG ARAW AY KINAUSAP MULI AKO NG AKING INA. LAKING KABA NA NAMAN NG AKING DIBDIB. WINIKA NIYA NA KAILANGAN NA MULI AKONG MAG-ASAWA UPANG MAPAHINGA AKO SA HIRAP. SUBALI’T ANG WIKA KO AY MALIGAYA NAMAN AKO SA PAGTULONG SA KAPWA. SINABI KO PA NGA SA AKING INA, NA SIYA MAN AY NAKITAAN KO NG PAGTULONG SA TAO. SUBALI’T ANG SAGOT NG AKING INA. “IBA ANG PANAHON NOON. NGAYON AY DIGMAAN. NOON MARAMI TAYONG PALAY AT ISDA, NGAYON AY WALA NA. HINDI PA NGA TAYO NAKATITIYAK NG BUHAY.”
TUWI-TUWINA AY HINIHIMOK AKO NG AKING INA NA MAG-ASAWANG MULI. NAGKATAON NA MAYROONG ISANG OPISYAL NG HAPON NA NAGKAKAGUSTO SA AKIN. KAYA’T SA TAKOT NG AKING INA AY IPINAGKASUNDO NIYA AKO SA ISANG LALAKING BISAYA NA MAYROONG OPISINA NG TRAK SA HARAP NG AMING BAHAY. ANG PANINIWALA NG AKING INA NA ITO AY BINATA, MABUTING TAO AT MAY KAYA SA BUHAY. SA KANYA NANUYO ANG TAONG ITO. ANG PANGALAN NIYA AY JOSE BENEDICTO TERUEL. MUKHA SIYANG MAGINOO AT MABAIT.
DAHIL SA NAGING MASUNURIN AKONG ANAK, SINABI KO SA AKING INA NA KUNG KALIGAYAHAN NIYA NA AKO AY MULING IPAGKASUNDO UPANG MAGPAKASAL AT KUNG SA INAAKALA NIYA NA MABUTING TAO ITO, AY SIYA NA ANG BAHALA. SUSUNOD AKO. NOON ANG AMING PANINIWALA, ANG ISANG LALAKI NA HAYAGANG NAG-AANYAYA NG KASAL SA SIMBAHAN, ITO AY BINATA AT MABUTING KRISTIYANO. ITO AY TOTOO PARA SA AKIN SAPAGKA’T WALA PA AKONG NALAMAN O NAKITANG MANLOLOKONG TAO.
DUMATING ANG ISANG ARAW, NA ANG HAPON NA NANLILIGAW SA AKIN AY DUMALAW SA AMING BAHAY. NATAKOT KAMING MAG-INA NA BAKA ANO PA ANG GAWIN SA AMIN. KAYA ANG GINAWA NG AKING INA AY PUMIRMA NA SIYA SA KASUNDUAN NG KASAL. AT NANG SUMUNOD NA LINGGO, KAMI AY IKINASAL SA SIMBAHAN NG ESPIRITU SANTO, SA TAYUMAN, MAYNILA. SUBALI’T ANG KAPAYAPAAN NG AKING BUHAY AY MULING NALIGALIG. NAGDADALANTAO AKO NOON NG TATLONG BUWAN PARA SA AKING PANGANAY NA ANAK. MAY ISANG BABAE NA AYOS UTUSAN AT MAY AKAY-AKAY NA PITONG BATA ANG NAGTUNGO AT NAGPAKILALA SA AKIN. SINABI NG BABAE NA ANG MGA BATA AY MGA ANAK NI JOSE B. TERUEL, NA AKING ASAWA. NAGULAT AKO AT HALOS HIMATAYIN. PINILIT KONG AYUSIN ANG AKING SARILI. NAHIMASMASAN AKO AT NAITUON ANG AKING AWA SA MGA BATA. SA HALIP NA AKO AY MAGALIT AT IPAGTABUYAN KO SILA AY PINAKAIN KO AT BINIGYAN KO PA SILA NG PERA. MAGALANG KO SILANG PINAUWI AT SINABI KO NA MAG-UUSAP KAMI NG KANILANG AMA.
NANG DUMATING ANG AKING ASAWA AY WALA AKONG SINAYANG NA PANAHON. KINAUSAP KO SIYA AT SINABI ANG TUNGKOL SA NANGYARING PAGDALAW NG KANYANG MGA ANAK. WINIKA NITO” “WALA AKONG DAPAT ALALAHANIN SAPAGKA’T HINDI SIYA KASAL SA BABAE. HUWAG DAW AKONG MABAHALA. AKO RAW ANG KANYANG ASAWA DAHIL KASAL KAMI SA SIMBAHAN.” SA KABILA NG LAHAT NG KANYANG PALIWANAG AY NAKADAMA AKO NG PAGKAGALIT AT PAGKAMUHI. ANG ALAM KO AY NILOKO NIYA AKO AT NILOLOKO NIYA RIN ANG KANYANG MGA ANAK. NALAMAN DIN ITO NG AKING INA. NOONG UNA AY NAGALIT SIYA KAY JOSE. SUBALI’T NANG MALAON AY WINIKA NIYA NA HUWAG AKONG MABAHALA AT HINDI NAMAN ITO KASAL SA IBA. NAWIKA KO TULOY SA AKING SARILI KUNG BAKIT GANITO ANG AKING KAPALARAN. WIKA KO HINDI NAMAN AKO MASAMANG ANAK. LAHAT NGA NG GUSTO NG AKING INA AY BUONG PAGGALANG KONG SINUSUNOD.
