AMP,
Ang salitang Patriyarka ay isang titulo, posisyon, at karangalan na ipinapatungkol sa AMA at PINUNO ng isang kalipunan ng tao na may sistema, patakaran at mga alituntunin o batas na pinaiiral, napapailalim sa isang pananaw at misyon.
Ang Patriyarka ay tulad sa isang upuan o trono o luklukan.At dahil isang trono ng kapangyarihan at karangalan isa lamang ang maaaring makaupo o makaluklok dito at iyon ay walang iba kundi ang isang hinirang o pinili mula sa karamihan sa pamamagitan ng itinalagang sistema ng pagpili at paghirang o kaya ay nang pagtatalaga o paghirang ng kahalili ng aalis na kasalukuyang Patriyarka.
Sa ating kasalukuyang panahon, 1992 - 2011 AD, ang ating Patriyarka ay walang iba kundi ang minamahal at iginagalang ng Simbahang Apostolic Catholic Church, Dr. Florentino Teruel, anak ng nag iisang Matriyarka at Pundadora ng Simbahan Sta Maria Virginia.
Si Dr Florentino Teruel ay ang Patriyarka at darating ang panahon sa kalooban ng Mahal na Ingkong ang katungkolan, karangalan, mga karapatan ng pagiging Patriyarka ay kanyang isasalin, ililipat sa hihiranging kahalili niya. Sa pamamagitan nito, ang kaisahan at katatagan ng Simbahan ay mapananatili at maiingatan hanggang sa mga susunod na salin lahi.
Cathedral of the Most Holy Trinity at Sacrifice Valley
Shrine of Ina Poon Bato, along EDSA
Ang Apostolic Catholic Church ay ang tangi at nag-iisang Simbahan na dalawa ang Krus na nagpapahiwatig na sa Simbahang ito pinag-iisa at nagkakaisa ang dalawang tradisyon, East and West, ng Simbahan ng Panginoong Hesukristo - ang ONE HOLY CATHOLIC and APOSTOLIC CHURCH.
ANG PATRIYARKA ANG EHE O AXIS AT SENTRO
Ang Patriyarka ang sentro at ehe o axis ng Simbahan ng Mahal na Ingkong sa lupa - ang Simbahang naglalakbay, ang Apostolic Catholic Church. Ang axis o ehe ay paris ng gulong ng bisekleta na kung saan ang mga rayos ay nakakonekta at ang axis naman sa batalya ng bisekleta. Paris din ng araw na siyang axis o sentro ng mga planetas. Ang Patriyarka bilang visible head ay ang visible axis of unity ng simbahan sa lupa.
Axis sapagkat siya ang siguradong koneksyon ng Simbahan at ng mga tinatakan sa MANDATO ng tagapag-tatag nito - si Dr Florentine Teruel, Sta Maria Virginia at Mahal na Ingkong.
Ang Mandato ng Patriyarka ay buhat at mula sa Mahal na Ingkong at Sta Maria Virginia. Hindi ito ginawa sa kanino mang iba.
Ang Patriyarka ay isang institusyon na dapat ingatan, ipagtanggol at ipagsanggalang. Ito ay mananatili hanggang sa katapusan ng mga panahon hanggang sa pagbabagong anyo ng langit at ng lupa, iyan ay pangakong binitawan ng Mahal na Ingkong sa atin sa labi man ng Sta Maria Virginia o ng Patriyarka.
Nitong nagdaang mga araw, may umuupasala at umaatake sa institusyong ito at sa kasalukuyang nakaupo sa karangalang ito. Binabato at tangkang dungisan ang pagiging Patriyarka at ang pagkatao o personalidad ni Apo Juan Bautista (Dr Florentino Teruel). Ang pagtatanggol sa Patriyarka ay isa sa mga katungkolan ng bawat hinirang at kasapi ng Simbahan. Ang pagtatanggol na ito ay hindi lamang ngayon kundi sa lahat ng panahon mag-iba iba man ang maupo at mahalal na Patriyarka.
Ang mga uupo sa katungkolan ng pagiging Patriyarka ay darating at aalis, mapapalitan subalit ang luklukang ito ay mananatili maging ang lahat ng karangalan at karapatan.