HABEMUS PATRIARCHAM
Titik ni Rev.Fr. Almiro, OMHS
sa pag- awit at tugtog ni Third Order Sis Urdina Rosita Asanuma, OMHS
June 20, 2009
Ikaw’y katuparan nang santong kasulatan
Na sa sikatan ng araw, sa dulong silangan
Anghel kang umaakyat sa kaitaasan
Taglay ang panulat na krus ng kaligtasan
Espiritu Santong Diyos sa iyo’y nakipagtipan
Huling patak ng dugo sa yo’y kanyang iniwan
Wika sa iyo’y, lahi mo’t sa iyo pagmumulan
Bagong Herusalem, makalangit na bayan
Itinatangi kang anak ng Banal na Luklukan
Kaisa-isang Patriyarka ng aming Simbahan
Sa puso’t diwa namin mananatili kaylanman
Pangalan mong mahal, o aming Papang
Mahal naming Ingkong ,aming Inang mahal,
At Sta Maria Virginia inyo pong bendisyunan
Santong Patriyarka nitong iyong simbahan
At kaming lahat na iyong tinatakan.
Habemus Patriarcham, mabuhay ka Papang
Habemus Patriarcham, Ama ng Simbahan
Habemus Patriarcham, kami’y bendisyunan
Habemus Patriarcham, mabuhay ka Papang!