WALA AKONG MAGAWA KUNG HINDI ANG TUMANGIS. PINUNTAHAN KO ANG PARING NAGKASAL SA AMIN NA WALANG IBA KUNDI SI REV. FR. ANTONIO. IPINAGTAPAT KO SA KANYA ANG NAGANAP SA AKING BUHAY. IPINIPILIT KO NA KUNG MAAARI AY IPAWALANG BISA ANG AKING KASAL KAY JOSE AT NAIS KO NG DIBORSIYO. SABI NG PARI “WALA TAYONG DIBORSIYO SA PILIPINAS.” ANG MABUTI PA ANYA AY PUNTAHAN MO ANG BABAE NANG MAKITA MO AT MALAMAN KUNG SILA AY KASAL. GINAWA KO NGA ANG PAYO SA AKIN. NAGPUNTA AKO SA BABAE AT NAGTANUNG-TANONG. IPINAKITA SA AKIN ANG ISANG PAPEL NA GALING SA ISANG MINISTRO NA PROTESTANTE SUBALI’T HINDI ITO NAKAREHISTRO.
UMALIS AKO AT NAGBALIK KAY FR. ANTONIO. SINABI KO ANG AKING NALAMAN. KAYA ANG WIKA NG PARI. “IKAW ANG TUNAY NA ASAWA.” ANG TANONG KO PAANO ANG MGA BATA AT KAWAWA NAMAN ANG MGA ITO. SINABI NI FR ANTONIO, “IYAN ANG KRUS MO.” DALHIN KO RAW ITO AT AKO AY PAGPAPALAIN NG DIYOS. HUWAG KO LAMANG DAW PAYAGAN NA MAGSAMA PA SILANG DALAWA AT HUWAG KONG PAPABAYAAN ANG MGA BATA. KUNG TUTULUNGAN KO RAW ANG MGA BATA AY MAGTATAMO AKO NG BIYAYANG WALANG HANGGAN. PARI NG DIYOS ANG NAGWIKA KAYA’T BUONG PAGPAPAKUMBABA AT PAGTITIWALA KO ITONG TINANGGAP. NOONG PANAHON IYON ANG PANINIWALA KO ANG LAHAT NG PARI AY BANAL. AT ANG LAHAT NG SALITA NILA AY TOTOO.
SINUNOD KO ANG PAYO AT HABILIN NI FR. ANTONIO. AKO ANG NAGSUPORTA SALAHAT NG MGA PANGANGAILANGAN NG MGA BATANG ITO MULA SA PAGKAIN, DAMIT AT MGA PAG-AARAL HANGGANG SAPITIN NILA ANG KOLEHIYO. ANG TULONG KONG ITO AY NAGMULA SA KABUHAYAN AT LUPAING IPINAMANA SA AKIN NG AKING MGA MAGULANG. ANG AMA NG MGA BATA AY WALANG TIYAKANG HANAPBUHAY KUNG HINDI ANG MAG-AHENTE NG LUPA. MAGING ANG AKING MGA LUPAING MINANA AY NAPANGAHASAN NIYANG ISANLA AT IBENTA UPANG MAGKAROON DAW KAMI NG PAGKAKATAONG MABUHAY NG MASAGANA. DAHILAN NA SIYA RIN ANG AMA NG AKING SARILING MGA ANAK AY PUMAYAG AKO. SUBALI’T SINAMANG-PALAD NA LAHAT ANG BAWA’T IPUNDAR NIYANG HANAP-BUHAY. LAHAT NG ITO AY BUMABAGSAK. TTO ANG DAHILAN KAYA’T HALOS MAUBOS ANG AKING MINANANG KABUHAYAN MULA SA AKING AMA.
NANG INAAKALA NG AKING INA NA HINDI NA AKO MAALIS SA HIRAP NG BUHAY NA YAON, SIYA NA MISMO ANG UMAAWAY SA AMA NG AKING MGA ANAK. SIYAM NA LAHAT ANG AMING NAGING SUPLING. SA TULONG NG PANGINOON AT BIGAY NIYANG LAKAS AT TALINO SA AKIN AY NAKARAOS KAMI SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY AT NAKATUTULONG PA AKO SA UNA NIYANG PAMILYA. GUMAWA NG PARAAN ANG AKING INA NA MAPAHIWALAY AKO KAY JOSE. GANITO RIN ANG GINAGAWA NG PANGANAY KONG KAPATID. HALOS PATAYIN NG AKING KAPATID SI JOSE. SUBALI’T NAGMAMAKAAWA AKO NA HUWAG NILANG SASAKTAN ITO. WINIKA KO NA KAPAG NAHIWALAY AKO SA AKING ASAWA AY SASABIHIN NG TAO NA AKO AY MASAMA. SA AKING PANINIWALA ANG HIWALAY NA BABAE AY PINAGBIBINTANGANG NANGANGALUNYA. TAKOT NA TAKOT AKONG MASIRA ANG AMING MAGANDANG PANGALAN NA INIWAN NG AKING AMA.
NOONG TAONG 1960, TAON NG ELECTION NOON, NAPABILANG AKO SA NACIONALISTA PARTY BILANG LIDER NG MGA KABABAIHAN. ITINAYO KO ANG PHILIPPINE WOMEN HOME INDUSTRY NA NAKAANIB SA NACIDA. ANG SAMAHANG ITO AY NAGBIBIGAY NG LIBRENG PAG-AARAL AT PAGSASANAY NG MGA GAWAING PAGKAKAKITAHAN NG MGA KABABAIHAN TULAD NG PANANAHI, PAGKUKULOT, PAGBUBURDA ATBP. SAPAGKAT NAKITA NG AMA NG MGA BATA NA MAYROON AKONG NAIPONG KAUNTING SALAPI NA MAAARING GAMITIN NA PUHUNAN AY IPINAKIUSAP SA AKIN NA IPAGKATIWALA ITO SA PARA SA LUMAGO. NGUNI’T HINDI NA AKO PUMAYAG DAHILAN SA LAGING BAGSAK ANG BAWA’T ITAYO NIYANG HANAPBUHAY. ANG WIKA KO ANG KAUNTING PERANG ITO AY INILALAAN KO PARA SA PAG-AARAL NG SIYAM KONG ANAK ( 2 BABAE AT 7 LALAKI).
NANG AYAW KONG PUMAYAG NA IBIGAY ANG PERA SA KANYA, NAGALIT ITO AT NAGSIMULA NA ITONG SAKTAN AKO. DITO AY LALONG BUMIGAT ANG PASAN KONG KRUS. HINDI NA AKO NATUTULUNGAN NG AMA NG AKING MGA ANAK SA PAGTATAGUYOD AT PAGHAHANAPBUHAY AY BINUBUGBOG PA AKO NITO. ISANG ARAW, SA HARAP NG AKING MGA KASAMANG LIDER POLITIKO AY SINUNTOK NIYA AKO. TUMAMA SA KALIWA KONG TAINGA ANG KANYANG KAMAY. NAGKATAOON NA NANDOON DIN ANG AKING ANAK NA PANGANAY.
NAPAHANDUSAY AKO AT NAWALANG MALAY. SINUNGGABAN NG PANGANAY KONG ANAK ANG KURBATA NG KANYANG AMA AT PILIT ITONG IPINULUPOT SA KANYANG LEEG. LUMAWIT ANG DILA NI JOSE. ANG DALAWA KO PANG ANAK AY HUMAWAK NG PATALIM AT TINANGKANG UNDAYAN NG SAKSAK ANG KANILANG AMA. NANG MAGKAMALAY AKO AT NALAMAN KO ANG MGA PANGYAYARI. AY NAPASIGAW AKO. SABI KO SA AKING ANAK, “IBITIW MO NA ANG IYONG AMA, NANGINGITIM NA SIYA.” ANG SAGOT NG AKING ANAK, “KAILANGANG PATAYIN KO NA SIYA UPANG MATAPOS NA ANG IYONG PAGHIHIRAP.”
NANG HINDI KO MAPASUNOD ANG AKING PANGANAY NA ANAK AY KINUHA KO ANG ISANG PATALIM MULA SA ISA KONG ANAK AT ITINUON KO SA AKING DIBDIB. WIKA KO, “KUNG HINDI MO IBIBITIW ANG KURBATA AY MAGPAPAKAMATAY NA RIN AKO. HINDI KO MATITIIS NA MAKITA ANG AKING ANAK AY MABILANGGO DAHIL KRIMINAL ITO NG KANYANG SARILING AMA.” NAPAG-ALAMAN NG AKING ANAK NA GAGAWIN KO ANG AKING WINIKA. NATAKOT ITO AT BINITAWAN ANG KANYANG AMA. PAGKATAPOS AY UMIYAK NA LUMAPIT SA AKIN NA NAGWIKA, “SANA AY TAPOS NA ANG HIRAP MO.” KAYA’T KAMING MAG-IINA AY SAMA-SAMANG UMALIS NG BAHAY. NAGTAGO KAMI AT HUMANAP NG TITIRHAN NA MALAYO SA AKING ASAWA. AYAW NA NG AKING MGA ANAK NA MAGSAMA PA KAMI NG KANILANG AMA SA SANDALI RAW NA MAGBALIKAN KAMI AT MAULIT PA ANG MGA PANGYAYARI AY TALAGANG MAY MAMAMATAY NA.
NAKIUSAP AKO SA AKING MGA ANAK NA MAGTIIS NA LAMANG AT UNAWAIN ANG KANILANG AMA, HUWAG LAMANG MASIRA ANG BUHAY NILA SAMPU NA NG KANILANG PANGALAN. SUBALI’T AYAW NILA, LAGI NILA AKONG BINABANTAYAN. DUMATING ANG PAGKAKATAON NA NATAGPUAN DIN KAMI NG KANILANG AMA. GABI-BAGI AY BINABATO AT MINUMURA KAMI NITO, NA ANG BAWA’T BATO AY IBINABALIK SA KANYA NG AKING MGA ANAK.
ISANG GABI AY PINUNTAHAN KAMI NG AMA NG MGA BATA KASAMA SILA PRESIDENTE CARLOS P. GARCIA, SEN. GIL PUYAT AT MANILA CHIEF OF POLICE MORALES UPANG IPAKIUSAP AT IPAGSUYO ANG AMA NG MGA BATA. SUBALI’T ITINAGO AKO NG AKING MGA ANAK SA AMING BASEMENT. DAHIL DAW MADALI AKONG MAPAPAYAG. HINARAP NG AKING MGA ANAK ANG MGA PANAUHIN AT KINAUSAP ITO NANG MAAYOS. WINIKA NG AKING PANGANAY NA ANAK, “BUHAT NG AKO AY MAGKAMALAY HINDI KO NAKITA NA KUMITA NG KAHIT PISO ANG AMING AMA UPANG PAKAININ KAMI. LAHAT NG NEGOSYO NIYA AY BAGSAK PATI NA LAHAT NG KABUHAYAN NG AMING INA AY WINALDAS NIYA. PITO ANG KANYANG MGA ANAK SA IBANG BABAE. AT ANG INA KO PA RIN ANG NAGPAPAKAIN AT NAGPAPA-ARAL. KUNG WALANG IBIGAY NA PERA ANG AMING INA AY SINASAKTAN NIYA. NAGTITIIS NA LAMANG ANG AMING INA.”
NANG MALAMAN NG MGA PANAUHIN ANG KATOTOHANAN, TUMAYO ANG PRESIDENTE AT NAGWIKA, “WALA TAYONG MAGAGAWA. MGA ANAK NA ANG NAKIKIALAM SA KANILA. KAYA ANG MASASABI NAMIN, JOE, AY LIGAWAN MO ANG MGA ANAK MO.” NANG TANUNGIN ANG MGA BATA KUNG NASAAN ANG KANILANG INA, ANG SAGOT NILA, “ ANG AMIN PONG DESISYON AY DESISYON DIN PO NG AMING INA. KAYA, HUWAG NA NINYO SIYANG HANAPIN PA.” UMALIS ANG MGA PANAUHIN NA WALANG NAGAWA. SUBALI’T HINDI TUMIGIL ANG AMA NG MGA BATA. PATULOY ITO SA PANGGUGULO AT PANANAKOT SA AMIN.
MINSAN AY BINATO NITO NA KAPIRASONG SULAT ANG LOOB NG AKING KOTSE. ANG NAKASULAT DUON AY BIGYAN KO RAW SIYA NG DALAWAMPUNG LIBONG PISO (P20,000.00) AT HINDI NA NIYA KAMI GAGAMBALAIN. AT NANG HINDI KO IBIGAY ANG NAIS NIYA AY ARAW-ARAW AKONG HINAHARANG NG TAKSING INUUPAHAN NIYA. KUNG MINSAN AY BASTA NA LAMANG NITONG HAHABLUTIN AT AAGAWIN ANG AKING BAG. KUNG KASAMA KO ANG AKING PANGANAY NA KAPATID AY HAHABULIN NITO NG KUTSILYO KAHIT NA SA GITNA NG AVENIDA RIZAL.
GANITO NG GANITO ANG NAGAGANAP. KAYA’T NAISIP KO NA KAILANGAN NG MATAPOS ITO. NAGNILAY AKO. HININGI KO SA PANGINOON ANG LIWANAG AT AKO AY PATAWARIN NIYA. NAISIP KO ANG PARAAN. BAGAMA’T MASAMA SA AKING KALOOBAN. TINANGGAP KO SI ALFREDO TURLA BILANG KASAMA KO NANG MAY PANGILAGAN SI JOSE. UNA AYAW RIN NG AKING MGA ANAK. SUBALI’T NANG MAKITA NILA NA HINDI NA KAMI GINULO NG KANILANG AMA, TINGGAP NA RIN NG MGA BATA. HALOS NAGSAMA KAMI NI TURLA NG 15 TAON. MAPAYAPA KAMING NAMUHAY BAGAMA’T AKO RIN ANG BREAD EARNER. MASAYA KAMI PAGKA’T TAHIMIK.
SUBALI’T NANG AKO AY MAGING ISA NG CURSILLISTA, AT ANG AKING ANAK NA SI FLORENTINO AY NAG-AARAL SA SEMINARYO, SA SAN JOSE MAJOR SEMINARY, SA ATENEO, DUMATING ANG PANGYAYARI NA ANG AKING ANAK NA IYAN SI FLORENTINO AY DATINGAN NG BIYAYA NG DIYOS SA LOOB NG SEMINARYO. MADALAS, SABI NG KANYANG IBANG KASAMAHAN NA NAKAKITA: NANGANGARAL SIYA. MADALAS KUNG NAG-VIVIGIL ITO, NAKIKITA RAW NILA NANG LUMILIWANAG ANG ALTAR NG PAGKALIWA-LIWANAG.
AT MINSAN UMUWI SIYA SA BAHAY PARA GAWIN ANG LEKSIYON. NANG HATINGGABI NA, NARINIG KO NA MAY BUMAGSAK SA KUWARTO. BUMANGON AKO. NAKITA KONG NAKAHANDUSAY SI FLORENTINO. KAYA’T NILAPITAN KO. SUBALI’T NANG AKING HAHAWAKAN PARA IBANGON, MAY LIWANAG NA GALING SA ITAAS NA PUMASOK SA BINTANA NAMIN AT TUMAMA KAY FLORENTINO. NABALOT NG ULAP ITO AT KARAKA-RAKA, NAKITA KO NA LAMANG NA NAKA-FLOAT ITO. NANG TINGNAN KO, NAKITA KO HANGGANG BAYWANG ANG MUKHA NG DIOS AMA. MALIWANAG NA MALIWANAG. TINAWAG AKO. SUBALI’T SA TAKOT KO, NAPALUHOD AKO AT NAGTAKIP NG MUKHA. TINAWAG AKONG MULI, ANIYA, “VIRGINIA, VIRGINIA, MASDAN MO AKO.” AYAW KO DAHIL SA TAKOT KONG MAMATAY. DAHIL SABI NG IMPO KO NOON, KAPAG NAKITA RAW NINUMAN ANG DIYOS MAMAMATAY ANG NAKAKITA. SUBALI’T MULI AKONG TINAWAG, ANG WIKA, “VIRGINIA, IKAW ANG MAGPAPATULOY NG IKATLONG DECADO NG AKING PAGKA-DIOS SA LUPA.”
HINDI AKO MAKASAGOT. SUBALI’T MAY NADAMA AKONG LAKAS NA NAGPATAAS NG AKING MUKHA. AT NAKATINGIN AKO SA MUKHA NG ATING PANGINOON. DOON AKO AY SUMAGOT, WIKA KO, “PANGINOON, PATAWARIN MO PO AKO. AKO PA BA AY KARAPAT-DAPAT SA INYONG KALOOBAN?” ISA PO AKONG MAKASALANAN.” SAGOT SA AKIN, “KALOOBAN KO ANG MASUSUNOD.” WIKA KO ULI, “PAANO KO PONG IIWANAN ANG AKING MGA ANAK. AKO PO ANG AMA AT INA NILA?” ANG SAGOT NG PANGINOON, “HINDI SILA MAGUGUTOM.” NANG AKING MARINIG ITO, DUMAPA AKO AT WINIKA KO, “SINO PO AKONG SUSUWAY SA INYONG KALOOBAN.” IYON LAMANG AT NADAMA KO ANG KAMAY NA NAPAKABANGO. NANG MARINIG KO ANG MGA AWITIN NG MALILIIT NA TINIG, “ALELUYA, ALELUYA!” AT NAWALA ANG PANGINOON. NAKITA KO ANG AKING ANAK NA NAKAHANDUSAY PA RIN. HINDI KO IPINAGTAPAT SA KANYA ANG NANGYARI SAPAGKA’T NAG-AALALA AKONG MASIRA ANG KANYANG PAGPAPARI. BUHAT NOON,HINDI KO MAWARI ANG NANGYAYARI SA AKIN.
LAGI NA LAMANG AKONG NAKUKUHA BILANG RECTORA, BISE O DI KAYA AUXIE. BASTA LAGI NA LANG AKONG KAILANGAN SA CURSILLO. HANGGANG ARAW-ARAW DUMARATING ANG MGA TAO NA KUNG SAAN-SAAN NANGGAGALING AT HUMIHINGI NG PAYO SA ESPIRITUNG DUMARATING SA AKIN.
NANG AKO AY MAG-RECTORA SA DAMBANANG KAWAYAN SA TIPAS, TAGUIG, RIZAL, AYON SA MGA KATULONG KO AT MGA KANDIDATO NANG KAMI AY NASA LOOB NG SIMBAHAN. (PAGKA’T PIETY ANG ROLLO, KAILANGANG MANALANGIN ANG RECOTORA PARA SA MGA CANDIDATES) AKO AY NAHILO. NAKITA RAW NILA NA AKO AY PUMUNTA SA HARAP NG TABERNACULO AT NANALANGIN. NANG HUMARAP AKO SA KANILA AY NAKITA NILA ANG MUKHA KO NA NAGING MUKHA NG PANGINOONG JESUS NA MAY KORONANG TINIK, TUMUTULO ANG DUGO.
KAYA’T NANG AKO AY MAGISING, ANG IBANG CANDIDATES AY NAGHUHUMIYAW: “DIYOS KO, PATAWARIN MO AKO,” HALOS AYAW MAGSIHINTO. NANG AKING LAPITAN AY LALONG NAGSISIGAWAN SA TAKOT. HINDI RIN AKO MAKAPANIWALA. SUBALI’T IPINAKITA NILA SA AKIN ANG KASUUTAN KO NA MAY DUGONG SARIWA. KAYA’T LUMUHOD AKO AT NAGDASAL, NA ANG WIKA KO, “ITO PO BA ANG KAGANAPAN NANG WINIKA NINYO SA AKIN?” ANG HALOS LAHAT NG KANDIDATO KO NA MATITIGAS ANG ULO AT MGA PROBLEMANG MGA MAGULANG AY NAGING MABABAIT. ITINAPON ANG MGA BISYONG DALA-DALA SA LOOB NG CURSILLO. NANG DUMATING ANG MANANITA, SIGAWAN AT HUMINGI NG TAWAD SA KANILANG MGA MAGULANG, KAYA’T ANG KLASENG IYON AY NAGING USAPAN NG MGA CURSILLISTA.
NAGPATULOY SA AKIN ANG BIYAYANG ITO. HINDI NA AKO NAKAPAGHANAP-BUHAY. SA LABAS NG BAHAY, HALOS BUONG MAGHAPON AY MAY BISITA KAMI NA NAKIKIPAG-USAP SA MAHAL NA INGKONG NA ITO ANG NAIS NIYANG ITAWAG SA KANYA.
NAGING RECTORA AKO SA ORION, BATAAN. NAGPAPAKITA MULI ANG MAHAL NA INGKONG TUWING KAMI AY NASA HARAP NG TABERNAKULO. AYON SA PAGKAKASABI NG MGA KANDIDATO KAPAG AKO AY NAGISING NA. DALAWANG LINGGO BAGO SUMAPIT ANG KLASE KO SA ORANI, BATAAN AY NAGULAT AKO SA SINABI NA HINDI RAW MATUTULOY ANG KLASE KO DAHIL HINDI ITO NAAPROBAHAN NG SECRETARIAT. ANG MASAKIT PA PINAPUNTA PA AKO SA PAMPANGA UPANG MAKIUSAP SA SECRETARIAT.
PAGDATING KO ROON AY NALAMAN KONG HINDI PALA NA-I-SUBMIT ANG AKING PANGALAN. ANG PAGKUHA RAW NG RECTOR O RECTORA AY NASA DISCRETION NG ADMINISTRADOR NG CURSILLO. HINDI NA AKO KUMIBO. MARAHIL ITO AY ISA SA AKING HUMILIATION. SUBALI’T NANG MALAMAN NG AKING MGA KABABAYANG CURSILLISTA ITO AY NAGKAISANG HINDI MAGBIGAY NG MGA KANDIDATO SA ORANI. PINAKIUSAPAN KO SILA AT SINABIHAN KO NA GANYAN TALAGA ANG NAGLILINGKOD SA DIYOS KASAMA ANG PAGSUBOK. AT NAUNAWAAN NAMAN NILA AKO.
NANG AKO AY HINDI MATANGGAP NG ADMINISTRADOR NG CURSILLO AY SA RECOLLECTION NAMAN AKO NAGLINGKOD. UNA PINULAAN AKO. BAKIT KO RAW TATANGGAPIN ANG RECOLLECTION, GAYUNG NAGING RECTORA NA AKO SA CURSILLO. SINABI KO SA MGA PUMULA SA AKIN, “SA DIOS WALANG MATAAS WALANG MABABA. LAHAT NG BAGAY SA DIOS AY KABABAAN.” AKO AY HINANGAAN NILA DOON KAYA HALOS LAHAT NG KAPATID KONG CURSILLISTA AY TUMULONG SA AKIN.
SUBALI’T NANG MAGKAROON KAMI NG HIGH-NOON SA LOOB NG SIMBAHAN SA HARAP NG TABERNAKULO, LAHAT NG MGA BATA AT ROLLISTA, PATI NA SI BRO. DADO DE GUZMAN AY NAGSABI NA AKO RAW AY TUMAAS SA HARAP NG TABERNAKULO. MAY ULAP SA ILALIM NG AKING PAA. NANG MAKITA NILA ANG MUKHA NG PANGINOONG JESUS NANAKAPAKO AT MAY KORONANG TINIK AY NAGWIKA ITO, “MGA ANAK MAGBAGO NA KAYO. HALIKAYO AT KAYO AY AKING HUHUGASAN.” NANG AKO AY MAGISING, NAGKAGULO SILANG LAHAT. ANG IBANG MGA BATA AY SUMISIGAW NG, “PATAWARIN PO NINYO KAMI.” SINABI NILA KAY FR. PINEDA ANG NANGYARI AT ANG GUSTO PA NG IBANG CURSILLISTA NA HINDI MAKAPANIWALA AY IHINTO ANG KLASE. SUBALI’T SABI NI FR. PINEDA NA MAHIRAP HATULAN ANG BAGAY NA IYON.
AKO MAN NG GABING DUMATING SI FR. MONTILLA, KASAMA KO SI BRO. JOE BAUTISTA AY NAGTANONG KAY FR. MONTILLA TUNGKOL SA NAGAGANAP SA AKIN. ANG WIKA KO, “BAKA AKO AY NAGKAKASALA O NAGBIBIGAY NG IPAGKAKASALA NG MGA TAO. TULUNGAN MO PO AKO, FATHER.” SAGOT NAMAN NIYA SA AKIN, “VIRING, HUMANDA KA SA LAHAT NG SAKIT NA DARATING SA IYO BUHAT NGAYON. SAPAGKA’T IKAW AY NAKATALAGANG MAGHIHIRAP. KUNG MAY MGA PARI NA HINDI MANINIWALA SA NAGAGANAP NA IYAN SA IYO, AKO AY NANINIWALA. KAYA’T PILITIN MONG MAGING MALINIS NANG HINDI MAWALA SA IYO IYAN.”
HINDI LAMANG KAY FR. MONTILLA AKO LUMAPIT NOONG PANAHONG IYON. ANG BATAAN AY NASASAKUPAN PA NG DIYOSES NG PAMPANGA. NAGPUNTA DIN AKO KAY MONSIGNOR EMILIO CENENCE. NAGPATULONG AKO PARA AKO AY MAOBSERBAHAN. SINABI KONG LAHAT ANG NAGAGANAP SA AKIN, KASAMA KO ANG IBANG KAPATID KO SA CURSILLO. NANG MARINIG NI MONSIGNOR ANG AKING SALAYSAY AY TININGNAN AKONG MABUTI AT SINABI NIYA, “MAPALAD KA, MARAMI ANG NAGHAHANGAD NIYAN. HIDNI NILA MATANGGAP NGAYON SA IYO DUMATING, MAGPASALAMAT KA” ANIYA. “SUBALI’T, HUWAG KANG MAGIGING MAYABANG. HUWAG MO RING HIHINGIN. KUNG TALAGANG DARATING IYAN, HINDI DAPAT HIHINGIN.”
KAYA’T NANG KAMI AY UMUWI AY MAGAANG-MAGAAN ANG AKING DIBDIB. MAGING SI FR. PINEDA AY LAGI NA LAMANG AKO ANG PAKSA SA MGA TAO AT KUNG ANO ANG NAGAGANAP NA IYON SA AKIN. TINAWAG AKO NI FR. PINEDA. ANG SABI NIYA SA AKIN AY NAGUGULUHAN ANG ISIPAN NG MGA CURSILLISTA. BINIGYAN AKO NG MORITORIUM NG AKING PAGRE-RECTORA. KUNG MASAMA RAW TALAGA ANG DUMARATING SA AKIN, HINDI ITO MAGTATAGAL. SUBALI’T KUNG MAGANDA AT TOTOO, ANO MAN ANG GAWIN NAMING PAGTANGGI AY MAGPAPATULOY ITO.
MULA NOON HANGGANG NGAYON, MAHIGIT NA DALAWAMPU’T LIMANG TAON NA ANG NAKALILIPAS. NARIRITO PA RIN AKO SA KALOOBAN NG PANGINOON. AKO AY DINALA NILA BRO. BAUTISTA SA MABATANG, ABUCAY, BATAAN. DOON LIBO-LIBONG TAO ANG NAPAGLINGKURAN NG MAHAL NA INGKONG. DOON MAN, AKO AY INUSIG NG MGA CURSILLISTA. LAHAT NG PARAAN AY GINAWA NILA PARA MASIRA AKO SA TAO. SUBALI’T NGA ANG TOTOO AY TOTOO. KAYA’T SIGURO PARA WALA NANG MAGKASALA SA MGA CURSILLISTANG IYON, MINARAPAT NA AKO AY MAPUNTA SA BUNDOK NA KUNG TAWAGIN AY SACRIFICE VALLEY.
DITO TUWING BIYERNES HANGGANG SABADO AY NAGLILINGKOD KAMI SA TAO. ANG AYAW MAGSIMBA AY PINAGSISIMBA NG ESPIRITONG DUMARATING SA AKIN. ANG MGA MASASAMA KUNG KANYANG NAARALAN AY NAGSISIPAGBAGO. SUBALI’T SABI SA BAHAL NA KASULATAN, “KUNG NASAAN ANG NAGBABANAL NARIYAN ANG TUKSO” O “TUKTOK MAN NG SIMBAHAN AY MAAARING PASUKIN NG DEMONYO.” SA LOOB NG PITONG TAON NAMIN DITO SA BUNDOK NA ITO, DUMATING ANG ISANG SIGWADA.
ANG ALFREDO TURLA NA IYON NA KASAMA KO AY NATUTONG MANLOKO. ANG MGA BABAING NANINIWALA O NAGTITIWALA SA KANYA AY GINAGAWAN NG HINDI MABUTI. AT KUNG PANGANGARALAN NG MAHAL NA INGKONG ANG MGA BABAENG NAGSUSUMBONG, AKO AY SASAKTAN AT HALOS TINATAGA. ITO AY IPINAGLIHIM KO SA AKING MGA ANAK. NAGTIIS AKO AT ANG PANINIWALA KO AY KABAHAGI ITO NG AKING PAGPAPAKASAKIT.
SUBALI’T NATAONG DUMATING SI FLORENTINO, ANG AKING ANAK. SA HARAP NIYA, AKO AY TATAGAIN DAHIL SA HINDI SIYA NAKIKILALA NI ALREDO. LUMABAN ANG AKING ANAK AT MUNTIK NG MASAKSAK NI FLORENTINO SI ALREDO. SA PANGYAYARING IYON DUMATING SA AKIN ANG MAHAL NA INGKONG AT WINIKANG BUMABA KAMI. HINDI NA NARARAPAT AKONG SUMAMA SA TALAGANG AYAW BUMUTI O SA MAKASALANAN. KAMI NGA AY BUMABA. SABI NG IBA NAMING KASAMA, LALO NA ANG MAYAMANG MGA TAGA-BALANGA, LUMABAN DAW AKO. BAKIT DAW AKO BABABA? BAKIT DAW HINDI MABIGYAN KAPARUSAHAN O PATAYIN ANG ALREDONG IYON, NG MAHAL NA INGKONG? HINDI KO RIN ALAM KUNG BAKIT. SUBALI’T ANG WIKA NIYA ANG DIYOS AY MAY SARILING PAMAMARAAN. HINDI MAAARING UTUSAN NG TAO. KAHIT NA NANG NABUBUHAY SI CRISTO, UMAALIS ITO KUNG INUUSIG. HINDI LUMALABAN. IYAN ANG DIYOS.
HUMIWALAY SA AMIN ANG MGA KAPANALIG NI ALREDO. SILA AY NAGSAMA-SAMA. PATULOY NILA AKONG SINISIRAAN SA LAHAT NG TAO. AKO AY HINDI NAHIHIYA KANINO MAN O NATATAKOT SA KANILA ANG AKING KINATATAKUTAN AY ANG MAHAL NA INGKONG NA NGAYON AY LAGANAP ANG KAPANGYARIHAN. ANO MAN ANG KANILANG SABIHIN O GAWIN, “PRAISE THE LORD!” HINDI AKO MAGDARAMDAM. BAHALA SA KANILA ANG PANGINOON.
SA KASALUKUYAN AY PATULOY NA NAGLILINGKOD ANG MAHAL NA INGKONG SA PAMAMAGITAN KO. MAHIGIT NA 5 MILYON NA ANG NATATAKAN NIYA AT LAGANAP NA ITO SA BUONG MUNDO. ITINAYO NA RIN NIYA ANG KANYANG SIMBAHAN, ANG APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH (ACC) SA PAMAMAGITAN DIN NG ANAK KONG SI FLORENTINO NA NGAYON AY ISA NANG GANAP NA OBISPO AT PATRIARKA.
AT MARAHIL ITO RIN AY PAGSUBOK PA SA AKIN KUNG HANGGANG SAAN KO MADADALA ANG AKING PAGHIHIRAP. SANA PO SINO MAN ANG MAKABABASA NITONG SINUMPAAN KONG TALAMBUHAY AY IPAGDASAL AKO NA MAGING KARAPAT-DAPAT SA PAGPAPALA NG PANGINOON. AT KUNG SA KABILA NG AKING SINUMPAANG ITO AY HINDI PA RIN AKO MATATANGGAP, “ PRAISE THE LORD!” SA KAMAY MO PO PANGINOON KO INILALAGAY ANG LAHAT NG BUHAY KO, PATAWARIN MO PO AKO AT PATAWARIN MO RIN ANG MGA TAONG NAGMUMURA SA AKIN O NANINIRA.
AKO AY MALIGAYA SA KABILA NITO. SAPAGKA’T NABASA KO SA MABUTING BALITA NA ANG SINO MANG PAG-UUSIGIN DAHIL SA KANYANG PAGLILINGKOD SA DIYOS AY MAPALAD. SAPAGKA’T SA PAMAMAGITAN KO NATUTULUNGAN NG ESPIRITU SANTO, ANG MAHAL NA INGKONG, ANG MARAMING TAO. HAYAG SA MADLA NA MARAMI ANG MGA BABAENG NAGBIBILI NG ALIW AT KATAWAN, DAHIL SA SILA AY NAPANGARALAN NG MAHAL NA INGKONG SA PAMAMAGITAN NG AKING KATAWAN AY NAGSIPAG SISI AT NAG BAGONG BUHAY.
ANG AKING SINUMPAANG SALAYSAY NA ITO AY MANGYARI SANANG MAGING KALIWANAGAN NG ISIPAN NG LAHAT NG HINDI MAKATANGGAP O MAKAPANIWALA SA MGA NAGAGANAP NA ITO SA AKIN. AT WALA AKONG HINIHINGI SA INYONG LAHAT NG KINAUUKULAN. HUWAG NINYONG HATULAN NA KAMI AY HINDI KATOLIKO. ANG SINO MANG NAPAGLINGKURAN DITO AY HINDI HINIHINGIAN NG ANO MANG PERANG BAYAD KUNG HINDI SILA AY MAGSIMBA, MANGUMPISAL AT MAKINABANG DITO SA SACRIFICE VALLEY, BIYERNES AT SABADO NG AMING RITUAL SAPAGKA’T KAMING LAHAT AY KAILANGANG MAGSIMBA TUWING LINGGO SA BAWAT SIMBAHANG AMING PAROKYA.
SALAMAT SA DIYOS AT NAGKAROON AKO NG PAGKAKATAONG ISALAYSAY ANG ISANG PARTE NG AKING NARANASAN SA BUHAY……
GUMAGALANG,
SISTER MA. VIRGINIA P. LEONZON
(ORIGINAL SIGNATURE)
P.S.: ANG TALAMBUHAY NA ITO AY HALAW SA MISMONG BUHAY PAGPAPAHAYAG NG BANAL NA LUKLUKAN NA NAISULAT NOONG TAONG 1980.
In Loving Memory of our Beloved Mama, St.Maria Virginia...
See also the English Translated Version

ANG TALAMBUHAY NI SANTA MARIA VIRGINIA P. LEONZON

Presidente Carlos P Garcia
Senador Gil Puyat

STA MARIA VIRGINIA, AMING MAMANG, IPANALANGIN AT IPAMAGITAN MO PO KAMI SA MAHAL NA INGKONG
AMEN.
See also the English Translated Version